Francis' POV (Nikolai) Pagkatapos naming magtalo ni Aliyah kagabi sa bayan ay hindi na niya ako halos kausapin ngayon. Ni hindi niya na rin ako magawang tignan dito sa bahay habang kinakausap siya ng kanyang kapatid. Si Kuya Jed at ang mga kaibigan lang namin ang pinapansin niya at naiinis na ako. Kasalanan ko naman kung bakit nag-away kami kagabi pero hindi ko lang talaga napigilan ang galit at selos ko noong makita ko siyang naging malapit kaagad kay Governor Dean Sandoval. Hindi ako tanga at manhid para hindi mapansin ang ibang klaseng tingin ng Gobernador na iyon sa asawa ko. Maging pati na rin ang ibang mga kalalakihan sa bayan ng San Mariano ay hindi na halos maialis ang tingin nila kay Aliyah. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko, na kapag pinalaya ko siya sa mundo ko ay baka hind

