Chapter 1: Simula
When you hate someone, you dislike everything about that person. From the way he walks to the way he talks. Kapag kinamumuhian mo ang isang tao, lahat lahat sa kanya ay napapansin mo. Parang pagmamahal, kahit isang pinakamaliit na bagay ay binibigyan mo ng atensyon - hinahangaan at tinatanggap ng buong-buo. Kagaya nalang halimbawa ng pagngiti - we looked at the smile of the person we love as if it was the most adorable smile in the whole world.
But not in hate. Smile from the person who mutually hates us could mean danger. It gives you a feeling of doom, downfall, and every worst case you could ever think of. I hate that smile. The smile he rarely gives, and when he did, parang binibigyan ako ng babala na itigil na ang kahibangan ko dahil sa huli, ako parin ang matatalo. The feeling it imprinted on my system.
Lumingon ang lahat ng mga empleyado sa gawi ko dahil rinig sa buong first floor ang yapak ng stilletos ko. Ang iba’y nagsitayuan pa sa kanilang mga cubicle para lang tapunan ako ng tingin. Binigyan ko sila ng matamis na ngiti at ang ibang mga kakilala ko ay kinawayan ko pa. Tinatahak ko ang daan papuntang elevator ng madaanan ko ang kumpol ng mga babaeng kamag-anak yata ni Marites dahil umagang-umaga ay ginagawang almusal ang chismis, ang iba sa kanila’y hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa at ang iba nama’y pinagtaasan ako ng kilay na sinukat pa yata ng ruler dahil sa sobrang pagkakapantay nito. Ginawaran ko sila ng mala-anghel na ngiti kahit na sa loob-loob ko’y gusto ko rin silang tarayan. Che! Pasalamat sila at may inaalagaan akong reputasyon sa kumpanyang ito.
Habang naghihintay na bumukas ang elevator ay nakita ko ang sarili kong repleksyon. Inayos ko ang konting gusot sa suot kong color champagne na corporate attire pati na rin ang nagulong buhok at ang huli ay ni-retouch ko ang lipstick kong may konting smudge. Habang ginagawa iyon ay biglang bumukas ang elevator at mula sa likod ko ay may bumunggo sa balikat ko at naunang pumasok dahilan kung bakit nahulog ang paborito kong lipstick!
I stared at the lipstick rolling over someone’s shiny balck shoes. Nagtiim-bagang ako at napapikit sa inis ngunit hindi ko ipinakita iyon. Instead, I gathered all my kaplastikan and smiled at whoever the hell it was, at mas lumawak pa ang ngiting iyon ng nakita kong si Felix iyon. The Mr.Always Right of Vera Publishing.
“Don’t you think your red lipstick is too much, Shiloah?” pambungad nya sa akin. Naramdaman kong uminit ang batok ko dahil sa sinabi nya.
“Good morning, too, Felix. Don’t you think you’re being so pakialamero?” maarte kong sinabi sa kanya bago pinulot ang lipstick na nahulog saka sya hinarap at tinarayan. Nakita kong sinilip nya ang elevator buttons bago nya binalik ang tingin sa akin. He squinted his eyes and held both of my shoulders dahilan kung bakit kumalabog ang puso ko! Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa nya.
Why are you being so touchy today, Felix? Tanong ko sa sarili ko kahit na sa totoo lang ay nataranta talaga ako na baka marinig nya ang t***k non dahil sa sobrang lakas kaya piniglan kong huminga, at nagawa ko lang guminhawa nang marahan nya akong itinulak para pinindutin ang floor namin. Ang feeling mo naman pala, Shiloah!
“What do you think you are doing?” he suspiciously eyed me.
Nakabawi ako sa tanong na yon kaya’t ibinalik ko ang ngiti ko pagkatapos ay sinagot sya.
“Nothing.” nakakapagod na ngumiti ha. Damn you, Felix! Ang mga ngiti ko ay ibinibigay ko lang sa mababait na tao at gusto ko iyong ipagkait sa iyo pero hindi mo pwedeng makita na naiinis ako!
“You’re cleavage is showing, Shy. Are you planning to seduce everyone here?” nawindang ang buong pagkatao ko sa sinabi nya, mabuti nalang at walang ibang nakasakay dito sa elevator kundi ay baga inapakan ko na ang kumikintab nyang sapatos dahil sa hiya. So he wants to play this game today. Sorry, Felix, but I’m so not in the good mood to bicker with you today! I mentally laugh.
“Whatever you say, Felix. Anyway, bayaran mo ako ngayon dahil nasira mo ang lipstick ko!” biglang bumukas ang elevator kaya’t sa halip na sagutin ako ay dire-diretso syang lumabas.
“Come on, Felix. Kaka-order ko lang nito and hindi pa fully paid dahil one month to pay naman pero you ruined it because you pushed me earlier!” sabi ko habang sumusunod sa likod nya.
Hindi nya ba ako narinig o nagbibingi-bingihan lang sya? Ang gwapo mo naman masaydo kung ganoon, Felix. May nakakasalubong kaming ibang empleyado na hindi itinatago ang pagsunod ng tingin kaya kinakawayan ko nalang at ngininitian. Bakit nga ba nila kami tinitingnan? Mukha ba kaming couple na nag-aaway? Ew, no! Ang swerte niya naman masyado kapag nalink siya sa akin.
“Felix, ano ba!” I said, slightly raising my voice, at ang antipatikong iyon hindi manlang talaga ako pinansin at pumasok nalang sa opisina nya.
I stopped in front of his glass door and crossed my arms para ipakita na hindi ako natutuwa. There, I saw him took off of his black suite. He massaged the bridge of his nose and sat on his swivel chair saka idinerekta ang nabuburyong tingin sa akin. I rolled my eyes at him bago tumalikod at pumasok sa opisina’ng katapat lang ng kanya.
Felix and I doesn’t work in the same company, but we were working in the same building. Apparently, the publishing company I work for is suffering from bankruptcy 2 years ago. Felix’s boss, Mr. Paul Vera, is a good friend of my boss, Ms. Allona Grace Ocampo. Mr. Paul decided to share his company’s resources to ours in order to save it from a great loss, including this building and some manpower kabilang na doon si Felix.
It may be weird but they did anyway. Felix here is a very treasured employee of Mr. Paul. He is a great financial manager and adviser, the very reason why their company is considered as the top publishing company in the industry. Felix was given a power by Ms. Allona to do everything that could save this copampany at kasama na doon ang pagbebenta ng shares at pagbabawas ng empleyado, because according to his great principle, their company will lend us some of their manpower.
Does it make sense to me? Of course not. He fired some employees na mababa ang reputation at mga hindi nakakaambag masyado sa pag boost ng company and all these fired employees were burning my phone and spamming me emails, asking if I could do something about it because they think I am closer to the boss, more than anyone.
I give my sympathy to those people. But I just couldn’t do anything about it because I, too, is just a mere employee. Since then, I see Felix as a cold-hearted man. I always observe him every time I have a chance, and every time he would catch me staring at him, he would furrow his brows and walk away. He never smiled. Kung ako ay palaging nginingitian ang mga ibang empleyado. Kung kumpetisyon lang nga ito ay baka kinoronahan na ako ng pagiging Ms. Congeniality sa sobrang dalas kong makihalubilo sa mga tao sa building na to. But I rarely see him smile and never interacted with other employees. He’s such a loner. He is a deep mystery to me, an adventure, and I am the Dora the explorer of his life.