Kinabukasan ay maaga pa ako sa trabaho. I told Ms. Allona that I’d be responsible and accountable for it kaya andito ako ngayon at pinaninindigan iyon. Ang balak ko ay puntahan si Agnes para sabihin na sana ay hindi na umabot pa sa Friday iyong report.
She is a party girl kaya sigurado ako na mag-a-undertime na naman siya sa araw na iyon dahil Friday-night lang naman ang pinaka-inaabangan ng lahat ng mga nagtatrabaho.
“Good morning, Ma’am!” bati sa akin ng guard na siya ring on-duty kahapon.
“Good morning din po, Kuya!”
Pagdating ko ng floor namin ay wala pa masyadong tao bukod sa iilang empleyado. Isa pang rason kung bakit ako pumasok ng maaga ay ayaw kong makasabay si Felix kagaya kahapon. For sure ay hindi niya ako titigilan dahil hindi na niya ako naabutan kahapon dahil lang sa sinabi niya “we’re not done yet”.
Watever you say, Felix! Bakit? Ano bang akala niya sa akin? Alipin niya? Duh!
Nilapag ko lang ang gamit ko pagkapasok na pagkapasok ko ng opisina pero agad din namang lumabas para pumuntang kitchen. People should know that they should drink coffee first before they begin their day. Kase kahit na stress sila sa trabaho at least nakapag-kape sila, hindi ba? Pero baka acidic sila kaya sige huwag na lang nila akong tularan.
Paglabas ko ng kitchen ay nakita nagsisidatingan na ang mga empleyado dahilan kung bakit dumami na ang mga tao. I looked at my wrist watch at nakita kong 7:30 na rin pala kaya nagmadali na ako sa paglalakad. Pagkapasok ay agad kong binaba ang mga blinds sa may harap para hindi ko matanaw ang opisina ni Felix. Iniwan ko namang bukas ang kabilang panig para makita ko ang mga tao sa cubicle.
Ganoon nga ang ginawa ko, buong umaga ay inubos ko ang oras sa pagtatrabaho. Nang naramdaman ko ang pagkulo ng sikmura ko ay sinulyapan ko ang wall clock at nakitang malapit na pala mag-ala una. Gusto ko sanang magpa-deliver nalang ng pagkain kaya lang ay wala naman akong mauutusan. Hindi naman puwedeng utusan ko ang sino mang nasa floor na ito dahil hindi naman ganoon kataas ang posisyon ko para gawin iyon, mas lalong di ko puwedeng tawagin ang guard para gawin iyon para sa akin dahil nakakhiya naman tsaka hindi niya puwedeng iwan iyong post niya para lang madalhan ako ng pagkain. Napabuntong-hininga ako ng wala sa oras dahil na-realize kong wala talaga akong choice kundi bumaba kaya kinuha ko ang bag ko at tumayo na.
Paglabas ko ay nakita ko rin ang paglabas ni Felix. He definitely looks good on that white dress shirt pero hindi ko iyon sasabihin sa kanya.
Dahil sa sarili kong iniisip ay wala sa sarili ko siyang inirapan saka dumiretso na sa elevator.
Saan kaya ako kakain? Ayoko dito sa cafeteria dahil hindi naman ganoon kasarap ang pagkain nila dito. Lahat ng menu ay puro gulay, ano bang palagay ni Mr. Paul sa mga emleyado niya? Mga baka at kambing?
Habang nag-iisip ng kung saan pwedeng kumain ay pumasok na din si Felix at pinindot ang button. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita kaya tiningnan ko siya sa pamamagitan ng repleksyon namin sa salamin. Pero hindi ako nakutento, binaling ko ang ulo ko sa kanya saka ginilid ang katawan para mas lalo akong mapaharap sa kaniya.
He has no reaction, though. He just stood there as if he’s a statue with that stiff body and straight face.
“Stop staring at me, Shiloah,” matigas na sabi niya sa akin. Wala akong balak kausapin siya, okay? Gusto ko lang siyang titigan para inisin pero naka-isip ako ng kalokohan.
“If staring at you is illegal, Felix. Then, I’d be more than willing to be imprisoned,” halos pabulong kong sinabi iyon. Sa suot niyang salamin ay nakita ko pa rin ang paniningkit ng mata niya. He probably thinks I am messing with him right now.
Dahil sa ipinakita niyang reaksyon ay gusto ko nang ngumisi pero makikita niyang pinagti-tripan ko siya, maiinis na naman siya at baka bumawi. Ayokong mangyari iyon kaya yumuko ako para pigilan ang pagsilay ng mga nakakalokong ngiti.
“Are you flirting with me now?” hindi makapaniwalang tanong niya pero sa halip na sumagot ay humalakhak ako.
Lumapit ako sa kanya. Kunwari kong inayos ang collar niya saka hinagod ang kanyang matitigas na dibdib. I smirked when his breathing hitched.
“Bakit? Will someone be jealous if I really am flirting with you?” mas lalo kong inilapit ang sarili ko sa kanya at inangkla ang mga braso sa kanyang batok. I even touched his hair.
Surprisingly, hindi siya gumalaw kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para mas lalo pa siyang inisin.
Tinitigan ko siya ng diretso sa mata at nagulat ako ng sinuklian niya iyon sa parehong intensidad.
I have always known that Felix is handsome. Hindi ko lang sigurado kung may ibang lahi ba siya pero pakiramdam ko ay meron dahil sa pagkaputi niya. Makinis rin ang balat niya. Halatang anak-mayaman. Matangos ang kanyang ilong at mapupula ang mga labi. I wonder if it is soft? Mabilis akong napa-iling sa sarili kong naisip.
Gosh, I must be crazy!
Hindi man kami madalad na nagkakasundo ay ilang beses na rin naman kaming nagkasama. Nakakasama ko siya tuwing meeting, corporate dinner, at ilang party na related sa business, pero kahit kailan ay hindi kami naging ganito kalapit.
Kaya naman nakakamangha ako ng makita malapitan ang pinaghalong tsokolate at berde niyang mga mata. Malalim ang titig niya na para bang pati kaluluwa ko ay kayang higupin nito. Mahaba rin ang kanyang mga pilik-mata. Bakit nga ba karaniwan ay lalaki lang ang pinagbibigyan ng Diyos ng mahahabang pilik-mata? Nakakainggit.
Nagulat ako ng naramdaman ko ang isang kamay niya sa likod ko. Mas lalo niya akong pinalapit sa kanya dahilan kung bakit tuluyang nadidkit ang dibdib ko sa kanya. Nang inangat ko ang paningin ko ay sinalubong ako ng mga mata niyang hindi natutuwa. Umigting ang panga niya dahilan kung bakit inayos ko ang pagkakatayo ko at umatras palayo sa kanya.
Sa pagbabago ng hitsura ko ay maaaring na-realize niya na na-apektuhan ako sa ginawa niya kaya siya naman ngayon ang may lakas ng loob na lumapit sa akin, hindi hinayaan na tuluyang magkaroon ng distansya sa aming dalawa. He licked his lower lip and smiled, hindi pinuputol ang tinginan namin.
Kinakabahan kong sinulyapan ang floor indicator, dahil baka magulat nalang ako may audience na pala kami ano.
“Would you want to be my prisoner then, Shiloah?” sabi ni Felix sa mahina ngunit nang-aasar na boses.
Parang nalunok ko yata ang dila ko dahil natahimik ako pero hindi ko siya hahayaang manalo ngayon. With his intense gaze, mas lalo ko pang inilapit ang mukha ko. Kung kanina ay magkalapit ang mukha namin, ngayon ay sobrang lapit na na sa tingin ko ay maduduling na yata ako sa sobrang pagkakatitig sa kaniya. I feel like this is a staring game, ang unang umiwas, siya ang talo.
When I saw him gulp, I smirked. Pero kung kanina ay malakas pa ang loob ko, nang nakita kong napatitig siya sa labi ko ay kumabog na ang dibdib ko.
Ganito ang mga nasa pelikula eh hindi ba? Pati sa libro, kapag hahalikan na ng bidang lalaki ang bidang babae ay napapatitig ito sa labi nito. Bumilis ang hininga ko.
“W-what are you doing?” tanong ko sabay tulak ko sa dibdib niya pero hindi manlang siya natinag doon. Ang kanyang kaliwang kamay ay hinawakan ang mga kamay ko na nasa dibdib niya, ang kanan naman ay pinadausdos niya pababa sa bewang ko.
Now, he’s locking me. Oh my gosh, this is not good!
“Felix, stop! What are you doing?!” I started to panic.
Sinubukan koong makawala mula sa pagkakawak niya pero masiyadong mahigpit iyon. Nang umatras siya ay akala ko bibitawan niya ko pero hindi ganoon ang nangyari. Kasabay ng pag-atras niya ay ang paghila din sa akin.
Hindi ako tumigil sa pagsusubok na makawala pero parang wala siyang pakialam doon dahil tinitingnan niya pa din ang labi ko.
“Your lips are sinful, Shiloah,” he said without looking at me.
Nanginig ako at hindi ko alam kung bakit. Nakaramdam rin ako ng parang kung anong umiikot sa tiyan ko. What’s happening? Nang iniangat na niya ang paningin niya sa mga mata ko ay mas lalo pang kumabog ang dibdib ko. He licked his lower lip and lean forward to me. He’ll kiss me! Felix will kiss me, oh my gosh!
Pakiramdam ko ay wala na akong magagawa pa. Hindi ako makawala sa mga kamay niya kaya tinigil ko nalang. Ano pa bang saysay hindi ba? I succumbed, so I closed my eyes and anticipated the kiss.
Mariin ang pagpikit ako. I waited pero walang labi ang dumikit sa labi ko. Dahan-dahan ay dinilat ko ang isang mata ko at doon ay nakita ko… ang walang-hiyang Felix na nakangising aso.
Damn you, Felix!
Malakas ko siyang tinulak. This time, nagpatianod siya. Thank god at lumayo siya pero lalo lang akong nakaramdam ng nainis nang marinig ko siyang humalakhak.
“Masaya ka pa?” pagalit kong tanong sa kanya.
He raised both of his hands for a surrender.
“Bakit ka nagagalit?” natatawa pa siya ng sinabi iyon sa akin.
Nalukot ang mukha ko sa narinig kong sagot mula sa kanya. Seryoso ba siya? Tinatanong niya talaga kung bakit ako nagagalit?
“You’re enjoying this, don’t you?” I crossed my arms.
“Hmm…” nagkibit-balikat lang siya sa akin at sumandal. “Why don’t you tell me kung bakit ka naiinis, Shiloah? Were you disappointed?” aniya sa nakakalokong tono.
“Seriously? You’re making fun of me! Kaya natural lang na maging ganito ang reaksyon ko!”
He chuckled once more.
“Ang tapang mo kanina ah? Anong nangyari ngayon? You’re such a tease…” ginaya niya ako, he also crossed his arms. “and I don’t like hearing things like that, Shiloah. Mga bagay na hindi mo kayang panindigan… because if I were you, kapag sinabi kong gusto kong maging akin ka, kahit ayaw mo sa akin pipilitin kita.”