“Shiloah?” patanong na tawag ni Agnes sa akin. Nakangiti pa rin siya pero makikita mo sa mga mata niya na hindi siya natutuwa sa pag-singit ni Felix sa usapan. Tiningnan ko muna si Felix na ngayon ay nakasandal sa may pintuan, naka-krus ang mga braso at nakataas ang isang kilay sa akin, hinihintay ang isasagot ko.
“Gusto ko sana na matapos ko yung mga trabaho bago ang deadline, Agnes. Alam mo naman na kailangan ko din ipasa iyon para mapirmahan ni Ms. Allona, hindi ba? Pero kung talagang masakit ang ulo mo ngayon ay sige, gagawan ko nalang ng paraan,” marahang sabi ko. Kung anong pagliwanag ng mukha ni Agnes sa sinabi ko ay ganoon din naman ang pagdilim ng mukha ni Felix.
Halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko dahil sa blangko niyang mga titig, kaya ako naman ngayon ang nagtaas ng kilay sa kanya. Kinuha ni Agnes ang dalawang tasa ng kape na ginawa niya at maligaya niyang ibinigay sa akin ang isa.
“Thank you talaga for this, Shiloah. Hayaan mo this weekend ipapasa ko na talaga,” sabi niya sa akin. Agnes, with a smile on her face, side-eyed Felix pagkatapos ay lumabas na siya ng kitchen at bumalik sa cubicle dala ang kape niya. Sa weekend pa? Monday palang ngayon, ah? Ilang araw pa pala ang hihintayin ko? Oh, gosh. Dapat ba nag-no nalang talaga ako? Pero wala na, eh. Napa-oo na ako at nakakhiya naman kung babawiin ko iyon bigla. Pero bakit ba ako nag-rereklamo ngayon eh kasalanan ko naman.
Palabas na sana ako ng kitchen at babalik na sa opisina nang biglang nagsalita si Felix.
“Naniniwala ka ba sa sinasabi niyang masakit ang ulo niya , Shiloah?”
Wala akong balak sumagot kase bukod sa madadaanan namin ang mga nagtatrabaho ay hindi niya naman problema iyon dahil akin iyon. Bakit ba siya nangingialam? Pero wala yata siyang pakialam sa sasabihin ng mga empleyado dahil nagpatuloy si Felix.
“Shiloah, you could’ve just said no,” pagpapatuloy ni Felix sa mas matigas at mas matas na boses. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pag-angat ng tingin ng mga empleyado kabilang na doon si Agnes na humihigop pa ng kape. Napayuko nalang ako at bahagyang binilisan ang lakad.
Naramdaman ko ang pagsunod ni Felix sa likod ko kaya mas binilisan ko pa ang lakad. Baka kase pag naabutan niya ako ay higitin niya ako o ano man. Aba ayokong ma-eskandalo dito no! Nakakahiya naman kung ang ganda ng office attire ko ngayon, naka-red lipstick pa tapos makikita nilang sinesermunan lang pala ako? Hindi ko matatanggap iyon kaya minabuti kong bilisan pa ang paglalakad.
Nang marating ko ang pintuan ng opisina ko ay hindi na ako nag-abala pang tingnan ang likuran ko dahil inakala kong hindi na sumunod pa si Felix at pumasok na ito sa opisina niya. Kaya naman laking gulat ako nang hindi ko pa nga nahahawakan ang steel handle ng pinto ay bumukas na ito at mas nauna pa siyang pumasok. Felix went to the glass wall of the office at kumunot ang noo ko nang ibinibaba niya ang mga blinds para hindi makita ng mga nasa labas kung ano man ang nangyayari dit sa loob.
“What are you doing?” sabi ko sa mataas na boses, kinakabahan ng konti. Sa halip na sumagot ay pumunta pa siya sa kabilang side at binaba din ang mga blinds. Malapit na akong mag-panic, okay. Dahil hindi ko alam kung anong gagawin niya.
“Felix! Ano’ng ginagawa mo? Itigil mo nga ‘yan!” this time, I shouted. Saktong natapos siya sa kaniyang ginagawa ng lumapit siya sa akin sa nagmamadaling hakbang.
“Why did you say yes again?” Felix said, almost whispering.
Felix is tall and muscular while I have an average height and body of a woman. Hanggang dibdib niya lang ako at sa sobrang lapit niya sa akin ngayon na naamoy ko na ang pabango niya at sumasakit na din ang batok ko dahil sa pag-angat ng tingin sa kanya.
“Because --” hindi pa ako natatapos magsalita ay nagpatuloy siya.
“Iniisip mo ba talaga na masakit ang ulo niya? Obviously, Shiloah, nagsisinungaling siya! She’s just lazy to work.”
“Don’t judge her, Felix. Paano mo ba nalaman na hindi masakit ang ulo niya? Did you feel it? Bakit ulo mo ba iyon?” pabalang kong sagot sa kanya. He looked at me as if I am the biggest joke of a person he ever met.
“Palagi niyang ginagawa ito, hindi ba? Kaya’t palagi ka rin late sa pagpasa niyan sa boss mo ay dahil siya naman talaga ang problema. Alam mo iyan Shiloah, so why are you doing this?”
Felix is right. Agnes has been doing this for years now. She goes to parties whenever she wants kaya hindi niya nagagawa ng maayos ang trabaho niya at kahit wala siyang party na dinaluhan ay hindi pa rin naman siya nakakagawa ng mga reports. Marami siyang palusot na sinasabi at hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng iyon o gawa-gawa niya lang. Sa tuwing ginagawa niya iyon ay ako ang palaging nag-aadjust at naghihintay para matapos niya ang trabaho. Hindi din naman nagagalit si Ms. Allona sa akin dahil ginagawan ko ng paraan. Hindi pa at hindi ko alam kung kailan siya magagalit dahil ako ang nagmumukhang inefficient employee dito.
“I will work this out myself, Felix. Thank you for your concern but you don’t have to tell me this. I know what I’m doing,”
“Then, for how long will you tolerate this?” sagot niya. Napaisip ako doon at hindi ko na makayanan ang matagal na titigan naming dalawa kaya bahagya ko siyang nilayo sa akin at naglakad papuntang mesa ko. This is so annoying!
“For sure, she will change her work attitude kapag sinabi ko na sa kanya,”
“So kailan mo nga sasabihin?”
This argument is going nowhere. Hindi ko naiintindihan kung bakit mas galit pa siya sa akin. Kahit sabihin ko na concern lang siya for me, I don’t think this appropriate though. I mean, we’re not even friends more so colleagues kasi technically speaking, we are not dahil nakikigamit lang naman kami ng building nila. Dapat wala siyang pakialam doon dahil bakit?
Napatigil ako sa kunwaring ginagawa ko at from my peripheral vision, I saw him move three steps forward to me.
“Bakit? May deadline din ba to?” wala sa sarili kong sagot. Nang lingunin ko siya ang naka-awang na ng kaunti ang mga labi niya. Disbelief is also evident in his face. Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon para makasagot.
“Let’s drop this conversation, Felix. Like what I said, I know what I am doing. Now, can you please get out?”
Sasagot pa sana siya nang biglang dumating ang kumatok ang janitor, opening the door slightly just enough to see and hear him.
“Ma’am, pasensya na po sa istorbo pero may parcel po kasi kayo sa baba. Kailangan daw ng pirma ninyo,” magalang na sabi ng janitor.
“Thank you, kuya. Sige po susunod ako sa baba,” tipid na sagot ko kahit sa loob-loob ko’y gusto ko siyang yakapin at sabihin na hindi siya nakaka-istorbo. Bagkus ay itinuturing ko siyang anghel na ipinadala ng langit para lang matapos ang walang kwentang pag-uusap namin ni Felix.
Pag-alis ng janitor ay inabot ko ang bag na nakapatong sa mesa at kinuha doon ang wallet bago tiningnang muli si Felix.
“Leave now, Felix” paalala ko sakanya bago binuksan ang pintuan at bago ko pa masara iyon ay narinig ko siyang nagsalita.
“We’re not done yet,” nakita ko na susundan niya pa ako pero nagdali-dali sinara ang pinto at lakad-takbo ang gianawa papuntang elevator para hindi na niya ako maabutan pa. Pagkapasok sa loob ay agad kong pinindot ang first floor button, pasara na iyon noong nakita ko siyang nakatayo sa may pintuan habang nakahawak ang mga kamay sa bewang. I wanted to annoy him, so as a joke I waved my fingers and blew a kiss.