Alas otso pa lang ng umaga ay gising na ako kahit mamayang alas tres pa naman ang kasal. It's a church wedding and the reception will follow at well-known hotel here in the city. Kagabi ay tumawag si Bethany sa akin kung nabilhan ko daw ba siya ng dress. Sinagot ko naman na oo kahit na kamuntikan na ngang makalimutan ko ito dahil kay Farah. I remember our conversation. "Kuya's back." Kumabog ang dibdib ko at hindi ko alam kung anong mararamdaman. I am actually half happy about her news and half sad dahil ko naman sigurado kung magkikita ba kami o magkikita pa ba kami. How would I know? We don't even message each other. I did not try and I bet he didn't as well. "T-then g-good. Um..." nauutal kong sabi ko. How can I even say good right now when I had no idea where he have been. H

