May kalakihan ang bag kong dala. Pabagsak kong inilapag iyon sa mesang nasa harapan ko at balak na sanang umupo para hintayin ang pagsundo ni Felix pero biglang tumunog ang intercom. Siya na siguro ito. Mabilis kong nilapitan ang pinto at nakita siyang nakatayo doon habang inaayos ang sleeves ng suot niyang puting dress shirt.
“Sandali lang,” paalam ko at kinuha na ang bag ko. “Tara na?”
“Ako na magdadala niyan,” pagboboluntaryo niya. Aalma pa sana ako dahil hindi naman ito mabigat pero kinuha na niya ito mula sa akin. Nagkibit-balikat ako at ni-lock an pinto at saka sumunod sa kanya.
Kahapon ay napag-usapan nila ng kapatid niya na sa hapon daw ngayon ay may photoshoot sila. Kaya kahit bukas pa talaga ang kasal ay pupunta na kami doon. Bandang tanghali na siguro kami makararating doon dahil dalawang oras ang byahe mula Metro papunta roon.
“Your dress is at the backseat,” aniya.
“Huh? Oh, okay. Thank you…” ang tinutukoy niya ay ang binili niyang dress kahapon para sa akin. Nakalimutan kong kuhanin iyon sa kanya kahapon nang pauwi na kami dahil okupado ang utak ko.
Palagay ko ay nasira ang araw ni Coraline kahapon dahil sa sinabi ni Felix dahil hanggang sa naghiwalay na kami ng daan ay hindi na muli siyang nagsalita pa. Ngayon, dahil magkaibigan ang pamilay nila ay siguradong nandoon din siya. I don’t know what kind of interaction will we have now that she knows I’m no longer a colleague. But her reaction is least of my concern. Mas kinabahan pa ako sa reaksyon ng kapatid ni Felix. At the back of my head, I had it that she might react negatively. Surprisingly, she wasn’t.
With that, I felt relived.
Habang nagdadrive si Felix ay inabala ko ang sarili ko sa pagtanaw sa abalang kalsada. Dala ng pisikal na pagod dulot nitong mga nakaraang araw ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako sa marahang pag-uga sa akin ni Felix.
“We just arrived…” I heard him whispered.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nakita kong nasa resort na pala kami.
“Whoa…” I was amused by how big the resort is. Nang naunang bumaba si Felix sa kotse ay saka ko lang kinalas ang seat belt at saka sumunod sa kanya.
“Kuya!” parehas kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. “Hi!” bati ni Farah sa akin. Nginitian ko siya habang pinapanood siyang kumakaway at lakad-takbo ang ginawa papalapit sa amin. “Ha!” hinawakan niya ang baywang niya. Natawa siyang nahihingal. “I’m sorry about that… Anyway-- I am so glad you two came!”
“Tss,” singhal ng kuya niya. Nilapitan niya at mabilis na niyakap at hinalikan sa noo. Pagkatapos ay umikot na siya para kunin ang gamit namin sa likod ng ng sasakyan.
“So, Shiloah,” baling sa akin ni Farah “Nagugutom ka na ba?” tanong niya.
Umiling ako. “Hindi pa naman.”
Ngumisi siya at saka inangkla ang ga braso sa akin. “Well, kahit hindi ka pa nakakaramdam ng gutom, wala kang choice kundi kumain. They serve best seafood meals here. For sure, magugustuhan mo,” aniya at saka inakay ako palapit sa resort.
“Wait, your brother-”
“Hayaan mo na siya diyan. May paa siya at marunong siyang sumunod,” she chuckled softly.
The resort already looks luxurious from afar pero habang papalapit kami ay mas lalo kong napapatunayan iyon. Bawat hakbang ko ay nariring ko ang mahihinang hampas ng alon sa alon sa dalampasigan.
This resort alone is large. Ang arkitektura nitong buong resort ay ani mong nasa Santorini, Greece ka. Napapalibutan ito ng buong puno at medyo malayo rin ang mga kabahayan at ang mga susunod pang resort. Mas lalo pa akong namangha nang nakapasok kami sa mismong harap ng resort. The interior has only two primary colors, blue and white accentuated by dark brown used in their board walks. May malawak rin itong pool. Sa mga cottages ito ay may iilang taong nakamasid sa pagdating namin. Hindi ko lang sigurado kung guests ba ito ng resort o ng pamilya ni Felix.
“Where are they, Farah?” sabay kaming napalingon kay Felix.
“Who? Mom and dad? Kanina nandito lang sila but… they must be in the function hall,” sagot ng kapatid niya sa kanya. Sakto pagkasabi niya noon ay may biglang tumawag sa pangalan ni Felix mula sa itaas.
“Felix, my son!” sinundan ko ng tingin ang babaeng sopistikada ang dating. Wearing a white beach dress, she ran hurriedly to hug his son. Sa itaas ay nasulyapan ko rin si Coraline kasama ang isang babaeng kahawig niya. She must be her mom.
Niwas ko ang paningin ko sa kanila.
“I missed you… kung hindi pa ikakasal ang kapatid mo ay hindi ka pa magpapakita sa amin,” nahihimigan ko ang tampo sa boses niya. “Anyway, happy birthday, Felix.”
Birthday? Today’s his birthday?
“Hay nako! Save the conversation for later, mommy. Kumain na tayo!” singit ni Farah.
“Wait. Saan namin puwedeng itabi ‘tong mga gamit namin?” tanong ni Felix.
“Oh.” Lumapit sa amin ang isang receptionist na tinawag ni Farah. Ibinulsa ni Felix ang ang inabot nitong susi. Nakababa na sina Coraline at ang mama nito na ngayon ay kasama na ring isang may hindi katandaang lalaki. Matangkad ito at medyo macho. At kahit sa kakaunting puting buhok na mayroon nito ay kita pa rin ang pagkagandang lalaki nito.
“Happy birthday, Felix….” he said. Kung hindi lang niya kinamayan at niyakap si Felix na tinawag siyang “dad” ay hindi ko pa malalaman na siya pala ang ama nito.
Sa totoo lang ay malapit na rin akong makaramdam ng pagkahiya. Pakiramdam ko kasi ay hindi ako nararapat dito. Lalong-lalo na at wala akong kaide-ideya na kaarawan niya ngayon. Kung hindi lang ako nilingon at nginitian ng ama ni Felix ay paniguradong yuyuko na lang ako buong oras na magkasama kami.
Nagsimula silang maglakad patungo sa function hall. Doon daw nila ipinahanda ang lunch
“Are you okay?” bulong ni Felix sa akin. Nakakaramdam ako ng tampo pero mas pinili ko pa ring marahang tumango at ngumiti sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at saka kami sumunod sa kanila.
Mabilis na nilapitan ni Farah ang isang lalaki na naghihintay sa mesa. Hula ko ay ito ang kanyang fiance. May ibunulong siya rito dahilan kung bakit lumingon ito sa gawi namin ni Felix at ngumisi.
“Shiloah!” tawag sa akin ni Farah. “Dito ka!” tinuro nito ang upuang tabi ng kanya. Hindi ako gumalaw. Imbes ay nilingon ko muna si Felix.
“It looks like she’s already fond of you,” he smirked. Ngumuso ako at unti-unting humakbang papalapit sa kay Farah. Nagtama ang paningin namin ni Coraline. Hindi maipinta ang mukha niya. Nang dadaan ako sa harap niya ay hindi niya manlang itinago ang ginawa niyang pag-irap sa akin!
Ha! b***h?!
Nang tuluyan akong naupo ay hinila ni Farah ang braso ko at bumulong. “Don’t mind her. She’s just jealous,” she chuckled. “Anyway, this is Kaden, my fiance. Kaden, this is Shiloah, my future sis in law.”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. I don’t how to react with it yet deep in my heart… there is something that is hoping.
“I heard your company’s merging with the AGO, Felix?” rinig kong tanong ng dad ni Felix. “How’s it?” dagdag nito.
Nilipat ko ang paningin ko ka Felix na pinunasan muna ang bibig nito bago sumagot.
“Going well, I guess. Happening soon,” tipid nitong sagot.
“Why don’t you just accept my offer to operate our firm?”
Nagpatuloy ako sa pagkain pero ang paningin ko ay na kay Felix. I saw him leaned on his chair. “I already said no dad. Isa pa, the firm is still doing good without me. I don’t think my help is needed there.”
“Yes, but at least you are working under me--” pinutol ng mommy ni Felix ang pagsasalita nito.
“Come on, Xerex, Felix. Stop the business affairs. We should congratulate Farah and Kaden for their wedding tomorrow!” she said.
“This calls cheers for everyone, I guess?” sagot naman ng isang babae na kaedad ng mama ni Felix. I have no idea she is but I’m guessing she’s a family of Farah’s fiance.
“Thank you for sharing this special moment with us, guys. I am so happy that I will be marrying the love of my life,” huminga siya ng malalim. “Cheers!”/ “Cheers!”
“Also, let’s wish my brother a happy happy birthday.”
Everyone raised their glass for a toast kaya ginaya ko sila. Maya-maya lang ay may dumating na cake and everyone sang the traditional birthday song. But not me. Hindi ko magawang makipagsabayan sa kanila. Bakit hindi niya man lang ibinaggit sa akin ito. Pakiramdam ko tuloy ay ako lang walang kaalam-alam dito sa mesang ‘to.
“I am also extra happy now that my son is here, celebrating his birthday with us and reunited with his childhood sweetheart,” Felix’s mom announced.
Mainit ang panahon ngayon pero nanlamig ang buong katawan ko. Dahan-dahan kong ibinaba ang baso ko. It’s a double kill for me.
Everyone cheered but not me, of course, Felix, Kaden, Farah and their dad. Nakita ko pang nahihiyang ngumiti si Coraline.
“Tita… ano ka ba,” sabi pa nito na parang hindi nagugustuhan ang nangyayari.
I’ve thought of the worst nang nalaman ko na close ang pamilya nila. Pero hindi ko inaasahan na magiging ganito ako sa harapan nila. I don’t want to think of Felix’s mom pero, any mom would definitely ask who is the woman her son is with. But not her. Hindi ko tuloy maiwasan na isipin na sinasadya niya ito. Does she not like me?
Sa huli, napayuko na lang ako.
Pero nang nagsalita si Felix ay bigla ko ring napa-angat ang tingin ko sa kanya. “Mommy…” anito “You should know I’m happy, too. Because I finally have the other half of me.”
When his eyes met mine, he flashed a little smile. A smile of reassurance.
When everyone fell silent, Farah kept making clanking noise with the use of fork and her glass. In a while, her fiance joined her.
Kung hindi lang silang dalawa naglilikha ng ingay ay paniguradong makaririnig ako ng mga kuliglig rito sa sobrang tahimik.
“She’s Shiloah, mom, dad,” tinuro niya ako. “She’s my woman.”
I saw his dad nod his head and stood to shake my hand. I accepted it.
“Welcome,” he said.
“Thank you, po,” I smiled at him.
Pinihit ko ang katawan ko para harapin naman ang mommy niya pero nanatili itong naka-upo at blangko ang ekspresyon ibinibigay sa akin. Nagpasya akong uupo na pero bigla itong tumayo at inilahad ang kamay sa akin. Nagdadalawang-isip pa akong inabot ito. She held it firmly. One shake at agad niya rin naman itong binitawan.
“Anyway, Shiloah. These are my future in-laws,” pagpapakilala ni Farah sa mga katabi ni Kaden pagka-upo ko. “I bet kilala mo na si Coraline, right? That’s tita Ailene, her mom.”
“Nice to meet you, Shiloah,” Kaden’s mother greeted. Ngiti ang isinukli ko sa kanya.
“What do you do in life, Shiloah?” tanong naman ng asawa nito.
“Ah,” kinuha ko ang baso ng tubig sa harapan ko at ininuman iyon. “I work under AGO, po. Same position as Felix.”
“Kaya naman pala…” pasaring ng mama ni Coraline.
I am not sure what she meant by that pero alam kong tungkol iyon sa akin.
“Oh, ito ba yung nabanggit mong magmi-merge kanina, Xerex?”
“Yes… You didn’t tell us about this, Felix. You both met at work?”
“Well, yes dad…” sagot ni Felix.
After a while, they shifted their conversation into business. Maya-maya lang ay may pumasok na isang staff ng resort notifying Farah that the photographers have arrived.
Isa-isa silang tumayo to prepare for the pre-nup photoshoot. Huli akong tumayo. Ngayon pa lang nagsisimula ang araw ko matamlay na kaagad ang katawan ko. Hinawakan ni Felix ang siko ko para igiya ako palabas ng function hall.
“Why didn’t you tell me?” hindi ko na napigilan pang itanong.
I guess he already knows what I meant by that dahil tumigil siya at hinarap ako ng maayos.
“Do you know how stupid I looked in that table, Felix?”
“Shiloah--”
Kinalas ko ang pagkakahawak niya sa akin at iniwan siya sa loob. Sa labas ay hindi ko inaasahan na hinihintay pala ako ni Farah doon.
“Come with me, Shy. I brought a dress for you to match ours today. Hindi ko lang alam kung sakto ba sa katawan mo…” she kept saying things I don’t understand. Basta na lang ako sumunod sa kanya sa isang kwarto kung saan sila inaayusan. Nandoon na din ang mommy niya, and her mom-in-law.
“Here,” inabot niya sa akin ang isang box. When I opened it, I saw a white dress.
Lumapit sa amin si Coraline. “What’s that, Farah?” usyuso niya.
“Oh, it’s a dress, Cora. I brought it for her. Ang pretty ‘no?” she chuckled. “Anyway, wear it today, Shy. Kakausapin ko yung make-up artist ko na ayusan ka rin,” dagdag niya at pareho kaming tinalikuran ni Coraline.
Hinarap niya ako nang nakakrus ang mga braso. Dahil mas matangkad ako ng kaunti sa kanya ay tinitingala nya ako ng kaunti.
“Inaasa mo pa sa iba ang damit na susuotin mo? Tss,” singhal niya.
Sasagot pa sana ako pero tinawag na akong muli ni Farah.
They’re having their photoshoot in the veranda of the resort. The sky is extra pretty today. It’s a purple sunset kaya perpekto lang talag na magkaroon ng pictorial.
Inuna na silang dalawa ni Kaden kuhanan ng litrato. Sunod ay family photos na. Nalaman ko na dito din mismo ang gagawin ang wedding ceremony. At saka sa gabi pa daw, which I think is unique. Ang sabi ni Farah ay maganda raw dito tuwing gabi. I also learned that they exclusively rented the whole resort just to make it private for their guests. I wonder kung gaano kalaki ang binayad nila rito.
Farah is looking gorgeous on her pearl white dress. May slit ito kaya nakikita ang kanyang binti kapag humahangin ng malakas. Nakalugay din ang kayang kinulot na buhok. While Kaden is wearing some sort of kamisa de chino.
When you overlook from the veranda they are in, makikita mo ang swimming pool at ang hilera ng sunlounger na kung nasaan ako ngayon. Maya-maya ay lilipat na rin naman ako ng puwesto dahil baka masira ko ang picturesque background.
From up there, Felix kept looking at my firection. Hindi ko siya masyadong kinakausap simula kanina. Naiinis pa rin ako sa kanya. How can he not tell me his special day? He officially asked me to be his girlfriend and yet hindi niya nagawang sabihin sa akin ito?
I was staring the preparation the photographers and staffs are doing upstairs when I saw a glimpse of Coraline walking straight to me. Naka summer cap ito kahit wala ng araw at may bitbit pang fruit shake.
“Are you enjoying?” she asked.
“The what?”
She chuckled softly.
“This, of course.” Hindi ako sumagot. “You know what? The first time that I saw you, I told myself you’re pretty,” sumimsim siya sa fruit shake niya “but now, I think nagbago na ang pagtingin ko sa’yo.”
Natawa ako. “Sino?” tanong ko.
Kumunot ang noo niya. “What?”
“Sino nagtanong?”
Kita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya. Umupo siya sa katabi kong sun lounger at ibinibaba ang kanyang fruit shake sa mesang pumapagitna sa aming dalawa.
“Ano bang ginagawa mo dito? You shouldn’t be here,” nangingiti niyang sabi kahit kita sa mukha niya ang hindi pagkatuwa.
“Says who?”
“Me!”
It’s my turn to chuckle now.
“Bakit ano ka ba dito, Coraline? Ikaw ba ‘yung ikakasal? Ikaw ba yung papakasalan? Or… parte ka ba ng pamilya ng ikakasal?”
Nalusaw na ang ngiti sa kanyang labi. “Narinig mo naman siguro kanina ‘yung sinabi ni tita ‘di ba? Pakiramdam ko naman matalino kang tao. Alam mo na siguro ang ibig sabihin nun. I am back.”
“You’re funny. Hindi naman ‘yan ang itinanong ko, ah?”
Tumaas ang kanyang kilay. Hinuha ko ay seryoso na siya dahil tuluyan na niyang tinanggal ang suot niyang summer hat.
“I am sure by now, you know who tita wants for Felix. Right?”
“Yeah? I am also pretty sure I don’t give a care. Hindi naman kasi ang ka-relasyon ko, e. Hindi ba?”
Nakita ko ang panginginig ng labi niya. Akma siyang sasagot pero may lumapit na staff sa akin.
“Sino po sa inyo si Shiloah” tanong ng babaeng staff.
I raised my hand. “Bakit po?”
“Ah. Tawag po kayo sa taas. Family picture daw po,” aniya at tinuro si Farah na kaway ng kaway sa akin.
Tumayo ako at nilingon si Coraline. “Oops. Sorry. Family picture daw,” paalam ko at nginisihan siya.