Skyzzer's POV Nasa kwarto ngayon si Ate. As usual hindi siya lumalabas. Dinadalhan lang siya ng pagkain dun ng yaya namin dahil ayaw niya ngang lumabas. Nagkukulong siya dun tuwing pagkagaling naming school. Nakita kong online si Ilayda kaya agad ko siyang nichat. _ Skyzzer Ethel Montereal: Ilayda. Kita tayo sa cafe ni Tita Maddie ngayon. Kailangan na nating pag-usapan kung paano isasagawa ang plano. Agad niya itong na-seen kaya hinintay ko ang reply niya. Ilayda Cabrera: Sige. Papunta na ako. Kita na lang tayo doon. Skyzzer Ethel Montereal: Okay. _ Tapos agad na akong lumabas ng kwarto ko at bumaba. Naabutan ko si Mom sa living room na tutok na tutok sa laptop niya habang may binabasang kung anong mga papeles. "Uhh, Mom? Nandyan ba si Manong Santi?" -tanong ko na tinutukoy ang d

