Aleyna's POV Nasa cafeteria kami ngayon dahil recess. Nandito na kaming lahat at tahimik na kumakain kwera lang kay Cha. Ayos lang naman iyun sa akin ngayon. Naiintindihan ko na siya. Kaibigan ko siya. Kaya nga malaki ang tiwala ko sa kanya. Kung anuman ang problema niya sana maayos niya na yun. Naniniwala ako sa kanya. Nang mayari kaming magrecess pabalik na sana ako ng room nang biglang nagtext si Ilayda sa akin. _ From: Ilayda Ate, si Ate Cha tulungan mo! Nakita kong kinulong siya nila Blare sa stock room. _ Pagkabasa ko ng text agad na akong tumakbo papuntang stock room. "Aleyna! Saan ka pupunta?!" -sigaw ni Storm. "Mauna na kayo ni Gab sa room! Saglit lang ito!" -sigaw ko rin saka lalo pang binilisan ang takbo papuntang stock room. Bwisit talaga yung Blare na yun! Kapag na

