Ilayda's POV Nang tumunog na ang bell ay inayos ko na ang mga gamit ko. Sinakbat ko ang bag ko at lumabas na ng room. Kaso saktong pagkalabas ko ng pinto ay may bumunggo sa akin. Oo, bumunggo hindi nakabunggo. As in yung sadya talaga ha? Nang lingunin ko kung sino ang bumunggo sa akin ay napairap na lang ako. "Ayy! Sorry ha? Hindi ko sinasadya. Hehe!" -sabi niya sabay napakamot sa batok niya. Hindi ko na lang siya pinansin at lumabas na ng room. Kaso habang naglalakad ako sa hallway ay bigla akong hinatak ni Sky saka nilagyan ng piring sa mata. "Sorry, Ilayda. Napag-utusan lang ako. Hahaha." -sabi niya sabay hinatak ulit ako sa kung saan. "Saan mo ba ako dadalhin Sky? Ayy! Sky! Dahan-dahan lang naman. Baka madapa ako! Alisin mo kasi itong piring sa mata ko." -sabi ko. "Hindi pwede."

