Chandra's POV Nang malaman ko yung tungkol sa nangyari kay Storm at Aleyna nalungkot ako. Nalungkot ako para kay Aleyna. Kasi si Storm na nga lang ang kinakapitan niya, nagkaganon pa. Hindi ko nga alam na may alam din pala si Storm tungkol kila Ryle at Blare noon pa. Kay Sky ko nga lang nalaman eh. Tsk. Kamusta na kaya si Aleyna ngayon? Ayos na kaya siya? Haay, ano ba itong nangyayari sa amin. Nang makapasok ako sa loob ng room napatingin agad ako sa pwesto ni Gab. Nakita kong nandoon na siya at nagbabasa ng libro. Nag-angat din siya bigla ng tingin sa akin kaso agad niya rin iyong iniwas at ibinalik ang atensyon niya sa pagbabasa. Napabuntong hininga na lang ako at naglakad na papunta sa pwesto ko. Inayos ko yung bag ko saka umupo na sa upuan ko. "Ayos ka lang?" -biglang tanong ni J

