Jioh's POV Nandito ako ngayon sa may tapat ng room at nakadungaw sa may maliit na glass ng pinto. Pinagmamasdan ko si Cha at ang kaibigan niyang si Aleyna na magkayakap at umiiyak. Mukhang bati na sila. Kaya nga napamulsa na lang ako at naglakad na palayo doon. Tsk. Buti naman nagkabati na sila. Buti naman at mukhang sinaisip ni Cha ang sinabi ko. Napatigil ako sa paglalakad nang biglang tumunog ang messenger ko. Kaya nga kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at tinignan kung sinong nagchat. Nakita ko yung chathead ni Blare kaya agad kong inopen iyon at binasa. _ Blare Etraam: Pauwi na kami. Siguro naman nagawa mo ang pinagagawa ko sa iyo? _ Napabuntong hininga na lang ako at ibinalik na lang ang cellphone ko sa bulsa. Hindi ko na lang siya nireplyan. May inutos kasi siya sa akin

