Ilayda's POV "Waaahhh! Suko na ako!" -Biglang sabi ni Thunder sabay dukdok sa desk niya. "Suko ka diyan? Di pa tapos ang one week contract natin gago!" -sabi ko. "Ang dami-dami mo naman kasing inuutos! Bili mo ko nun, bili mo ko niyan, buhatin mo ito, buhatin mo yan! Waaahh! Pagod na ako! Wala kang tigil!" -Reklamo niya. "Hoy! Baka nakakalimutan mo? Nangako ka na magiging alalay ko ng isang linggo kapalit ng pagtulong ko sayo." -Natahimik naman siya at nag-angat ng tingin sa akin. Naka-pout siya ngayon. "Oo hindi ko nakakalimutan! Tsk. Kaines hindi ako makapag-date ng ibang babae dahil sayo!" -sabi niya. "Wala na ako dun. Kasalanan ko bang bumababa na ang s*x appeal mong hayup ka?" "Oh ayan na naman kayo. Don't tell me susunod kayo sa yapak nila Ate Cha at Kuya Gab?" -sabi ni Skyzze

