Storm's POV Nang mag-uwian na ay dumaan muna kami ni Cloud sa isang mini mart na malapit sa school. Naisipan kasi muna naming bumili ng meryenda bago umuwi. Nang makapasok kami sa mini stop ay naghiwalay na kami ni Cloud. Pumunta kasi siya sa may fridge para kumuha ng monster energy na lagi naming binibili. Ako naman ay nandito sa snack station at namimili ng chicherya. Nang biglang marinig ko ang isang pamilyar na boses. "Sure ka ba ito lang gusto mo?" "Oo. Hihi. Ikaw naman ang dami mo na kayang binili para sa ating dalawa." Nang lingunin ko kung sino yun ay nakita ko si Ryle. Kasama si Blare. Isang cheerleader din gaya ni Cha. Nakaakbay si Ryle kay Blare at pareho sila ngayong tumitingin ng ice-cream. Teka? Bakit kasama niya si Blare? At bakit siya nakaakbay dito? Sila ba? Pero hind

