Skyzzer's POV Nagbibiruan si Thunder at Kuya Storm ng biglang dumating si Kuya Gab. Umupo siya sa pwesto niya at nagsimula na ring kumain. Maya-maya pa sumunod si Ate. Pagkaupo niya ay sumulyap siya ng tingin kay Kuya Gab. Pero hindi rin yun nagtagal at itinuon na lang ang atensyon niya sa pagkain. Hmmm. Mukhang may something ah? Haha. Nang mayari ang recess ay bumalik na kami sa kanya-kanya naming room. Kasabay ko ngayon si Thunder at Ilayda. Pingot-pingot ni Ilayda ang tenga ni Thunder habang naglalakad. "Aray! Aray! Yung napakagwapo kong tenga!" -daing ni Thunder. "Hayup ka talaga! Nang dahil sa nisend mong picture hindi ako nakakain ng ayos. Na-trauma yata akong gago ka!" -sabi ni Ilayda. "Ha? Kasalanan ko bang hindi maalis sa utak mo ang larawan ng napakagwapo kong pwet?" -dahila

