12: Weird

1001 Words
Chandra's POV Nandito kami ngayong mga cheerleaders sa gymnasium kasama ang mga basketball players. Sa field naman kasi naka-assign na magpractice ang volleyball team. Pinapaliwanag sa amin ngayon ng D.I. namin yung gagawin. Kung ilan yung countings, kung saan ang tamang direksyon na pupuntahan namin at yung tamang timing. Napatingin ako sa basketball team nung pumito ang coach nila. "Okay!!! 5 minutes break!" -sigaw nung coach nila kaya nga umupo muna sila sa upuan at kanya-kanyang inom ng tubig at punas sila ng pawis sa sarili nila. Nabalik ang atensyon ko sa D.I. namin nung pumalakpak siya. "Attention! Ladies! Pwesto na kayo. Let's start!" -Sigaw nung D.I. namin. Agad ko namang nilapag ang tubig ko sa tabi ng bag ko at pumwesto na. Nang mapatingin ako sa mga players ay nakita kong nakatingin sila sa aming lahat at mukhang balak kaming panuorin. Pero si Gab hindi nakatingin. Busy kasi sa kakakulikot sa cellphone niya. Napairap na lang ako. Tss! Ano naman kung hindi siya manuod? Edi maayos. "Okay!!! Music!!" -sigaw nung D.I. namin kaya pinindot na ng assistant niya yung phone na naka-connect sa malaking speaker. Nagsimula ang intro ng music. Grabe sakop sa buong gymnasium yung music kaya napatingin talaga lahat ng players sa amin. Maski si Gab. Tss. Buti naman mukhang may pakialam na siya sa mundo. Ginawa namin ng ayos ang bawat step. I really did my best kahit na hindi pa ito mismo ang contest. Habang kumekembot ako ay napatingin ulit ako sa gawi ng mga players. This time, nagtagpo na ang mga mata namin ni Gab. Tapos yung ibang players naman naghihiyawan na. Sabi ng D.I. namin dapat daw minsan medyo fierce ang mukha at kung minsan naman daw dapat nakangiti. At ayun nga ang sinunod ko. Minsan fierce, minsan smile. Kaya nga lalong naghiyawan ang mga players. "Hoooo!!! Labyu Chandra!" -sigaw nung isang player. "Ganda mo Chandra!" -sigaw naman ng isa. "Witwiw! Sexy! Hooo!!!" -sigaw pa ng isa. Napangiti na lang ako at lalong inigihan ang pagsayaw. That's it! Cheer lang kayo ng cheer ng lalo akong ganahan. Hihi! Pero nung bandang nasa kalagitnaan na ng sayaw ay biglang tumayo si Gab at naglakad paalis. "Gab! Saan ka pupunta?" -sigaw ni Storm. Pero ni-ignore lang siya ni Gab at tuluyan ng nakaalis. Hmmm...Anong nangyari sa Lucifer na yun? Bakit biglang nag-walk out? "Chandra! Focus!" -sigaw nung D.I. namin kaya nga nagfocus na lang ako sa pagsayaw. Nang magbreak naman kami yung basketball team naman ang nagpractice ulit. Nagtataka ako bakit hindi bumalik si Gab. Gago talaga yun. May practice pa sila biglang aalis ng walang paalam. Pagkatapos ng sandaling break ay nagpractice ulit kami. Nakailang ulit kami hanggang sa mag-recess na. Kaya nga nagdesisyon muna akong pumuntang cafeteria. "Cha!" -tawag ni Storm kaya napatigil ako sa paglalakad. "Pupunta ka na bang cafeteria? Sabay ka na sa amin?" -tanong ni Storm. "Uhh. Hindi na. Pupunta muna ako sa restroom eh. Mauna na kayo. Susunod na lang ako." -Sagot ko. "Ahh. Sige. Hintayin ka na lang namin doon." -Sabi ni Storm sabay alis kasama ang dalawa niyang kapatid at iba niya pang ka-teammates. Pagkaalis nila dumiretso naman ako sa restroom. Naghugas lang ako ng kamay sa may sink then nag-ayos ng sarili. After nun lumabas na rin ako agad ng CR. Pero saktong pagkalabas ko nagkasalubong kami ni Blare. Isa rin siyang cheerleader. At oo magkasama kami sa cheerleading squad. Hindi kami magkasundo kasi magkaaway kami. Ayaw niya sa akin kasi mas sikat ako sa kanya, mas maganda at mas mayaman. Wahaha! Palibhasa kasi inggetera. Gusto niya siya lang ang number one! Saka ako kasi ang cheerleading captain sa squad. Ang posisyong gustong-gusto niya. Pero sorry siya, mas magaling din akong sumayaw sa kanya kaya ako lagi ang napipiling cheering captain. Hahaha! "Oh, look who's here. Frances Chandra Montereal. The famewhore." -Sabi niya sabay tawa. Kaya nga natawa din si Lexy, Maye, at Tina. Yung tatlo niyang buntot. Haha! "Ohh. Look, alam na alam mo ang buong pangalan ko. Patunay na mas sikat talaga ako sayo! So, the famewhore you're saying is not me. It's you my deer. Deer huh? As in D-E-E-R. Meaning usa. Mukha ka naman kasing usa. Hahaha!" -kita ko naman sa mukha ni Blare ang inis. "You b***h! Go to hell!" -sigaw niya sabay taas ng kamay niya at ambang sasampalin ako pero nahawakan ko agad ang braso niya. "You first. And don't call me b***h! Coz you're the bitch." -Sabi ko sabay sampal sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya at napahawak sa pisngi niyang sinampal ko. "How dare you slap my face!" -sigaw niya. "Ahh? How dare me to slap your shitty face? Hahaha! Don't worry mukha ka namang nagblush on. Ayy wait. Pantayin natin." -Sabi ko sabay sampal din sa kabilang pisngi niya. "What the hell!!!" -sigaw niya sabay susugod na sana sila sa akin ng biglang may tumawag sa pangalan ko kaya nga napatigil sila. "Hoy babaeng suplada!" -nakita ko si Gab. Tapos lumapit siya sa akin. Ha? Anong ginagawa niya dito? "Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala. Kung saan-saan ka nagsususuot. Halika na nga! Ikaw na lang wala doon." -Sabi niya sabay higit sa akin. Nagulat na lang ako sa ginawa niya. "Hoy Lucifer! Bakit mo ko hinahanap?" -sabi ko. Pero hindi niya ako sinagot. Tuloy pa rin siya sa paghila sa kamay ko kaya nga napatingin ako sa magkahawak naming kamay. Teka? Chansing ito ah? "Hoy Lucifer! Chansing ka huh!" -Sabi ko kaya nga napatigil siya sa paglalakad at tinanggal ang kamay niya sa kamay ko. Pagkatapos naglakad ulit siya. Sinabayan ko na lang. Pero habang naglalakad kami bigla siyang may sinabi na nakapagpatigil sa akin. "Pwede ba umiwas ka sa gulo? Alalahanin mo nga muna ang sarili mo bago mo gawin ang isang bagay." -Sabi niya sabay sumulyap sa akin ng tingin. Nagkatitigan kami. Pero agad niya ring iniwas ang tingin niya at iniwan akong nakatunganga doon. Teka? Tama ba ang rinig ko? Sinabihan ako ni Gab na alalahanin muna ang sarili ko? Weird.Do
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD