Ilayda's POV
Nandito ako ngayon sa room. Kasalukuyan kaming nag-uusap ni Sky nang biglang dumating si Thunder.
Nakita kong parang pinagsakluban ng langit at lupa ang itsura niya.
"Anyare kay Thunder?" -tanong ni Sky. Nagkibit-balikat lang ako. Pero alam ko naman talaga ang totoong dahilan. Haha!
Nang dumating ang teacher namin ay nakinig na akong mabuti sa lesson namin. Nang mapatingin ako kay Thunder nakita kong nakapalumbaba lang siya habang nakatingin sa blackboard. Pipikit-pikit pa nga ang mata niya eh.
Nang matapos ang morning classes namin ay napagdesisyunan na naming pumunta ng cafeteria ni Sky.
"Tara yayain na natin si Thunder." -Sabi ng Sky. Kaya nga lumapit kami kay Thunder na nakadukdok ngayon sa desk.
"Thunder! Psst. Huy! Punta na tayong cafeteria." -Sabi ni Sky sabay kalabit kay Thunder. Pero hindi man lang kumibo ang loko.
"Thunder! Huy! Gising!" -sabi ulit ni Sky sabay tapik naman kay Thunder.
"Seriously, Sky? Magigising ba yan sa ganyan?" -sabi ko.
"Eh paano ko siya gigisingin? Mukhang ang himbing ng tulog." -tanong niya.
"Watch and learn!" -sabi ko sabay lapit sa tenga ni Thunder.
"TULONGGGG!!! MAY SUNOOOOGGG!!!! THUNNNDEERR!!! GISINGGG!!! NASUSUNOG ANG BUILDING!!!" -sigaw ko sa tenga niya. Agad namang napabalikwas ng tayo si Thunder at nanlalaki ang mata.
"WAAAAHHH!!! SUNOG?! SUNOG!! TULONNGG MAY SUNOG!!! WAAHH AYOK--" -natigil siya sa kakasigaw nung mapansin kami ni Sky sa harap niya.
"Bwisit naman oh. Tsk." -Singhal ni Thunder.
"Haha. Ayaw mo kasing magising Thunder. Ang himbing ng tulog mo kaya binulabog ka na lang ni Ilayda." -paliwanag ni Sky.
"Tsk." -Singhal ni Thunder sabay tayo at lumabas ng room. Sumunod na lang kami ni Sky sa kanya.
Nang makarating na kaming cafeteria ay nandoon na sila Ate Aleyna.
Umorder muna kami sa counter ng pagkain namin saka kami umupo sa tabi nila.
"Thunder mukhang hindi ka nakatulog ng ayos kagabi ah?" -biglang tanong ni Ate Cha. Napatingin naman ako kay Thunder at nakita kong nakatulala lang siya sa pagkain niya.
"Mukhang napuyat kakaisip sa Samara niya. Hahaha!" -tukso ni Kuya Storm. Sinamaan naman siya ng tingin ni Thunder.
"Eh paano kasi ako makakatulog ng ayos kung yung ISA DIYAN pinagtripan ako." -Sabi ni Thunder sabay tingin sa akin. Haha! Sabi na ba't ako ang dahilan eh. Nagtinginan naman sila sa akin.
"Anong ginawa mo Ilayda?" -tanong ni Sky.
"Hmm. Nagsend lang naman ako ng picture. Yun lang!" -sabi ko.
"O, picture lang naman pala Thunder eh. Anong pinaglalaban mo?" -natatawang sabi ni Ate Aleyna.
"Picture?! Picture lang?!! Nang dahil sa picture na yun hindi ako nakatulog ng ayos! Tsk." -Sagot ni Thunder.
"Easy, Thunder. OA mo naman eh. Anong klaseng picture ba yung sinend sayo ni Ilayda?" -tanong ni Sky. Kinuha naman ni Thunder yung cellphone niya at pinakita kala Ate yung nisend ko sa kanyang picture ni Samara kagabi.
"Oh ano? Anong masasabi niyo? Kayo kaya makatanggap ng ganitong picture ng gabi? Tignan natin kung makatulog kayo ng ayos." -Inis na sabi ni Thunder.
"WAHAHAHAHAHAHA!!!!" -nabigla na lang ako ng tumawa sila Ate Aleyna.
"Anong nakakatawa?" -taas kilay na tanong ni Thunder.
"Duwag ka talaga! Hahaha! Ayan pala yung Samara na tinutukoy mo?" -sabi ni Kuya Storm.
"Naturingang playboy. Duwag naman pala sa multo. Tss." -Sabi ni Cloud.
"Seriously, Thunder. Nakakatakot nga yung picture. Pero hindi ako yung tipong hindi makakatulog ng ayos ng dahil lang diyan. Pfft. Hahaha!" -sabi ni Sky.
"Hahahaha! No comment." -sabi ni Ate Cha. Napailing-iling na lang si Ate Aleyna na medyo natatawa din. Si Kuya Gab naman deadma lang.
Napapout naman si Thunder at tumingin sa akin ng masama. Napa-peace sign na lang ako sa kanya.
Nang mayari na kaming kumain ay kanya-kanya na kaming balik ng room. Habang naglalakad kami sa hallway ni Sky ay biglang umakbay si Thunder sa pagitan namin ni Sky.
"Lagot ka sa akin tomboy ka! Napagtripan na naman ako ng mga ugok kong kapatid dahil sayo. Gagantihan kita. Wahahaha!" -bulong niya sa akin.
"Bakit kasalanan ko bang duwag ka pala? Tss. Kalalaki kasing tao takot sa multo." -Sabi ko.
"Aba at--Hmm. Hintayin mo lang ang paghihiganti ko. Wahahaha!!!" -sabi niya.
"Tss. Ewan ko sayo!" -sabi ko.
Nang makarating kaming room ay umupo na kami sa upuan namin at naghanda na para sa next subject.
Makalipas ang ilang minuto dumating na ang subject teacher namin at nagdiscuss ng lesson. Pero habang nagdidiscuss nakita kong nakapalumbaba na naman si Thunder habang nakatingin sa kisame. Napailing-iling na lang ako ng makitang ngumingisi siya. Napatingin din tuloy ako sa kisame. Tinignan ko kung anong tinitignan niya at bakit ngingisi-ngisi siya. Pero wala naman akong nakita.
Napakunot ang noo ko. Tss. Nabaliw na yata si Thunder. Ngumingisi na mag-isa. Hahahaha! Ganun pala epekto ng nisend kong picture ni Samara sa kanya? O baka naman may iniisip ang loko tungkol sa paghihiganting sinasabi niya? Hmmm? Ano kayang klaseng paghihiganti ang gagawin ng mokong na yun? Ano yun? Magsesend din siya ng picture ng multo? Hahaha. Duh? As if matakot ako. Neknek niya. Hindi ako kasing duwag niya pagdating sa multo.
_
Nang matapos ang klase ay niligpit ko na ang gamit ko. Nang biglang lumapit si Thunder.
"Hintayin mo mamaya ang paghihiganti kong tomboy ka! Wahahaha!" -sabay lumabas na siya ng room na tawa pa rin ng tawa.
"Anyare dun, Ilayda?" -tanong ni Sky.
"Ewan. Nasiraan na yata ng bait." -kibit balikat kong sabi.
"Hahaha. Mukha nga. Uhh, sige Ilayda una na ako. Pupunta pa akong gymnasium. Hihintayin ko pa si Ate na matapos magpractice eh." -Sky
"Ahh. Sige, bukas na lang ulit." -sabi ko.
"Yep. Bukas na lang. Bye!"
"Bye!" -tapos ayun tuluyan na siyang umalis. Nang maayos ko na yung gamit ko ay agad ko ng sinakbat ang bag ko at lumabas na rin ng room.
Habang naglalakad ako sa hallway biglang nagbeep ang cellphone ko.
_
From: Ate Aleyna
Ilayda, mauna na kayo ni Eiron umuwi. Hindi na muna ako sasabay sa inyo may practice pa kasi kami. Si Ryle na lang maghahatid sa akin pauwi.
_
Agad naman akong nagtipa ng mensahe...
_
To: Ate Aleyna
Sige. Nagpaalam ka na ba kay Mama at Papa?
_
Nagreply ulit si Ate Aleyna.
_
From: Ate Aleyna
Oo. Pinayagan nila ako.
_
To: Ate Aleyna
Okay. Ingat sa pag-uwi Ate. Sabihin mo sa akin kapag may ginawang masama iyang si Ryle sa iyo ah? Bubugbugin ko yan.
_
From: Ate Aleyna
Hahaha. Oo na!
_
Pagkabasa ko nun agad ko ng tinago ang cellphone ko sa bag dahil nakita ko na si Eiron.
"Hoy, bubwit! Tara na." -Sabi ko. Lumapit naman siya sa akin.
"Bubwit ka diyan?! Laban nga tayo sa Tekken mamaya oh!" -hamon niya.
"Sige ba?!! Ako pa ang hinamon mong bubwit ka ah?!! K.O. ka na naman sa akin mamaya!" -sabi ko.
"O, talaga? Tignan natin!" -mayabang na sabi niya.
"Oo, talaga!!!" -sagot ko sabay sinakal siya ng pabiro.
"Aishh!!! Wag mo nga akong ganyanin." -Natawa na lang ako nung magreklamo siya at inakbayan ko na lang siya hanggang sa makapunta kaming parking lot.
_
"O, ano ka ngayon bubwit?!! K.O. ka na naman!!! Wahahaha! Sabi ko naman sayo hindi mo ako matatalo eh." -Sabi ko.
"Hmph! Rematch ulit! Naka-tsamba ka lang!" -sabi niya na ikinatawa ko.
"Rematch na naman? At saka anong tsamba ka diyan? Ikalimang rematch na nga natin ito oh! Ayoko na! Gagawa pa akong assignment. Baka pagalitan pa ako ni Mama dahil sayo. Better luck next time na lang bubwit." -Sabi ko sabay tumayo na sa kinauupuan ko.
"Ahh! Basta! Sisiguraduhin kong sa susunod ako na ang mananalo!" -sabi niya. Natawa na lang ako sa kanya at napailing-iling sabay lumabas na ng kwarto niya. Haha! Ilang beses niya na bang sinabi yun?
Nang makapasok akong kwarto ko ay umupo na ako sa study table ko at sinimulan ng gawin ang mga assignments ko. Nang biglang tumunog ang messenger ko. Nang tignan ko kung sino ang nagchat, nakita ko yung chat head ni Thunder.
Hmmm...Siguro ito na yung paghihiganting sinasabi niya? Ha! Kung nagsend siya ng picture ng multo, sorry na lang siya. Waepek yun sa akin.
Nang buksan ko yung chathead nanlaki ang mata ko at napatakip agad ng mata.
"ARRRRGGHHH!!! HAYUP KA TALAGANG BAKLA KA!!! ANG BASTOS MO TALAGA!!!" -sigaw ko. Nireplayan ko nga siya ng memes na may picture na naka-middle finger.
Hmph! Gagong yun! Akala ko magsesend ng picture ng multo iyun pala nagsend ng picture ng pwet niya. Hayup talaga yung tarantadong yun! Ugh!
Tapos ang sabi pa, "Goodnight tomboy! Kita daw kayo ng pwet ko sa panaginip mo! Wahahaha!"
Oh di ba? Hayup talaga. Tss.