10: Sweet Dreams

1174 Words
Ilayda's POV Kasalukuyan akong nanunuod ng Twilight sa laptop ko ng biglang may kumatok sa pinto ko. "Ilayda! Nandyan si Thunder sa baba. Hinahanap ka." -Sigaw ni Ate Aleyna. "Ha? Bakit daw?" "Ewan. Kung puntahan mo kaya siya ng malaman mo. Hays!" Ni-pause ko muna yung pinapanuod ko at lumabas na ng kwarto saka bumaba papunta sa sala. Nakita ko si Thunder doon na nakaupo sa sofa at kinakausap ni Papa. Lumapit naman ako sa kanila. Nang makalapit ako ay tumayo si Papa. "O sya, maiwan ko muna kayo dito ni Thunder. Tutulungan ko lang ang Mama mo sa kusina." -Sabi ni Papa sabay pumuntang kusina. "Hoy bakla! Anong ginagawa mo dito?" -sabi ko. Inabot niya sa akin ang isang paperbag. "Ano yan?" "Kunin mo kaya nang malaman mo." -Kaya nga kinuha ko yung inaabot niya. At nakita ko doon yung uniform ko. "Buti naman binalik mo pa. Akala ko wala ka ng balak ibalik ito dahil natipuhan mo eh." -Kantyaw ko sa kanya. "Eh ikaw wala ka bang balak isauli ang uniform ko? Siguro natipuhan mo din no? Nako. Sinasabi ko na nga ba't gusto mo ako eh! Pati damit ko pinagnanasaan mo na." -pagkasabi niya niyan binatukan ko agad. "Aray! Ang brutal mo talaga." -Reklamo niya sabay himas sa batok niya. "Wag ka mag-alala. Balak ko na nga rin sanang isauli sayo bukas iyong uniform mo, naunahan mo lang ako!" -Sabi ko. "O, nasaan na?" -tanong niya. "Tsk. Sumunod ka sa akin." -Sabi ko sabay akyat papunta sa kwarto ko. Kinuha ko sa walk-in closet ko yung naka-hanger niya pang uniform. Si Mama kasi ang naglaba nun tapos ni-plantsa na rin. Pagkalabas ko ng walk-in closet napa-irap ako. Aba ang loko! Feel at home masyado. Nakahiga pa sa kama ko at kinain yung Cheetos na kinakain ko kanina. Inagaw ko nga sa kanya. Bwiset na ito. Uubusin pa ang chibog ko. "Bestfriend ang damot mo naman. Pahingi naman ako!" -sabi niya habang nakapout pa. Binato ko sa kanya yung uniform niya. "Ayan. Ayan na ang uniform mong bakla ka! Ayan naman pinunta mo dito di ba? Ngayong nakuha mo na, makakaalis ka na." -Sabi ko. Tumingin siya sa relo niya. "Hmm. 6:36 pa lang naman bestfriend. Mamaya na ako uuwi. Dito muna ako." -tapos dumapa siya sa kama at kinulikot ang laptop ko. "Woah. Di ko alam nanunuod ka pala ng mga Romance huh?" -Inagaw ko rin sa kanya ang laptop ko at tinitigan siya ng masama. "Thunder, uwi!" "Woah. Easy bestfriend makapag-pauwi ka naman sa akin akala mo aso ako." "Mukha ka namang aso." -Sabi ko. "Grabe ka talaga! Sige na movie marathon tayo! Sige na bestfriend please???" -Sabi niya sabay yumakap sa akin. "Aish! Ano ba? Wag mo nga akong yakapin." -Sabi ko sabay tulak sa kanya. Pero ang kulit talaga ng loko at ayaw pa ring kumalas. "Ayaw. Di kita bibitawan hangga't di ka pumapayag na mag-movie marathon tayo." -Sabi niya sabay hinigpitan pa lalo ang yakap. "Argh! Oo na! Oo na! Pumapayag na ako! Lintek ka bitawan mo na ako." -Sabi ko. Kaya nga bumitaw na siya. "Talaga? Thank you bestfriend. The best ka talaga!" -sabi niya sabay nagpatihulog sa kama ko. Napailing-iling na lang ako at itinago na ang laptop ko. Ni-set ko na yung DVD at namili ng papanuorin namin. Hehe nang bigla kong makita yung horror movie na "The Ring". Wahaha! Lagot ka sa akin Thunder. Pagtitripan kita ngayon. Sinalpak ko na yung disc at pinatay ang ilaw. Tapos umupo na ako sa kama katabi niya habang kumakain ng cheetos. "Ano iyang pinili mong movie?" -tanong niya. "Secret. Panuorin mo na lang." -Sabi ko. Kaya nga tumutok na siya sa TV. _ Thunder's POV "Ingat ka bakla! Baka makita mo si Samara diyan sa daan ha?" -sabi ni Ilayda sabay tawa. "Heh! Hindi ako natatakot." -Sabi ko. "Edi hindi. Sige, byebye bakla!" -Sabi niya habang natatawa pa rin sabay sara nung gate nila. Napatingin naman ako sa paligid ko. Waahh! Ang dilim. Tapos umiihip pa yung malakas na hangin. Napayakap naman ako sa sarili ko at dahan-dahang naglakad papunta sa amin. Bwisit kasi yung tomboy na yun. Alam na takot ako sa horror ayun pa pinili. Tsk. Matiwasay akong naglalakad ng bigla akong makarinig ng kaluskos. Napahinto ako at sumilip sa pinanggalingan ng tunog. Nakita kong may gumagalaw sa bushes kaya napalunok ako. W-Wala naman sigurong Samara dito di ba? Sa balon yun eh. Dahan-dahan akong lumapit sa may bushes upang alamin kung anong nandoon ng biglang... "Meooww!!! Meowww!!!" "Waaaaaahhhh!!!!!" -sabay kumaripas na ako ng takbo papunta sa amin. Pagkadating ko sa amin ay hinihingal akong pumasok sa loob. Patay na ang mga ilaw. Whaaatt thee? Tulog na ba sila? Napatingin naman ako sa relo ko at nakita kong 10:46 pm na. Hmm..Panigurado na sa kwarto na nila silang lahat. Umakyat na ako papunta sa kwarto ko ng biglang may lumabas sa kwarto nila Mame. Nanlaki naman ang mata ko. "Waaaaaaaahhhhh!!!! Samara!! Waaaggg!!! Waaaahhh!!! Wag mo akong patayin!!!! Parang awaaa mo naaaa!!!" -Sigaw ko habang naka-cross ang daliri. Dahil sa sigaw ko binuksan ni Samara ang ilaw. Naglabasan na din sa kwarto nila sina Dade, Storm at Cloud. "Waaaaahhh!!! Samara!!! Lumayo ka sa ngalan ng espirito santo!!! Magdadasal na ako pramis!! Magsisimba na rin ako.Wag mo lang akong patayin!!!!" -Napatigil naman ako ng makitang tumatawa na si Storm at Cloud. "Thunder?! Anong Samara ang pinagsasasabi mo diyan ha?!" -teka? Ka-boses ni Mame si Samara? "Eh? Mame ikaw ba yan?" -tanong ko. Tinanggal niya naman yung nasa mukha niya kaya nga nakita ko si Mame. So, naka-facemask lang pala siya? "Hindi ba obvious, Thunder? At sino yung Samara na sinasabi mo ha?" -tanong ni Mame. "Ahhh...Wala po. Wag niyo na pong isipin yun. Hehe." -Sabi ko sabay kamot sa batok ko. "Baka isa sa mga babae niya." -Sabi ni Storm sabay parehas pa silang tumawa ni Cloud. Tinitigan ko naman sila ng masama. "O sya. Sige na. Bumalik na kayo sa mga kwarto niyo. May pasok pa kayo bukas." -Sabi ni Mame sabay pasok ng kwarto nila ni Dade. "Waahh...Samara! Samara! Wag mo akong patayin! Hahaha." -Pabirong sabi ni Storm kaya natawa ulit sila ni Cloud. "Kayo inaasar niyo ako ah?!" -lalapit na sana ako sa kanila kaso nagmadali silang pumasok ng kwarto nila at ni-lock ang pinto. "Arrgggghhh! Lagot kayo sa akin bukas." -Singhal ko sabay nagmartsa na papasok sa kwarto ko. Naglinis lang ako ng katawan at nagpalit ng damit saka humiga na sa kama ko. Nang biglang marinig kong tumunog ang messenger ko. Nang tignan ko kung sinong nag-chat, nakita ko yung chat head ni Ilayda. Hmm. Ano naman kayang nichat nito? Nang buksan ko yung chat head niya ay nanlaki ang mata ko at nabato ang cellphone ko. Nakita ko yung picture ni Samara! Sinend ni Ilayda! "Waaaaahhhhh!!!!!" -sigaw ko sabay nahulog sa kama. Lintek. _ Ilayda Dimaculangan Cabrera Goodnight bakla! Sweet dreams! Magkita daw kayo ni Samara sa panaginip mamaya. Hehe! _ Waaaahhh lintek! Sweet dreams? Tapos nagsend ng picture ni Samara?!! Waaah!!! Wala talagang awa ang tomboy na yun! Huhu.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD