9: Practice

1591 Words
Chandra's POV Nandito ako ngayon sa field. Kasalukuyan kaming nagpapractice ng sayaw kasama ang iba pang cheerer kagaya ko. Next month na kasi ang sports festival at kami ang magchicheer sa pangalan ng school. "Okay! Once again. One, two! One, two, three, four!" sigaw ng D.I. (Dance Instructor) namin habang ginagawa namin yung steps na tinuturo niya. Kasisimula pa lang namin ng practice kaninang umaga at buti na lang mabilis kaming lahat na nakakasunod sa tinuturo niyang steps. Sa ngayon dance steps muna ang ginagawa namin. Pero next week gagawin na namin yung mga cheerleading stunts. Nang matapos namin ang step at ginawa ang ending pose ay napapalakpak ang D.I. namin. "Very good ladies! I'm glad you nagets niya agad ang right moves. Keep it up! So, let's call this a day. Tomorrow may practice ulit tayo same time. Wag kayong malelate ah? Okay. That's all you may take a lunch." sabi ng D.I. namin kaya nga kinuha ko na ang bag ko. Kinuha ko yung face towel ko then pinunasan ang pawis ko saka pumunta ng cafeteria. Habang naglalakad ako sa hallway nakasalubong ko sina Sky at Ilayda. "Hey, Sky and Ilayda." bati ko sa kanilang dalawa. "Hi, Ate Cha." bati ni Ilayda. "Oh ate. Tapos na practice niyo?" tanong ni Sky. "Yep. Kayayari lang namin. Pupunta na ba kayong cafeteria?" tanong ko. "Hindi pa, Ate. Pupunta muna kaming gymnasium. Hihintayin namin si Ate Aleyna. Saka para mapanuod na rin silang maglaro." sagot ni Sky. Napatango-tango naman ako. "Ganun ba? Sige. Sama na rin ako sa inyo." sabi ko. Kaya nga pumunta na kaming gym. Doon kasi ginaganap ang training ng volleyball team kung saan kasali si Aleyna. At ang basketball team kung saan kasali ang mga boys. Kasali kasi lahat yung mga boys sa basketball team which is sina Storm, Gab, Cloud at Thunder. Ipanglalaban din kasi sila sa sports fest. Nang makarating kaming gym ay nakita nga namin silang busy sa kaniya-kaniyang training. Pumunta muna kaming tatlo nila Sky at Ilayda sa may bleachers at doon umupo para manuod muna. Sa laki ng court ng gymnasium namin dito pinagtraining ang dalawang team. Nang makarating kami sa court ay nagsisimula na silang mag training at kasalukuyang ginagawa ang mga drills na tinuturo ng kanilang coach. Nagsimula sila sa receiving drills, blocking drills at spiking drills. Kitang kita namin sa mukha ni Aleyna ang pagod na nararamdaman lalo na sa kanilang huling drill na tinatawag na "One man". Ito yung nasa gitna ng court ang isang player at ihahagis ng kanilang coach ang bola kung saan saang parte ng court at kailangan itong mahabol ng player. Kaya naman ng matapos siya dito ay agad siyang lumapit sa bag niya at uminom ng tubig dahil pinagwater break naman sila ng kanilang coach bago sila maglaro. "Oh nandito pala kayo." sabi ni Aleyna sabay pagkainom ng tubig at saka nagpunas ng pawis. "Oo, panood kami. Hahaha!" sabi ko. Napangiti na lang siya at tumabi muna sa amin. "Kapagod ba Ate?" tanong ni Ilayda. Napabuntong hininga naman si Aleyna. "Oo naman. Grabe. Pero masaya." sagot ni Aleyna. Favorite sport niya kasi talaga ang volleyball. Elementary pa lang mahilig na sumali sa volleyball game iyan. Nang matapos ang water break ay agad silang nagtipon sa gitna ng court at hinati sa dalawang grupo upang makita ang talento ng bawat isa kapag nasa laro na. Open spiker ang posisyon na inatas ng coach ni Aleyna sa kaniya kaya naman nasa kaliwang bahagi siya nakapwesto sa harapan. Nang pumito na ang coach ay hudyat na magsisimula na sila at unang magseserve ang kalaban kaya naman naghanda na ang team ni Aleyna. Nareceive ng kanilang libero ang serve kaya naman madali itong nakuha ng setter at sinet sa opposite spiker. Napalo naman ito ng spiker kaya naman sila ang nakakuha ng unang puntos. Ang side naman ngayon nila Aleyna ang magseserve at kita namin sa mukha niya na gusto niya na ding makapalo at makapuntos. Nang magserve ang kaniyang kakampi ay nareceive ito ng libero ng kalaban at naset ng setter sa open spiker ngunit ng pagpalo nito ay nareceive ito ng libero nila Aleyna kaya naman sinet ng setter nila ang bola para kay Aleyna kaso nga lang pag palo niya ay napalakas ito at nag outside. Dahil dito pinituhan siya ng kanilang coach at sinabihan na kumalma lang at ayusin ang form ng pagpalo. Kita namin sa mukha ni Aleyna ang pagdidismaya sa sarili dahil sa nangyari sa kaniyang palo. Malapit lang ang pwesto naming tatlo kung saan nakatayo ang coach kaya naman rinig namin ang sinabi niya tungkol kay Aleyna na may potensiyal siya kaso nga lang kailangan pang turuan. Napatingin naman kami kay Aleyna at nakita namin na nagfocus siya sa laro at mas inayos ang bawat galaw. Naging sunod sunod din ang kaniyang puntos at gumanda ang kaniyang laro dahil sinunod niya ang bilin ng kaniyang coach. Natuwa naman ang kaniyang coach sa pinakitang laro ni Aleyna kaya napapalakpak kami nila Sky nang makalapit siya sa amin. "Ang galing mo ate! Panigurado maipapanalo niyo ang school." sabi ni Ilayda sa ate niya. Napangiti na lang si Aleyna sa puri ng kapatid niya. "Kamusta practice niyo Cha?" tanong niya sa akin sabay upo sa tabi ko. Nanunuod naman kami ngayon sa practice ng basketball team. "Ayos lang naman. Nakuha na namin yung steps at next week na namin gagawin ang stunts." sagot ko habang nakatingin sa naglalarong players. "Hmm. Goodluck Cha. Galingan mo ha? I-rerepresent niyo pa naman kami at ang school. Hahaha!" sabi niya. "Okay. Para sa inyo. Hahaha!" sagot ko. Nakita kong nag-dunk si Gab. Nag-iritan ang mga babaeng nasa gilid namin habang sinisigaw ang pangalan niya. Napatingin ako sa mga babae at nakita kong may mga banners pa sila na may picture ng mga bias nila. Tss. Ano ba ito? Kpop concert? Napailing-iling na lang ako at tumingin ulit sa court. Nakahawak ngayon si Gab sa tuhod niya at naghahabol ng hininga. Tagaktak na ang pawis niya. Hahaha! Ang baho niya na siguro. Habang tumatawa ako ng pasikreto sa iniisip ko ay sumigaw ulit yung mga babaeng nasa gilid ko. "Waaaahh! Gwapo mo Gabriel! Pakasal na tayooo!" iyan ang sigaw ng babae. Lumingon si Gab doon saglit tapos saka napalingon sa pwesto namin. Nagkatama ang mata namin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Pero napaismid lang siya at bumaling na sa mga kapwa players niya. At ngayon ay ipinasa na ng ka-teammate nila ang bola kay Cloud. Tumakbo si Cloud papunta sa ring habang hinahabol siya ng ibang players na mukhang kalaban nila. Nang makalapit na si Cloud sa ring ay hinarangan siya ni Thunder. Pareho na silang nagbebweluhan ngayon. "Dadaan ka muna sa akin Cloud." nakangising sabi ni Thunder habang hinaharangan si Cloud. Agad gumalaw si Cloud at aktong dadaan sa kaliwa ni Thunder. Kaya nga humarang si Thunder papunta sa kaliwa. Ang hindi niya alam ay inisahan lang pala siya ni Cloud dahil doon dumaan si Cloud sa kanan niya. Nakalusot si Cloud sa kanya at dinaanan nga siya. Hahaha! Nabigla si Thunder. Pero huli na dahil nakatalon na si Cloud at naishoot ang bola sa ring. Naghiyawan naman ulit ang mga babae sa gilid. Pati nga si Sky nakisali eh. Syempre crush niya eh. Haha! Pumito na ang coach nila dahil tapos na ang oras. Kaya nga tumigil na sila. "Aish! Sinuwerte ka lang Cloud!" sigaw ni Thunder. Napailing-iling na lang si Cloud saka uminom ng tubig. Tumayo na kaming apat at lumapit sa kanila. "Ha! Puro yabang ka lang palang bakla ka eh. Talo ka pa ni Cloud." tukso ni Ilayda kay Thunder. "Sinuwerte lang siya no!" sagot ni Thunder. "Asus. Sinuwerte daw. Ang sabihin mo weak ka kasi." kantyaw ni Ilayda. "Hindi ah! Baka ikaw." kantyaw din ni Thunder. At iyun nga nag-asaran na naman sila. "Tara. Punta na tayong cafeteria ng makapag-tanghalian na tayo." sabi ni Aleyna. "Mabuti pa nga." sagot ni Storm. Kaya nga pumunta na kaming cafeteria. Habang naglalakad kami sa hallway nasa harapan ko si Lucifer kasama sila Storm habang kaming mga girls ay nakasunod sa kanila. Basang-basa siya ng pawis pero hindi siya amoy pawis. Ang bango nga eh. Akala ko mabaho ang amoy niya dahil tagaktak ang pawis niya pero bakit ganun? Ang bango. Napapikit na lang ako nang tumama ang mabango niyang amoy sa ilong ko. Hmm. Ano kayang ginagamit na body wash nitong Lucifer na ito? Napatigil ako sa paglalakad ng mabangga ako. Kaya nga napatigil ako at dumilat. Nang idilat ko ang mata ko ay nanlaki ang mata ko. Nakaharap na kasi sa akin si Lucifer habang nakatingin sa akin with matching nakakalokong ngiti. Aish. Sa kanya pala ako bumangga. "Hinay-hinay sa pag-amoy sa akin Cha. Baka masinghot mo na ako." nakangising sabi niya. Natawa naman yung mga boys. "Aba talagang--" bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay tinalikuran na ako ng loko at naglakad na palayo kasama yung mga boys. "Hoyy! For your information, hindi kita inaamoy! Saka bakit kita aamuyin? Ang baho mo kaya! Amoy dugyot!" sigaw ko pero hindi niya ako pinansin at tuloy pa rin sa paglalakad. "Ugh! Bwisit na Lucifer." singhal ko. "Don't worry Cha. Itatanong ko mamaya kay Gab kung anong ginagamit niyang body wash para sayo. Haha!" biglang sabi ni Aleyna sa akin sabay tap sa balikat ko. "Aleyna!" nagbabantang sabi ko sa kanya. Paano kasi nang-aasar pa ang loka. Edi napa-peace sign na lang siya. Tsk. As if I care naman. Wala akong pake kung anong body wash ng Lucifer na yun. Hindi ko naman tinatanong. Tss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD