8: Nothing More

1542 Words
Storm's POV Grabe! Hanep talaga ang trip ng kapatid kong si Thunder. Akalain mong nakayanang magsuot ng uniform ng babae para lang matakasan yung mga humahabol sa kanya. Hahaha! Sumakit talaga tiyan ko sa katatawa dun. Pabalik na kami ngayon ng room. Lalapitan ko na sana si Aleyna ng bigla siyang lapitan ni Ryle. Napatigil na lang tuloy ako at pinagmasdan na lang silang lumakad nang magkasabay. Haay. Wala na ba talaga akong pag-asa? Bakit kasi nagpakatorpe pa ako eh. Dapat nilakasan ko pala ang loob ko noon nung may chance pa ako. Edi sana hindi ako naunahan ng Ryle na iyan. Tsk. _ Uwian na, at nauna na ulit ako kila Aleyna. Pumunta na ako sa room ni Cloud. Nang silipin ko siya ay pinagtitinginan siya ng mga kaklase niyang babae tapos pasikretong kikiligin. Napailing-iling na lang ako. Ang lakas talaga ng appeal ng kapatid kong ito sa mga babae. Hayss. Lalo naman si Thunder. Lahat kasi ng babae inientertain niya. Si Cloud kasi deadma lang. Nang lumabas na si Cloud ay sabay na kaming naglakad sa hallway. Pinagtitinginan kami doon ng mga babae. Nang biglang may gumitna sa amin at inakbayan kami. Paglingon namin nakita ko si Thunder. May make-up pa rin siya sa mukha at nakasuot pa rin siya ng girl's uniform. "Hi mga fafa!" boses babaeng sabi niya kaya natawa kami ni Cloud. At hindi pa nakontento. Hinalikan pa kaming dalawa ni Cloud sa pisngi. "Aish! Kadiri ka Thunder ha?! Nababakla ka na ba?" sabi ko sabay punas sa pisngi ko. Si Cloud naman ay nagpunas din ng pisngi pero wala pa ring reaksyon. "I'm not Thunder. I'm Tuding!" boses babae pa ring sabi niya. Kaya nagtawanan ulit kaming tatlo. Sabay-sabay kaming pumuntang parking lot. Magkatabing nakapark ang black fortuner ko at ang white honda ni Thunder. Sa akin kasi sumasabay si Cloud. May sarili din siyang kotse pero sa bahay niya binubulok. Tinatamad kasi magmaneho ang loko. "Kita-kits na lang sa bahay mga fafa!" boses babaeng sabi ulit ni Thunder. Hahaha! Loko talaga ito. "Himala ah? Wala kang date ngayon?" sabi ni Cloud. Napatingin ako sa kanya. Minsan lang kasi magsalita iyan. Halos mapagkamalan tuloy pipi ng iba. "Well. Meron. Kaso kinancel ko muna. Sabi kasi ni Mame magluluto siya ng pochero ngayon kaya hindi ko dapat mamiss yun." sabi ni Thunder sabay pumasok na sa kotse niya. Napangiti na lang ako sa sinabi ni Thunder at sumakay na kaming kotse ni Cloud. Kasi kahit papaano mas inuuna pa rin ni Thunder yung pamilya kesa sa kahit sinong babae. Pagkasakay ko ng kotse inistart ko na agad ito at umuwi na sa amin. Nang makarating kami sa tapat ng bahay saktong nandoon na rin pala si Thunder. Sabay kaming nagpark sa may garage at sabay din kaming bumaba ng kotse. "Magugulat panigurado si Mame sa itsura mo Thunder." biro ko sa kanya nang makapasok kami sa bahay. Inakbayan ko siya. "Mame, Dade! We're home." sigaw ko. Kaya nga lumabas si Mame galing kusina na naka-apron pa. "Oh, tamang-tama kaluluto ko la--" hindi natuloy ni Mame ang sasabihin niya. Gulat na gulat siyang nakatingin sa amin ngayon. Haha! Sabi na ba't magugulat ito sa itsura ni Thunder eh. "Storm? Sino siya? Girlfriend mo? Akala ko ba si--" bago pa naituloy ni Mame ang sasabihin niya ay nagsalita na ako. Mahirap na at baka mabuko pa nitong si Thunder. Madaldal pa naman ito. "Ahh. Mame hindi ko po siya girlfriend." sabi ko. Napakunot naman ang noo niya. "Eh? Sino siya?" tanong ni Mame. Natawa naman kami ni Cloud. "Mame! Ako ito si Thunder! Ang pinakagwapong anak niyo." sabi ni Thunder. "Thunder? Anong nangyari sayo at nagmukha kang babae? Kaninong uniform iyang suot mo?" tanong ni Mame. "Aish! Mahabang kwento Mame! Kay Ilayda po itong uniform. Nagpalit po kami." sagot ni Thunder. "Ay nako! Ikaw talagang bata ka oh! Magpalit ka na nga ng damit para malabhan ko na iyang uniform ni Ilayda nang maibalik mo na sa kanya. At maghilamos ka na rin! Nako!" "Opo." paakyat na sana sa kwarto si Thunder nang lumabas naman si Dade galing din sa kitchen. "Oh may bisita pala tayo. Girlfriend mo Storm?" tanong ni Dade. Nagpapadyak naman si Thunder na umakyat sa kwarto niya. Natawa na lang kami ni Cloud. "Hindi ko po girlfriend yun Dade." sagot ko. "Hmm. Ganun ba? Edi girlfriend ni Cloud?" tanong ni Dade. Umiling naman si Cloud. "Not mine either." sagot ni Cloud. "Eh? Edi kay Thunder?" at doon natawa na lang ulit kami. "Drex, si Thunder yun." sagot ni Mame. "Ha? Paanong?" "Mahabang kwento po." sabay na sagot namin ni Cloud. "O, siya sige na. Magbihis na din kayong dalawa at kakain na rin tayo maya-maya." sabi ni Mame kaya nga umakyat na kami ni Cloud papunta sa kanya-kanya naming kwarto. Nang makapagpalit na ako ng damit ay umupo na ako sa may studytable ko at gumawa na ng assignments. Napatigil ako sa paggawa nang assignment saglit at tumingin sa bintana. Katapat kasi ng bintana ko yung bintana ni Aleyna. Bukas ang ilaw nun. At paniguradong sa oras na ito ay gumagawa na din siya ng assignment niya. Hinablot ko naman ang cellphone ko at ni-dial ang number niya. Teka? Ano bang sasabihin ko sa kanya? Ahhh. Tama! Papakinggan ko lang ang boses niya tapos magpapanggap na napindot ko lang ang number niya. Haha! Pero paano kung katawagan niya pala si Ryle? Teka? Bakit ko nga ba siya tatawagan? Nahihibang na yata ako. Aish. Bahala na! Agad kong pinindot ang voice call button. At nagriring naman ito. Bigla tuloy tumibok ng mabilis ang puso ko. Then, halos sumabog na ang puso ko nang marinig ang boses niya. [Hello?] [Hello, Storm?] [Storm? Nandyan ka ba? Hello?] Nagdadalawang isip pa ako kung sasagot ako o hindi. Natameme kasi ako nung marinig ang boses niya. Kahit na araw-araw naman kaming nagkakausap. At dahil ayokong magsinungaling sa kanya sumagot na ako. "Uhh...H-Hello. Uhm Aleyna." [Hello? Storm? Napatawag ka?] "U-Uhh...May gusto lang sana akong sabihin sayo." [Hmm. Sige ano ba yun? Tungkol saan?] "Uhm...T-Tungkol sa...sa ano." [Sa ano?] "Sa..." biglang tumunog ang phone niya. [Uhm. Storm. Tawagan na lang ulit kita ha? Tumatawag kasi si Ryle eh.] "Ahh. Sige. Bye." [Bye.] then she ended the call. Napabuntong hininga na lang ako at tumayo sa kinauupuan ko. Nagpatihulog ako sa kama ko at pinagmasdan ang kisame. Haay...Kahit saang anggulo ko tignan talo pa rin ako. Dahil alam kong yung Ryle na iyon ang pipiliin niya. Dahil iyon ang mahal niya. At kahit saang anggulo ko rin tignan, kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Nothing more, nothing less. Haay, Aleyna. Kailan mo kaya ako makikita hindi bilang kaibigan? "THUNDER BOOOLLLLLTTTT!" nagulat ako nang sumigaw si Thunder at huli na nung malaman ko. Dahil lumundag na siya sa akin at dinaganan ako. "Acccckkkk! Thunder loko ka talaga! Hinahamon mo ako ah?" edi hinila ko nga yung binti niya at binend ko papunta sa ulo niya. Haha. Palagi kasi kaming nagrewrestling. Ganyan lagi ang ginagawa niya kapag naabutan niya akong nakahiga sa kama ko o di kaya'y tuwing umaga kapag gigisingin niya ako. "Araaayyy! Araaayy! Suko na ako. Suko na!" kaya nga binitawan ko na siya at pareho kaming naghabol ng hininga at natawa. Pero nakita namin sa may gilid ng pinto na nakasandal si Cloud at pinapanuod pala kami. Napaismid siya at napailing-iling na lang. "Tss. Mga isip bata." bulong niya pero nadinig naman namin ni Thunder. Bago pa makaalis si Cloud ay pinagtulungan na namin siya ni Thunder. Kiniliti namin siya sa bewang at kili-kili dahil malakas ang kiliti niya doon. Kaya iyun tawa ng tawa si Cloud. Halos maluha na nga yung loko sa katatawa. "Ano ka ngayon ha? Sinong isip bata?" tukso ko sa kanya habang kinikiliti siya sa bewang. Nakahiga si Cloud ngayon sa sahig. "Storm! Hawakan mo dalawang kamay niyan bilis!" sigaw ni Thunder. Kaya nga hinawakan ko na. "Oh s**t. Don't you dare Thunder!" banta ni Cloud. Alam niya na kasi yung gagawin ni Thunder. "Wahaha! Mukhang alam mo na agad ang balak ko Cloud ah?" natatawang sabi ni Thunder. "s**t. s**t! Don't you dare fart in front of my face! Kasing lakas pa naman talaga ng kulog iyang utot mong hayup ka!" sigaw ni Cloud. Ako naman ay hindi na talaga mapigilang matawa habang hawak ang dalawang kamay ni Cloud. "Tama ka diyan! At kasing bagsik ng lindol ang amoy nito. Wahaha! Kaya humanda ka na! Storm sorry ha? Mag-spray ka na lang dito ng air freshener after nito." sabi ni Thunder saka tumuwad na sa harap ni Cloud. Si Cloud naman halos lahat yata ng mura nasabi na. At ako naman sumasakit na ang tiyan ko katatawa. "In 5...4...3...2...1...Blast off!" sigaw ni Thunder sabay nautot ng malakas. Binitawan ko naman na si Cloud at sabay kaming tumakbo ni Thunder pababa ng hagdan habang tawa pa rin ng tawa dahil paniguradong galit na galit na naman si Cloud. "MGA HAYUP KAYO! BUMALIK KAYO DITO! LAGOT KAYO SA AKIN KAPAG NAABUTAN KO KAYO! BUBUGBUGIN KO KAYONG DALAWA!" sigaw ni Cloud. Natawa na lang kami ni Thunder sa kalokohan namin at nagtago na sa pwedeng taguan dahil pareho kaming patay kay Cloud kapag nakita niya kami. Hahaha! Ayus din ito. Kahit papaano nabawasan ang bigat na nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD