7: Savior

1000 Words
Skyzzer's POV Nandito ako ngayong mag-isa sa cafeteria. Nakaupo na ako dito sa isang vacant seat at hawak ko ngayon ang cellphone ko. Tinetext ko si Ilayda maski si Thunder pero ni-isang reply galing sa kanila wala akong natanggap. Hays. Nasaan na kaya yung dalawang yun? Sila Ate kasi wala pa. Loner tuloy ako. Kaya nga no choice ako. Kumain na muna ako mag-isa. Gutom na ako eh. Pero habang kumakain ako napaangat ako ng tingin ng makitang may umupo sa harap ko. Napairap na lang ako nang makita siya. "Oh? Ang sungit mo naman labs. Ikaw na nga ang sinasamahang kumain dito ikaw pa ang nagsusungit." sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko. Bwisit. Sa lahat pa ng pwedeng samahan ako bakit ito pang si Marcus. Tsk. Ayoko sa kanya. Kasi napakaangas niya. At hindi lang yun. Feeling niya may gusto ako sa kanya. Nanliligaw kasi siya sa akin. Pero hindi ko naman siya binigyan ng permiso. Kaya hindi panliligaw ang tawag ko sa ginagawa niya kungdi pambibwisit. Kasi makita ko lang mukha niya nabibwisit na ako. Grade 11 din siya gaya ni Cloud. Pero hindi sila magkaklase kasi nasa highest section si Cloud. At si Marcus ay nasa lowest section. Tss. Wala talaga siyang binatbat kumpara kay Cloud. "Hindi ko naman sinabing samahan mo ako ah? Kaya pwede ba Marcus lumayas ka sa harap ko dahil naaasiwa ako sa pagmumukha mo." diretsahan kong sabi. Nakita ko naman sa mukha niyang nainis siya sa sinabi ko. Magsasalita na sana siya nang biglang may tumayo sa gilid namin. "Ahem...Naliligaw ka yata?" kaya nga parehas kaming napatingin ni Marcus sa lalaking nagsalita. At nakita ko na naman ang walang kaekspre-ekspresyong mukha ni Cloud. "Naligaw? Sa pagkakaalam ko kasi tama lang itong pinuntahan ko." sabi naman ni Marcus na mukhang gusto pang asarin si Cloud. Pero wala pa rin talagang ekspresyon ang mukha ni Cloud. "Pwesto ko iyang inuupuan mo. Kaya pwede ba umalis ka diyan dahil baka madumihan iyang upuan ko." kalmado pa ring sabi ni Cloud. Si Marcus naman ay mukhang nag-aalburoto na. "Aba talagang--" agad napatayo si Marcus at susuntukin na sana si Cloud sa mukha pero nahawakan ni Cloud ang kamao niya. "Ayoko sanang gamitin sa marahas na paraan ang natutunan ko sa boxing. Kaso mukhang mapipilitan akong gamitin yun sayo ngayon. Kaya nga kapag hindi ka pa umalis dito pagkabilang ko ng tatlo--" -pabitin na sabi ni Cloud kay Marcus. Tinignan niya ng matalim si Marcus. "--katapusan mo na." dagdag ni Cloud. Kita ko naman sa mukha ni Marcus ang takot pero nagpanggap siyang hindi naapektuhan sa banta ni Cloud. "H-Ha! Akala mo n-natatakot ako sayo?!" singhal ni Marcus. Pero deep inside alam kong nanginginig na yan sa takot. Kilala kasi si Cloud dito sa school na magaling makipaglaban. Eh bukod kasi sa basketball team, kabilang din si Cloud sa boxing club. Undefeated champion pa nga siya eh. "Isa." "H-Hindi ako na-natatakot s-sayo!" sigaw ni Marcus pero nanginginig na. Hahaha! "Dalawa." "Tat--" "Oo na! Oo na! Aalis na ako! Argh! Pero sinisigurado ko sayo Gatdula hindi pa ito ang huli nating paghaharap. Magtutuos tayo ulit! Tandaan mo yan!" sabi ni Marcus sabay alis. Sinundan ko naman ng tingin si Marcus. Pero maya-maya pa bigla siyang nadapa dahil hindi siya tumitingin sa nilalakaran niya. Napailing-iling na lang ako at bumaling kay Cloud na nasa harap ko. Tahimik na siyang kumakain ngayon na akala mo'y wala lang sa kanya ang nangyari. "Uhh. U-Uhmm...T-Thank you sa...sa pagligtas sa akin." nauutal kong sabi kay Cloud. Pero hindi siya sumagot at tinanguan lang ako. Pero kahit ganun. Kinilig pa rin ako ng sobra. Haha! Wala eh. Ang lakas talaga ng epekto ng isang Cloud Gatdula sa sistema ko. Maya-maya pa dumating na sila Ate. At gaya ng inaasahan ko, binubulyawan niya na naman si Kuya Gab. Pero si Kuya Gab naman deadma lang sa kanya. Pumila muna sila sa may counter at bumili ng pagkain saka sila umupo sa tabi namin. "Hindi mo kasama sila Ilayda at Thunder?" tanong ni Ate Aleyna. "Hindi Ate eh. Si Ilayda nagpaalam sa aking mag-ccr saglit pero hanggang ngayon wala pa. Si Thunder naman hindi ko po alam kung saan nagsuot kasi nauna po siya sa aming lumabas ng room." sagot ko kay Ate Aleyna. "Ganun ba? Wait. Tawagan ko nga." tatawagan na sana ni Ate Aleyna si Ilayda nang biglang may lumapit sa aming babae at lalaki. "Hehe. Sorry late kami." bati nung girl. Pero teka? Bakit kaboses ni Thunder? Umupo yung lalaki sa tabi ko tapos umupo naman yung girl sa tabi ni Cloud. "Tsk. Ang init naman!" sabi nung boy sabay tanggal nung sumbrerong suot niya. Kaya nga nakita ko ang mahaba niyang buhok. Tinitigan kong maigi ang mukha niya at doon ko lang napagtantong si Ilayda pala yun. Binato niya kay Thunder yung sumbrero. "Ilayda? Thunder? Anong nangyari sa inyo?" tanong ko. Napairap naman si Ilayda. "Niligtas ko lang naman ang baklang iyan sa mga baliw na babaing humahabol sa kanya." sabi ni Ilayda sabay tingin kay Thunder. "Thunder ayos ang trip mo ah?" biro ni Kuya Storm. Napapout naman si Thunder at hinubad yung scarf na nakatali sa ulo niya at binato kay Ilayda. "Anong ayos dito Storm? Ginawa lang namang coloring book ng isa diyan yung napakagwapo kong mukha." "Pinaparinggan mo ba ako Thunder?" taas kilay na tanong ni Ilayda na may tono pang pagbabanta. "Ahehe. H-Hindi bestfriend. Ikaw naman oh!" "Pero infairness Thunder huh? Bagay pala sayong maging babae?" natatawang sabi ni Ate Cha. At iyon nga pinagkaisahan nila si Thunder. Nakikitawa na lang ako sa biruan nila. Hanggang sa malingat ako at mapatingin kay Cloud. Ewan ko ba pero. Kusa na lang bumabaling sa kanya ang tingin ko. Pero anak ng teteng naman oh! Nakatitig siya sa akin ngayon. Tsk. Napayuko tuloy ulit ako. Feeling ko tuloy nagbablush na ako ng sobra. Ano ba ito. Nakakailang naman. Matutunaw na yata ako. Shuckkss! Bakit ba lagi ko na lang siyang nahuhuling nakatingin sa akin kapag hindi ako nakatingin sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD