Ilayda's POV
Parehas kaming pumasok ni Thunder sa magkahiwalay na cubicle. Sinimulan ko nang hubarin ang uniform ko.
"Hoy bakla! Akin na yung uniform mo!" sigaw ko kahit na isang wall lang ang pagitan namin.
"Oh eto!" sabi niya sabay sampay nung damit niya sa may pagitan naming wooden wall. Kinuha ko naman iyon at sinuot tapos binigay ko sa kanya yung uniform ko. Ang plano kasi namin ay mag-switch ng damit. Magpapanggap akong lalaki. Magpapanggap siyang babae para hindi siya makilala ng mga crazy girl toys niya na iyon. Habang sinusuot ko yung polo ay kinuha ko naman yung pants. Pero nagtaka ako dahil hindi pants ang nakuha ko kundi...BOXER?!
"THUNDER! HAYUP KA TALAGA!" sigaw ko sabay bato nung boxer pabalik sa kanya. Takte! Pikachu pa ang design. Grabe lang!
"Hahaha! Bestfriend akala ko ba switch tayo ng damit?" natatawang sabi niya.
"GAGO KA TALAGA! ANG SABI KO UNIFORM LANG HINDI DAMIT PANLOOB! ANG BOPOLS MO TALAGA!" sabi ko sabay suot ng pants. Pagkasuot ko ng pants ay tinali ko na ang necktie.
"HAHAHA! SORRY NA BESTFRIEND." sigaw niya. Ang ingay naming dalawa dito sa loob ng ladies' restroom. Buti na lang walang tao kasi recess. Panigurado lahat nasa cafeteria.
Lumabas na ako ng cubicle. Suot ko na rin ang sapatos ng mokong. Pero hindi kami nagpalit ng medyas. Yuck lang! Baka mamaya may alipunga pa yan.
Kinalampag ko naman yung pinto kung nasaang cubicle si Thunder.
"Ano ba? Ang tagal mo naman yatang magbihis diyan!" sigaw ko.
"Ito na nga oh! Lalabas na nga!" sabi niya sabay bukas nung pinto ng cubicle tapos lumabas na siya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Tapos bigla na lang akong natawa.
"WAHAHAHAHAHA! TAKTE THUNDER! BAGAY PALA SA IYO MAGING BABAE? MAS FLAWLESS PA LEGS MO KESA SA AKIN AH? WAHAHA! WITWIW!" tawa ko. Eh kasi mini-skirt ang uniform naming mga girls. Above the knee yung sukat niya. Kaya nga expose yung binti ng bakla! Hindi naman kasi hairy ang binti ni gago. Akala mo binti ng babae. Hahaha!
"Bagay ba?" sabi niya na nagboses babae pa. Tapos nagpose pa ang mokong at nagflying kiss sabay kindat. Natawa pa tuloy ako lalo. Pero napatigil ako sa pagtawa nung hinawakan niya ang buhok ko at isinuot ang sumbrero niya sa akin. Tapos seryoso niya itong inayos. Tapos nung maayos niya na ay tumitig siya sa akin at ngumiti.
"Iyan para mas mag-mukha ka na talagang...TOMBOY Wahaha!" tawa niya din ng malakas sabay napahawak sa tiyan niya. Binatukan ko nga.
"Aray! Kahit kailan ka talaga!" reklamo niya sabay himas sa batok niya. Sabay kaming napatingin sa salamin. At doon ko lang nakitang tinago niya pala ang mahabang buhok ko gamit yung sumbrero niyang sinuot niya sa akin.
"Wala ka man lang bang make-up diyan? Lipstick? Or any girly stuffs?" tanong niya.
"Wala. Aanhin ko naman yun? Saka bakit mo tinatanong?"
"Eh kasi nga po kailangan ko iyon para magmukhang babae. Eh kaso wala ka naman pala ng mga kailangan ko. Ano pang aasahan ko? Tomboy ka nga pala! Hahaha!" kantyaw niya. Edi binatukan ko nga ulit.
"Isa pang tukso mo diyang bakla ka hindi lang batok ang aabutin mo!" banta ko. Edi natahimik ang mokong. Hinalungkat ko ang bag ko para maghanap ng girly stuffs. Kung meron man ako. Pero wala talaga eh. Tsk. Nang makita ko bigla yung scarf ko at coloring pens. Bigla tuloy akong nakaisip ng paraan.
"Hoy! Lumapit ka dito." sabi ko kay Thunder sabay higit sa kanya.
"B-Bakit? Teka? Anong gagawin mo sa mga coloring pens na yan? Hoy! Wag mong sabihing--"
"Oo tama ang iniisip mo kaya pumikit ka nang hayup ka ng matapos na ito!" sabi ko.
"Waaah! Ayoko! Ayoko! Wag mong subukang drawingan ang gwapo kong mukha! I'm not a coloring book for pete's sake! Maraming iiyak na babae kapag dinumihan mo ang mukha ko!" sigaw niya.
"Ano ba? Eh sa wala akong make-up at lipstick eh. Tanging coloring pens lang ang meron ako kaya wag ka ng choosy kundi bubugbugin talaga kita." sabi ko.
"Waaah! Hindi ka lang brutal! Wala ka ring awa sa gwapo kong mukha!" reklamo niya pero hindi ko na lang siya pinansin at sinimulan na lang drawingan ang mukha niya. Gumamit ako ng red pen sa labi niya para magmistulang lipstick kuno. Brown pen para sa kilay niya para magmistulang eyebrow liner. Black pen bilang eyeliner at pink pen bilang eyeshadow. Tapos ayun napapalakpak na lang ako sa tuwa nung matapos ako. Tinali ko rin sa ulo niya yung red scarf ko kaya nagmukha itong headband sa kanya.
"Okayy! Tapos na!" Msabi ko kaya napadilat siya at tumingin sa salamin.
"Woah! Ayus bestfriend ah? Ang galing mo pa lang magmake-up? Di ko nakilala sarili ko. Akala ko gagawin mo na akong clown eh. Hahaha!" sabi niya sabay pose na naman sa salamin. Napapoker face na lang ako sa kanya. Well, hindi naman talaga ako nagmemake-up. Actually ngayon ko nga lang na-try. Siguro dahil na rin sa hilig ko sa art kaya ganyan ang lumabas na resulta?
"Okay let's go na! Paniguradong hindi ka na makikilala ng mga humahabol sayo." sabi ko sabay higit sa kanya palabas ng CR. Pagkalabas namin naglakad kami ng matiwasay. Nang bigla mapatigil si Thunder sa paglalakad.
"Waaah! Sila yung mga humahabol sa akin bestfriend!" sabi niya sabay tago sa likod ko. At iyon nga nakita ko yung isang grupo ng mga babae na mukhang hinahanap si Thunder. Tss. Ang engot talaga ng lalaking ito. Para saan pa ang pagsiswitch namin kung magtatago lang siya sa likod ko?
Palapit na ng palapit yung mga babae sa amin at kinukulit na ako ni Thunder na gumawa ng paraan. At dahil nga nangako akong tutulungan ko siya, gumawa ako ng paraan. Tinulak ko siya sa may lockers at tinakpan ang mukha niya. Kunwari naghahalikan kami pero ang totoo nakatakip lang ang mukha ko sa mukha ni Thunder.
Dumaan na yung grupo ng mga babae sa amin.
"Ano ba yan. Dito pa talaga sa hallway naglampungan? Get a room guys!" sigaw nung isang babae.
"Waaah! Nasaan na kaya si Baby Thunder ko?!" sigaw naman nung isang babae.
"Baka nandoon sa may corridors! Tignan natin. Let's go girls!" sabi nung isang babae na mukhang lider nila. Saka tumakbo na sila paalis. Sinundan ko naman sila ng tingin hanggang sa mawala na sila. Tapos napatingin ulit ako kay Thunder. Nakapilyong ngiti siya ngayon.
"Ikaw tomboy ka huh? Balak mo pa akong halikan. Siguro may gusto ka sa akin no?!" tukso niya. Kaya nga agad akong umayos ng tayo at lumayo sa kanya.
"Ano ka?! Wag ka ngang feeling! Asa kang magkagusto ako sayo. Yuck lang! Puro ka virus." sabi ko.
"Virus pala huh? Halika dito!" sabi niya sabay inakbayan ako at palokong inipit yung ulo ko gamit yung kaliwang braso niya at kinaskas yung kamao niya sa tuktok ng ulo ko na akala mo'y aso ako. Naglalakad na kami sa hallway papuntang cafeteria habang ginagawa iyon.
"Argh! Wag ka nga! Leche to!" sabi ko sabay kumalas sa pagkakaakbay niya at kinurot siya sa tagiliran.
"Ouch!" daing niya pero inakbayan pa rin ako. Inalis ko yung braso niya sa balikat ko pero kahit anong alis ko doon ay inaakbayan niya pa rin ako. Kaya nga wala na akong nagawa at hinayaan na lang siyang umakbay sa akin.
"Thank you bestfriend ah?" sabi niya habang naglalakad pa rin kami sa hallway.
"Thank you ka diyan? Hoy baka nakakalimutan mong magiging alila kita ng isang linggo?" sabi ko.
"Waaah! Oo nga pala! Bestfriend pwede bang wag na lang? Pleaseee! Kawawa naman ang isang gwapong tulad ko kapag ginawa mong alila."
"Heh! Wala ng atrasan. Nangako ka. Kaya tuparin mo!" sabi ko.
"Huhu! Hindi ka ba naaawa sa akin?" malambing na sabi niya sabay nagpuppy eyes at nagpout pa.
Umakto naman akong nag-iisip.
"Hmmm...HINDI!" sagot ko sabay nilagpasan siya.
"Bestfriend naman! Huhu! Sige na nga payag na ako basta one week lang huh? Kawawa naman kasi ang gwapong tulad ko." narinig kong sigaw niya. Natawa na lang ako sa kanya. Haay! Grabe. Napakahangin niya talaga kahit kailan.
Tapos naramdaman ko na lang na humabol siya sa akin at sumabay na sa akin sa paglalakad. Inakbayan niya ako ulit kaya napailing-iling na lang ako.