Thunder's POV Kasalukuyan akong nandito sa balkonahe ko habang nakatanaw sa malayo nang makita ko si Cloud at Sky na lumabas ng gate namin. Mukhang ihahatid na kasi ni Cloud si Sky sa kanila. Pinapunta kasi ni Mame si Sky dito kanina kaya iyan. Gusto niya nga rin sanang papuntahin si Ilayda kaso sabi ko may tampuhan kami ni Ilayda. Nakitang kong nagngingitian habang nag-uusap yung dalawa tapos hinawi pa ni Cloud yung buhok ni Sky. Tsk. Bwisit na mga ito! Masyadong PDA. "WALANG FOREVER!" -sigaw ko sa kanilang dalawa. Napatingin naman silang dalawa sa akin. "PALIBHASA KASI HINDI KA PA PINAPANSIN NI ILAYDA! ANO KA NGAYON HA? MAINGGIT KA!" -sigaw ni Cloud sabay akbay kay Sky. Napapout naman ako. "DIWAW!" -sigaw ko sabay pasok sa loob ng kwarto ko at nagpatihulog sa kama ko. Ako maiinggi

