Aleyna's POV Nang makauwi na ako sa amin ay agad na akong dumiretso sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Pagkapalit ko naman ng damit ay humiga na ako sa kama ko. Nang biglang tumunog yung messenger ko. Nakita ko yung chathead ni Storm kaya agad ko itong binuksan. _ Storm Gatdula: Bike tayo? :) Aleyna Cabrera: Ngayon na? Storm Gatdula: Oo. Nandito na nga ako sa tapat ng bahay niyo eh. Haha! _ Bigla naman akong napabangon sabay pumunta sa balcony ko. Dumungaw ako sa may baba kaya nakita ko nga si Storm na nasa tapat na ng bahay at nakasakay na sa bike niya. Nginitian niya ako kaya napangiti din ako. "Saglit lang! Hintayin mo ako diyan. Bababa na ako." -Sigaw ko. "Sige!" -sigaw niya din. Kaya nga tumingin ako sa salamin at tinignan kung ayos lang ba ang itsura ko. Nang makita kong

