Chandra's POV Nang mabalitaan ko kay Sky na naospital si Aleyna ay sinubukan kong pumunta afterclass. Kaso nang makita kong masaya siyang nakikipagtawanan kay Storm ay umatras na lang ako. Ayokong sirain ang maganda niyang ngiti kaya mas minabuti ko na lang na hindi tumuloy. Sigurado kasi akong kapag nakita niya ako ay magagalit na naman siya. Kaya nga mas minabuti ko na lang na umuwi. Pagkauwi ko nakasalubong ko si Sky sa sala. "Oh, Ate. Ano? Nakausap mo na si Ate Aleyna?" -tanong niya. "H-Hindi." -Sabi ko sabay nilagpasan siya at umakyat na papunta sa kwarto ko. Napabuntong hininga na lang ako at ni-lock ang pinto. Nagpatihulog ako sa kama ko at ipinikit ang mata ko. Nang biglang tumunog ang messenger ko. Nakita ko yung chathead ni Blare kaya hindi ko na lang pinagkaabalahang i-

