Storm's POV Nagising ako ng mga bandang 11pm dahil nakaramdam ako ng uhaw. Kaya nga lumabas muna ako ng kwarto ko at bumaba papuntang kusina. Kumuha ako sa ref ng pitsel at nagsalin ng tubig sa baso saka ito ininom. Pagkayari kong uminom ay ibinalik ko na yung pitsel sa ref saka inilagay ang baso sa lababo. Paakyat na sana ako pabalik sa kwarto nang makita si Thunder na kapapasok lang ng bahay dala-dala ang susi ng kotse niya. "Saan ka galing? Gabi na ah." -Sabi ko. "Sinundo ko lang si Ilayda sa ospital saka hinatid sa kanila." -Sabi niya sabay hikab. "Ospital? Bakit sa ospital?" -tanong ko. "Doon siya galing eh. Sinugod daw kasi sa ospital si Ate Aleyna." -Sabi niya sabay akyat na rin sa hagdan. "Ano?! Saglit Thunder! Bakit daw sinugod sa ospital." -Tanong ko ulit kay Thunder saba

