Ilayda's POV Dala-dala ko ngayon ang isang tray kung saan may pagkain. Habang kumakatok si Mama sa pinto ni Ate. Hindi pa kasi ito lumalabas ng kwarto niya kaya hindi nakasabay sa aming magdinner. Kaya ito dinalhan na lang namin ni Mama. "Aleyna? Aleyna! Buksan mo itong pinto. Hindi ka pa kumakain ah! Ano bang problema mo at nagkukulong ka na naman diyan?" -Sabi ni Mama habang kinakatok ang pinto ni Ate. Maya-maya pa dumating ang maid na inutusan ni Mama. Ibinigay nito ang spare key sa kwarto ni Ate. Binuksan naman iyun ni Mama at sinenyasan akong sumunod sa loob. Kaya nga sumunod ako. Binuksan ni Mama yung ilaw dahil nakapatay ito. Pero pagkabukas namin ng ilaw, nagulat na lang kami ng makita si Ate na nakahandusay sa sahig at walang malay. Agad lumapit si Mama sa kanya. "Ang taas

