Skyzzer's POV Days passed by, at napansin kong bumalik na naman si Ate dati. Yung laging nagkukulong sa kwarto at laging walang imik. Ang worst nga lang minsan naririnig ko siyang umiiyak. Magkatabi kasi ang kwarto naming dalawa. 12:46 am na ng madaling araw nang marinig ko na naman ang paghagulgol ni Ate. Kaya nga nagising ako at bumangon. Pipikit-pikit pa akong lumabas ng kwarto ko at tumungo sa tapat ng pinto ni Ate. Kumatok ako sa pinto niya. "Ate? Ate Cha?" -tawag ko. Pero hindi niya binuksan. Kaya nga kumatok ulit ako. "Ate Cha? Ayos ka lang ba?" -Pagkasabi ko nun bumukas ang pinto niya. Pero hindi yung bukas na bukas. Konti lang yung awang niya kung saan nakasilip si Ate. "Oh, S-Sky. G-Gising ka p-pa pala." -Sabi niya na medyo utal pa ang mga salita. Halatang galing talaga si

