Aleyna's POV Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang nagbabasa ng libro. May nabili kasi akong bagong novel sa book store. Well, homealone nga ako ngayon eh. Si Mama at Ilayda kasi nasa cafe ngayon. Si Papa nasa trabaho pa tapos si Eiron nasa kaibigan niya. Bigla akong napahinto sa pagbabasa ng marinig kong may tumama sa sliding door ko patungong balcony. Napatingin tuloy ako doon kaya nakita kong may nambabato pala ng maliliit na bato doon. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilapag muna sa sidetable ang librong binabasa ko. Nagmartsa ako papuntang balcony at sumilip sa may baba para malaman kung sinong nambabato. At nung silipin ko kung sino, nakita ko si Storm. Ngumiti siya agad sa akin nang makita ako. "Para sayo ito, Aleyna!" -sigaw niya mula sa baba sabay kinuha ang gitarang nakasak

