Skyzzer's POV Monthsary namin ni Cloud ngayon. Nakatitig lang ako sa cellphone ko ngayon at hinihintay ang pagtawag, text o chat niya para batiin ako ng Happy Monthsary. Pero halos mamuti na yata ang mata ko dito kakatitig sa cellphone ko. "Huy! Kanina ka pa titig ng titig diyan sa cellphone mo ah?" -sabi ni Ilayda. Nandito kami ngayon sa Maddieson's Cafe. Naisipan ko munang pumunta dito kasi nababagot ako sa bahay. "Hays. Hinihintay ko lang naman ang tawag, text or chat ni Cloud. Hindi pa kasi siya nagpaparamdam buhat kanina. Monthsary pa naman namin ngayon." -sabi ko. "Ay ganon? Happy monthsary sa inyo." -nakangiti pang sabi ni Ilayda. "Salamat. Hays, buti ka pa naisipan mong batiin ako. Eh si Cloud? Mukhang nakalimutan niya na yata na monthsary namin ngayon." -sabi ko sabay simsim

