Ilayda's POV Uwian na. Kaya nga nagmadali na akong lumabas ng room. "Ilayda! Saglit! Huy!" -rinig kong tawag ni Thunder sabay hawak sa braso ko. Napatigil naman ako sa paglalakad at inis siyang tinignan. Saka nagpumiglas ulit ako sa pagkakahawak niya. "Bakit mo ba ako hindi pinapansin? Ano bang kasalanan ko?" -Sabi niya na mukhang wala talagang kaide-ideya. Tinitigan at kinabisado ko naman ang mukha niya. Kaya nga napatitig din siya sa akin pabalik. "Hindi mo talaga alam ha?! Hindi mo alam?!" -Natahimik naman siya bigla. "I-Ilayda, umiiyak ka." -Sabi niya sabay aktong pupunasan ang mga luha ko kaso tinabig ko ang kamay niya. Ayan! Naiyak na naman tuloy ako ng hindi ko nalalaman. Hindi ko na kasi makontrol pa ang emosyon na nararamdaman ko ngayon lalo na't nasa harapan ko na mismo ang

