4: Recitation

1277 Words
Gabriel's POV Tuesday... Panibagong araw na naman. Pagkatapos kong maligo sinuot ko na agad ang uniform ko. Tapos bumaba na akong dining area. Naabutan ko doon si Mommy na naghahanda ng agahan at si Daddy na nagbabasa ng magazine. Parehas silang tumatawa ni Mommy. Nang makalapit ako sa kanila ay binati ko sila ng goodmorning saka umupo na sa pwesto ko. "O, Gab. Gusto mo ba ng hot cocoa? Ipagtitimpla kita." tanong ni Mommy. "Sige po." sagot ko kaya nga ipinagtimpla niya ako. Nang matimpla na ni Mommy yung hot cocoa ay nilapag niya na ito sa harap ko saka umupo ulit sa pwesto niya. "Look at this Gab. Hindi ko alam na naitabi ko pa pala iyan. Bigla ko na lang nakita sa ilalim ng kama. Hahaha!" sabi ni Daddy sabay abot sa akin nung magazine. Kinuha ko naman ito at tinignan. "Hmm. Medyo may hawig kay Mommy itong model." sabi ko habang tinitignan ang bawat pahina. Pero napatingin ako kila Daddy nung bigla silang tumawa. "Gab, talagang kahawig ng Mommy mo iyan kasi nga yung Mommy mo iyan." tawa ni Dad. Napailing-iling naman si Mommy habang pinagmamasdan kami. "Really? I didn't know model pala kayo dati Mommy." sabi ko. "Nako. Mahabang kwento anak." sabi ni Mom. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang mga pictures. Nakakatuwa kasing makita yung itsura ng parents mo nung kabataan nila. Well, hindi naman sa sinasabi kong mukha na silang matanda ngayon. Dahil mukha pa rin silang bata ngayon sa totoo lang. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay Mommy at Daddy saka pumunta na sa garage. Sumakay na ako sa kotse ko at nagtungo na papuntang school. _ Nang makarating akong school, ipinarada ko na yung kotse ko sa parking lot tapos dumiretso na ako papasok ng building. Pumunta na ako sa room pero wala pang tao. Lagi kasi akong maagang pumapasok. Umupo na lang ako sa pwesto ko at nagbasa na lang ng libro. Bukod kasi sa pagbabasketball hilig ko rin ang magbasa ng aklat. Maya-maya pa dumating na si Aleyna kasabay yung boyfriend niyang si Ryle. Tumabi muna si Aleyna sa kanya tapos iyon doon sila nag-usap. Hindi ko na lang sila pinansin at ipinagpatuloy na lang ang pagbabasa ko. Makalipas ang ilang minuto dumating na din isa-isa ang mga classmates namin. Hanggang sa dumating si Storm. Tumabi siya sa akin at nakipagfist bump. "Hindi pa dumadating si Aleyna?" tanong niya. Hay, sabi na ba si Aleyna agad bukambibig nito eh. Tss. "Kanina pa dumating." sagot ko sabay tingin sa direksyon nila Aleyna at Ryle. Napatingin din naman doon si Storm. Tapos bumuntong hininga na lang siya at napailing-iling. Tinap ko na lang ang balikat niya. May gusto kasi itong ugok na ito sa pinsan ko simula pa noon. Pero wala eh. Hanggang kaibigan lang ang turing sa kaniya ni Aleyna. Tapos may Ryle pa. Ewan ko ba dito kay Storm. Buti malakas ang kumpyansa sa sarili at hindi pa rin sumusuko. Walang nakakaalam nun bukod sa akin at ni Cloud. Hindi naman daw madaldal at mausisa si Cloud kaya sa kapatid niyang iyon siya minsan nagsasabi. Makalipas ulit ang ilang minuto dumating na rin si Chandra. Umupo agad siya sa pwesto niya at nagcellphone na naman. Tss. Napailing-iling na lang ako. Bakit ba imbis na magbasa na lang siya ng aklat ay mas inuuna niya pa yung mga social networking sites na yan? Ano bang mapapala niya diyan? Kaya minsan walang masagot sa recitation eh. Fame. Ayan ang importante sa kanya. Tss. Nang dumating na ang teacher namin ay umayos na kaming lahat. Bumalik na rin si Aleyna sa pwesto niya. Nagsimulang magdiscuss ang teacher namin. Sinusundan ko lang sa libro ang bawat tinuturo niya. Tsk. Nabasa ko na kagabi itong dinidiscuss niya ngayon. "Okay. Recitation tayo. Let's see kung nakinig talaga kayo." sabi ng teacher namin. Napa-ayy naman yung mga kaklase ko. "Ms. Cabrera. Stand up." kaya tumayo si Aleyna. "Sino ang kinilala bilang pinakadakilang German Renaissance artist?" tanong ng teacher namin. "Si Albrecht Durer po, Miss." sagot niya. Napatango naman ang teacher namin. "Very good. You may sit down now." kaya nga umupo na si Aleyna. Hindi na ako magtataka. Malamang nagbasa din iyan kagabi tulad ko. Nagtawag pa yung teacher namin ng iba ko pang mga kaklase. At halos lahat hindi nakasagot. "Ano ba yan. Halos ganito din ang lesson ng Grade 8 at 9 pero hindi niyo masagot? Knowing na Grade 12 na kayo? Paano kaya makakapasa kung ni-isa pala sa mga tinuro ko ay hindi niyo naintindihan? Okay. Mr. Rodriguez stand up." kaya nga tumayo ako. "Sino ang arkitektong Italian na nagdisenyo ng dome ng Cathedral of Sta. Maria del Fiore?" tanong nung teacher namin. "Filippo Brunelleschi po, Miss." sagot ko. "Very good. You may sit down now." kaya nga umupo na ako. "Ms. Montereal." tawag ng teacher namin kay Chandra na busy na naman pala sa pagcecellphone. Agad niya itong tinago sa bag niya nung marinig niyang tinawag siya. "Y-Yes, Miss?" tapos tumayo na siya. "Sino ang pintor at arkitektong nagpinta ng Madonna at School of Athens?" tanong ng teacher namin. "Uhmm..." pinaglaruan naman ni Chandra ang daliri niya. Tss. Sabi na ba't hindi niya alam ang sagot eh. Kasi panigurado hindi yan nagbasa ng lecture at nagcellphone lang magdamag. Ano siya ngayon? Anong napala niya? Tsk. Tsk. "You don't know the answer, do you?" sabi ng teacher namin habang nakapamewang na. "U-Uhh. Uhmm." ano ba yan? Puro 'Uhh' at 'Uhm'. Kunwari nag-iisip pero hindi naman. "Raphael Santi." bulong ko sa kanya. Malapit lang kasi sa akin ang pwesto niya. Napatingin naman siya sa akin at tinaasan pa ako ng kilay. Tss. Siya na nga tinutulungan siya pa magsusungit. "Raphael Santi isagot mo! Tss." bulong ko ulit sa kanya. Ewan ko ba kung bakit ko tinutulungan ang babaeng ito. "Ms. Montereal? Do you know the answer or not?" taas kilay na tanong ng teacher namin. "Alam po, Miss. Uhm...Si Raphael Santi po, Miss." sagot ni Chandra. "Good. You may sit down." kaya nga umupo na si Chandra. At iyon tinuloy naman nung teacher namin yung recitation niya sa iba ko pang mga kaklase. Chandra's POV Grabe! Unbelievable! Tinulungan ako ni Lucifer sa recitation. Himala talaga. Kailangan ko na yatang magpamisa? Hahaha! Hmm. Ano kayang nakain nun at tinulungan ako? Teka. Asarin ko nga. Dahil recess na nagsilabasan na ang mga kaklase ko papuntang cafeteria. Sila Storm at Aleyna nauna na sa cafeteria. Napatingin ako kay Gab at nakita kong nagliligpit na siya ng gamit niya. Lumapit ako sa kanya. "So, what happened to you Lucifer? Nawala na bang ang sungay mo at napalitan na ng halo?" sabi ko sa kanya habang may mapang-asar na ngiti. "Tss. Ano bang pinagsasasabi mo diyang babae ka?" sagot niya. "Why did you help me a while ago? Doon sa recitation? Akala ko ba naiinis ka sa akin? Akala ko ba enemy tayo? Pero bakit mo ako tinulungan? Di ba enemies don't help each other?" this time tumingin na siya sa akin. Napa-smirk na naman siya. Smirk niyang laging nagpapakulo ng dugo ko. "Enemies naman talaga tayo ah? Kung inaakala mong dahil tinulungan kita kanina sa recitation ay ayos na ang lahat pwes nagkakamali ka. Kaya ko lang kasi ginawa iyon ay naaawa ako sayo. Let's say kawang-gawa ko lang iyon para sa nakakaawang tulad mo." tapos umalis na siya sa harapan ko at iniwan ako doon. "Argh! Lucifer ka talaga kahit kailan! You jerk! Hindi ko alam uso pa pala sayo ang salitang awa huh?! Asshole!" sigaw ko sa kanya pagkalabas niya ng room. Ugh! I hate him very very much! Awa? Naawa siya sa akin?! Tss. Hindi ko kailangan ng awa niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD