3: Cupcake

2067 Words
Aleyna's POV Haay! Grabe. Hindi talaga mapagbati ang dalawang yun. Parang aso't pusa. Mula nung mga bata pa kasi kami matalik ng magkaaway ang dalawang iyon. Halos lahat ng bagay pinag-aawayan nila. Nang mag-uwian na ay sabay-sabay na kaming lumabas ng room. Nagpaalam na si Storm dadaanan niya pa kasi si Cloud sa room nito. Magkasabay kasi silang umuwi. May sarili na kasing kotse si Storm kaya sa kanya sumasabay si Cloud. Well, sa totoo lang may sarili din namang kotse si Cloud kaso hindi ginagamit ni Cloud. Ang dahilan? Tinatamad daw magmaneho at aksayado pa daw sa gasolina. Kaya iyon kay Storm nga sumasabay lagi. Si Thunder naman may sarili ding kotse. Afterschool kasi may iba't-ibang babae pang dinedate. Saka cool daw siya tignan kapag may kotse. Hanep no? Kinukwento lang sa akin ni Storm. Hahaha! Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na rin si Chandra. Pupuntahin niya rin kasi si Skyzzer para sunduin. Wala silang sariling kotse kasi may service sila, ayaw din kasi munang payagan ni Tita Louise yung dalawa na mag-drive. Pero minsan si Tito Ethan ang sumusundo at naghahatid sa kanila. "Gab. Bakit ba ayaw mo kay Cha?" bigla kong tanong sa pinsan ko. Naglalakad kami ngayon papunta sa room nila Eiron. Si Ilayda kasi nagtext na sa akin na wag ko na daw siyang daanan sa room nila dahil nandoon na daw siya sa room nila Eiron kaya doon na kami dumiretso ni Gab. Tuwing uwian kasi kay Gab kami sumasabay. Pero kapag papasok ng school si Papa ang naghahatid sa amin. "Tss. Basta ayoko sa kanya. Tapos." sagot niya. "Hindi ba talaga kayo magkakabati? Mabait naman si Cha eh. Please kilalanin mo muna siya Gab. Promise, magkakasundo kayo kapag nakilala mo pa siyang maigi." pagmamakaawa ko. Eh kasi hindi ko na kayang nakikitang laging nag-aaway ang dalawa. Ako kasi ang naiipit. Lalo na't bestfriend ko si Cha at pinsan ko si Gab. "Aleyna, magkababata tayong lahat. At alam na alam ko na ang ugali ng babaing yun. At ayoko sa kanya! Buti pa nga yung kapatid niyang si Skyzzer mabait. Tss." napabuntong hininga na lang ako. Wala na ba talaga akong magagawa? Susme. Kung mangyayari lang sana sa kanila yung kasabihan na, "The more you hate, the more you love." Nako! Magtatatalon na talaga ako sa tuwa. Kaso mukhang imposible yun sa kanila eh. Hayss! Nang makarating kami sa room nila Eiron nandoon na nga si Ilayda. Pareho nilang hawak ang cellphone nila at nagsisisigaw doon. "Kainis ka naman Ate! Ang daya mo talaga!" singhal ni Eiron. "Ow! Ako na naman sinisisi mo diyan? Kasalanan ko bang mas magaling pala ako sayo? Hahaha! You lost li'l brother! Kaya ililibre mo ako bukas ng magnum!" sabi ni Ilayda sabay tawa. Napailing-iling na lang ako sa dalawa. I'm sure nagpustahan na naman sila about doon sa larong kinaaadikan nilang dalawa. Sa pagkakaalam ko barilan iyon eh. Ewan ko ba kay Ilayda. Tomboy yata! Haha! Kaya siguro wala pang boyfriend. Lahat kasi ng lalaking nanliligaw sa kanya eh halos itaboy niya. Akala mo allergic sa mga lalaki. "Ilayda! Eiron! Tara na uuwi na tayo." sigaw ko. Kaya nga sumama na sila sa amin ni Gab papuntang parking lot. Pagkapunta sa parking lot, pinindot ni Gab yung remote nung kotse niya kaya tumunog ito. Pumasok si Ilayda at Eiron sa backseat. Tapos ako naman ay sumakay sa may front seat. Nang makapasok na kaming lahat sa kotse ay inistart na ni Gab ang makina at pumaharurot pauwi sa amin. Habang yung dalawa sa likod tuloy pa rin sa paglalaro. _ Nang makarating na kami sa tapat ng bahay ay nagpaalam na kami kay Gab. Kaya nga pumunta na siya sa kanila. Magkakapitbahay nga lang kami eh. Katabi namin sa kaliwa ang bahay nila Tita Louise & Tito Ethan. Then sa kanan naman yung bahay nila Tito Drex & Tita Andy. Tapos yung katabi naman nung kala Tita Andy ay yung bahay nila Tita Leen & Tito Gian. Pagkapasok namin sa loob agad tumakbo yung dalawa paakyat sa kwarto nila. Ako naman ay napailing-iling na lang at umakyat na lang din papunta sa kwarto ko. Dati iisa lang kami ng kwarto ni Ilayda pero ngayon magkahiwalay na kasi parehas na kaming malaki. Hindi na kami bata tulad ng dati. Kaya kasi magkasama kami noon sa iisang kwarto dahil hindi sanay si Ilayda. Pero ngayong sanay na siya ay magkahiwalay na kami. Si Eiron nga din eh may sarili ng kwarto. Syempre, Grade 7 na siya at 13 years old. Imposibleng sa edad niyang iyan eh hindi pa siya sanay. Pagkaakyat ko sa kwarto ko ay nagpalit na ako agad ng damit tapos umupo ako sa studytable ko at ginawa ang assignment ko. Pagkayari nun ay nagbasa-basa rin ako ng libro para sa lesson na pag-aaralan namin bukas. Nang biglang nagring ang cellphone ko. Napangiti naman ako nang makita ang pangalan ni Ryle. Si Ryle kasi ang boyfriend ko. At 7 months na kami. Kilala naman siya ni Mama at Papa. At kilala din ako ng parents niya kaya legal kami. Tumayo ako at dumapa sa kama ko saka sinagot ang tawag. "Hello." nakangiti kong bungad sa kaniya. [Hello...] bati niya kaya lalo akong napangiti. "Napatawag ka?" [Masama na bang tumawag sa girlfriend ko ngayon?] he chuckled. "Hahaha! Hindi naman. Nagtatanong lang naman ako. Malay ko ba kung may sasabihin ka pala?" sagot ko. [Hmm. Actually, meron akong sasabihin eh.] "Ano?" [I miss you...] napayakap naman ako ng mahigpit sa unan ko pagkasabi niya nun. Nakakakilig kasi siya eh. Hahaha! Kainis! "I miss you too." sabi ko sabay kagat sa lower lip ko para pigilan ang ngiti. Mukha na kasi akong si Hannah Montanga na ngumingisi dito mag-isa. Haha! [Hindi kita malapitan sa school. Bantay sarado ka masyado.] natawa naman ako sa sinabi niya. Ang tinutukoy niya kasi si Gab at Storm. Lagi ko kasing kasama yung dalawang iyon saka si Chandra. Kaya nga wala kaming time para magkasama ni Ryle. "Hahaha! Pasensya ka na kay Gab at Storm. Alam mo naman talagang sanay na kami sa isa't-isa na magkakasama." paliwanag ko. [I know. Ayos lang sana kung si Gabriel at Chandra lang ang lagi mong kasama eh. Tutal, pinsan mo naman si Gabriel. Pero ayoko sa Storm na iyon.] seryoso niyang sabi. "Bakit naman? Mabait naman si Storm ah?" sabi ko. [Tss. Iyon mabait? Eh halos patayin na ako nun sa mga titig niya kapag nagkakasalubong kami. Alam mo, sa tingin ko hindi lang bestfriend ang tingin nun sayo. Hula ko higit pa doon.] lalo naman akong natawa sa sinabi ni Ryle. Eh kasi naman. Si Storm? Magkakagusto sa akin? Nako. Kaibigan lang ang turingan namin sa isa't-isa. No more, no less! [What's so funny?] "Eh kasi naman Ryle...Si Storm magkakagusto sa akin? Imposible. Bestfriend lang ang turing nun sa akin wala ng hihigit pa doon. At ganoon din ako sa kanya. Sadyang close lang talaga kami kasi halos sabay kaming lumaki. Kaya wag ka ng mag-alala diyan okay? Ikaw lang ang mahal ko." nakangiti kong sabi. [Talaga lang huh?] "Oo, promise! Ikaw ba? Ako lang ba mahal mo?" tanong ko. [Nako. Tinatanong pa ba yan? Oo naman Aleyna. Ikaw lang ang mahal at mamahalin ko.] napangiti ulit ako sa sinabi ni Ryle. Haayss! Grabe alam na alam niya na talaga kung paano ako papakiligin. Nang biglang marinig ko ang boses ni Mama sa speaker. "Aleyna! Ilayda! Eiron! Bumaba na kayo dito sa dining room. Kakain na tayo." Meron kasi kaming tig-iisang speaker sa room namin. Para kapag tinatawag kami ni Mama mula sa baba ay maririnig namin. Saka para hindi na rin umakyat si Mama at katukin kami isa-isa sa kwarto. Well, useful naman yung speaker na yun kasi kapag tinatanghali kami ng gising. Isang sigaw lang ni Mama doon ay magigising agad kami. Haha! Talo pa nga ng sigaw ni Mama yung alarm clock ko eh. "Uhm. Sige na Ryle. Magkita na lang tayo bukas sa school huh? Tinatawag na kami ni Mama eh. Magdidinner na kasi kami." [O, sige. Enjoy your dinner sweetheart. I love you.] "I love you too. Bye." [Byee.] then I ended the call. Tapos lumabas na ako ng kwarto at bumaba papuntang dining room. Binati ko si Mama tapos umupo na ako sa pwesto ko at nagsimula ng kumain. "Where's Papa?" tanong ko. Eh paano wala pa kasi. "Katatawag lang sa akin. Malelate daw ng uwi kaya mauna na tayong kumain." napatango na lang ako sa sinabi ni Mama saka ipinagpatuloy na ang pagkain ko. Katulad kasi ni Mama busy rin si Papa sa kompanya. Magkaiba kasi sila ng kompanyang pinapatakbo. Parehong kompanya ng mga parents nila. "Aleyna nagawa mo na ang assignments mo?" tanong ni Mama nang nasa kalagitnaan kami ng pagkain. "Opo, Ma. Bakit po?" "Can you help me to bake 40 cupcakes? May umorder kasi eh. Tapos kailangan ng kunin bukas." "Sure Ma. Namiss ko rin pong magbake eh." sabi ko. 7 years old pa lang kasi ako ay tinuruan na ako ni Mama na magbake. Kasi gusto niya balang araw ay ako na daw ang mamahala sa cafe niya. Busy rin kasi siya dahil siya ang namamalakad sa company nila. Meron kasing cafe si Mama. Maddieson's ang name. Binigay daw yun sa kanya ni Lola nung highschool pa siya. Akalain mo yun? Highschool pa lang siya may business na. Hahaha! Every Saturday and Sunday nga kapag busy si Mama kaming dalawa ni Ilayda ang namamahala doon. Hindi namin sinasama si Eiron kasi pumupuslit lagi ng pagkain dun. Baka malugi ang cafe kapag isinama pa namin yung batang yun. Hahaha! "Pwede po akong tumulong, Ma? Namiss ko na rin pong magbake eh." tanong ni Ilayda. "Tapos mo na ba ang mga assignments mo?" tanong ni Mama. "Opo." sagot ni Ilayda. "Okay, then. You may help." "Orayt!" sabi ni Ilayda. "Ako ma? Pwede rin po ba akong tumulong sa inyo?" tanong ni Eiron na may kasamang pilyong ngiti. "WAG NA!" sabay na sabi namin ni Ilayda. Natawa naman si Mama. "Mama oh! Ayaw nila Ate na patulungin ako!" sumbong ni Eiron. Tss. Kahit Grade 7 na itong batang ito sumbungero pa rin! "Eh baka kasi ubusin mo lang yung cupcakes!" sabi ko. "Oo nga! Saka hindi mo pa nagagawa ang assignments mo no!" sabi ni Ilayda. "At paano mo nasabing hindi ko pa nagagawa ang mga assignments ko?" sagot ni Eiron. "Syempre magkalaban tayo kanina sa laro hanggang sa tinawag tayo ni Mama!" sabi ni Ilayda. "Eh ikaw! Sure ka bang ginawa mo talaga ang assignment mo? Oh di ba magkalaban nga tayo sa laro hanggang sa tinawag tayo ni Mama?" sagot ni Eiron. "Oo naman! Sa school pa lang ginawa ko na iyon no!" sabi ni Ilayda sabay dinilaan si Eiron. "Kaya naman pala eh! Madaya ka talaga kahit kailan Ate! Kaya nga homework eh! Kasi dapat sa bahay ginagawa hindi sa school!" "Eh bakit ba? Eh sa gusto kong gawin sa school eh! Kaya wala kang magagawa doon!" At iyon nga po. Nagtalo sila ng nagtalo doon. Hanggang sa matapos na kaming kumain. Niligpit na ni Ilayda at Eiron ang pinagkainan tapos ako na ang nagpresintang maghugas nito. Kahit kasi may maid kami tumutulong pa rin kami sa gawaing bahay. Bukod kasi sa pagbebake, sinanay din kami ni Mama sa gawaing bahay. _ Kasalukuyan kaming naglalagay nila Mama at Ilayda ng icing ngayon sa ibabaw ng bawat cupcake. Tapos si Eiron naman ang naglalagay ng toppings. Nang matapos kami ay sabay-sabay kaming napabuntong hininga. Nang biglang pinahiran kaming tatlo ni Mama ng icing sa mukha. Tapos ganun din ang ginawa sa akin ni Ilayda at Eiron. Kaya iyon naghabulan kami sa kusina at nagpahiran ng icing. Hahaha! Maya-maya pa dumating na si Papa at naabutan kami sa kusinang naghahabulan. "O, anyare sa inyo? Bakit puro icing kayo sa mukha?" tanong ni Papa. Nagkatitigan naman kami nila ni Mama at sabay-sabay na pinahiran din si Papa ng icing sa mukha. "Aba't hinahamon niyo ako ah? Humanda kayo sa akin!" kaya nga iyon naghabulan ulit kami. Hahaha! Ganito kasi kami magbonding. Naalala ko tuloy yung nangyari noon. Ganitong-ganito din kasi ang nangyari. Naghabulan din kami noon at nagpahiran ng icing sa mukha. At nakakatuwang isipin na ganito pa rin kami kasaya. Pero sa kalagitnaan ng paghahabulan namin, bigla naming nakita si Eiron na nilalantakan na yung isang cupcake. "EIRON!!!" sigaw ko. "You brat!" sigaw ni Ilayda kaya ayun hinabol namin yung matakaw na batang tumira ng cupcake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD