Skyzzer's POV
Nang magrecess na ay sabay na kaming pumunta ni Ilayda sa cafeteria. Habang naglalakad kami sa hallway papuntang cafeteria ay biglang gumitna sa amin si Thunder at inakbayan kaming dalawa.
"Hey, mga bestfriends!" nakangiti niyang sabi. Sabay naman naming tinanggal ni Ilayda yung braso ni Thunder sa balikat namin at inis siyang tinignan.
"Whoa! Chill. Bakit ganyan kayo makatingin sa akin?" sabi niya. Hindi namin siya sinagot. Kaibigan namin si Thunder. Well, let's say bestfriend namin siya. Kaso ayaw na naming magpaakbay diyan. Dati ayos lang sa amin ni Ilayda yung pag-akbay niya dahil alam naming friendly gestures lang yun. Pero mula nung sinugod kami ng sangkaderbang babae na nagpakilalang girlfriend daw ng hayup na Thunder na iyan ay nadala na kami. He's a playboy. Bawat babae yata sa campus pinag-iinteresan niya.
"Wag mo nga kaming akbayan, Thunder! Mamaya sugurin na naman kami ng mga GIRLFRIEND mo!" inis na sabi ni Ilayda. Natawa naman si Thunder. Pero binalewala niya lang kami at inakbayan pa rin kami.
"Subukan niyo lang tanggalin ulit ang braso ko sa balikat niyo ipagkakalat ko sa mga chika babes ko na kayong dalawa ang girlfriend ko!"
"Eww. Thunder! Ginawa mo pa kaming isa sa mga babae mo!" natawa na lang siya sa sinabi ko. Kaya iyon nakaakbay siya sa amin ni Ilayda na pumuntang cafeteria.
Pagkapunta namin doon ay umupo na kami sa isang bakanteng pwesto. Nilibot ko ang paningin ko sa buong cafeteria para hanapin sila Ate pero wala pa sila. Nasa counter ngayon si Thunder dahil siya ang namimili ng pagkain namin.
"Psst. Sky." tumingin naman ako kay Ilayda nang tawagin niya ako.
"Palapit na siya dito." sa sinabi niya pa lang ay alam ko na agad kung sinong tinutukoy niya. Kaya nga napalingon ako sa likod ko. And then I saw him. Ang lalaking crush na crush ko. Walang pinagbago ang itsura niya. He always looks calm and innocent. Dumapo ang tingin niya sa akin kaya bumilis ang t***k ng puso ko. Hanggang sa lumapit siya sa amin at umupo sa harap ko. Hindi ko pa rin matanggal ang tingin ko sa kanya. Hanggang sa nakabalik na si Thunder dala-dala ang mga pagkain. Umupo siya sa tabi ni Cloud at binigay sa amin ang pagkain.
"Oh Cloud nandito ka na pala." si Thunder yan. Gago kasi yan. Hindi man lang marunong mag-Kuya. Tinanguan lang siya ni Cloud saka kinuha yung sandwich niya at kinain.
"Aish! Manong bumili ng kanya! Hayss. Di bale, sayo na lang yan. Bibili na lang ako ulit." kaya nga tumayo ulit si Thunder at bumalik sa counter para bumili ng pagkain. Kinain na kasi ni Cloud yung kanya.
At dahil nga katapat ko lang siya hindi ko maiwasang titigan siya. Siniko naman ako ni Ilayda kaya napatingin ako sa kanya.
"Dahan-dahan. Baka matunaw si Cloud. Hahaha!" pagbibiro niya. Pero sanay naman na ako sa kanya kaya balewala lang yun sa akin. Si Cloud kasi ang crush ko since Grade 5. Obvious naman di ba? Pero ni-hindi niya man lang ako napapansin kahit na matagal na kaming magkakilala. Kasi wala naman siyang interes sa akin.
Mas matanda siya sa amin ng isang taon nila Thunder at Ilayda. Grade 11 na kasi siya, kami Grade 10 pa lang. Siya ang pangalawang anak ni Tita Andy at Tito Drex. At Kuya siya ni Thunder. Bunso kasi si Thunder sa tatlong magkakapatid eh.
Nang makabalik si Thunder ay umupo ulit siya sa tabi ng Kuya niya at kumain na rin. Naputol ang paninitig ko kay Cloud nang marinig ko ang boses ni Ate na sumisigaw. Kaya iyon center of attraction sila. Kasama niya sina Ate Aleyna, Kuya Storm, At Kuya Gab.
"GAGO KA! ALAM KONG SINADYA MO IYONG LUCIFER KA! YOU TEXTED ME ON PURPOSE PARA MAKUMPIS ANG PHONE KO!" bulyaw ni Ate kay Kuya Gab.
"Well, buti alam mo." simpleng sagot ni Kuya Gab at umupo naman sa may gilid ni Thunder. Si Kuya Storm naman ay umupo sa gilid ni Cloud. Tapos si Ate Aleyna ay sa gilid ni Ilayda katabi si Ate na mukhang sasabog na talaga sa galit.
Well, lagi naman silang nag-aaway ni Kuya Gab. Talagang hindi sila mapagkakasundo.
"YOU JERK! YOU'LL GONNA PAY FOR THIS!" singhal ni Ate sa kanya.
"How much? 1,000? Here." sabay nilabas ni Kuya Gab yung wallet niya at nilapag ang 1,000 bill sa mesa. Nakita ko namang nagliliyab na sa galit si Ate at konti na lang alam kong hindi niya na mapipigilan ang sarili niya at susugurin na si Kuya Gab.
"Why you--" padabog namang tumayo si Ate pero pinigilan siya ni Ate Aleyna.
"Cha, wag! Magaguidance ka niyan. Sige ka, lagot ka kay Tita Louise niyan." pilit na ngumiti si Ate Cha at bumaling kay Ate Aleyna.
"You're right. Magaguidance lang ako kapag pinatulan ko ang Lucifer na ito." tapos bumaling ulit siya kay Kuya Gab at tinignan ang isang libong nakalapag sa mesa. Kinuha niya iyon.
"So, here's the payment huh? Thanks. But no thanks. I don't need it." sabay pinunit niya yung isang libo sa harap ni Kuya Gab at sinaboy yun sa ere. Napatayo rin naman si Kuya Gab at hinampas ang mesa.
"SUMOSOBRA KA NA TALAGANG BABAE KA!" galit na sigaw ni Kuya Gab. Napatayo na din sila Kuya Storm at Thunder para hawakan si Kuya Gab. Si Cloud parang wala lang sa kanya ang nangyayari at tuloy pa rin sa pagkain.
"Oww. Sorry. My fault. Wait papalitan ko." nilabas naman ni Ate yung wallet niya at naglabas din ng 1,000 bill saka nilapag sa mesa.
Tinitigan naman yun ni Kuya Gab at nilukot saka binato sa kung saan. Hayss. Grabe, hindi man lang sila nanghihinayang sa isang libong pinunit at nilukot nila? Tsk. Wag niyong gagayahin ito guys. Remember the Presidential Decree no. 247!
Nagsusukatan sila ng titig ngayon sa isa't-isa. Akala mo nga may kuryente sa titigan nilang dalawa eh. Nako kung nakakamatay lang ang titig kanina pa silang patay na dalawa.
"Cha, Gab. Tama na. Hindi ba kayo magkakasundo?" sabi ni Ate Aleyna.
"HINDI!" sabay na sigaw ni Kuya Gab at Ate Cha. Well, Kuya Gab is not that bad naman. Actually kay Ate Cha lang siya bad. Hahaha! I don't know why pero ayaw na talaga nila sa isa't-isa ever since.
"Ayoko sa mga maaarte!" singhal ni Kuya Gab sabay umupo.
"Hmph. Ayoko rin sa mga mayayabang!" singhal ni Ate Cha at umupo na rin. Kaya nga nagsiupuan na rin sila Kuya Storm.
"Hayss...Pwede ba? Minsan nga subukan niyong hindi mag-away ng isang araw? Please kahit isang araw lang! Susme." sabi ni Ate Aleyna.
Nagkatinginan naman si Kuya Gab at Ate Cha saka nag-irapan. Napailing-iling na lang ako.
Binuksan ko yung mineral water at uminom. Nalingat naman ako habang umiinom at napabaling ulit kay Cloud pero nagulat ako dahil nakatingin siya sa akin ngayon. Kaya nasamid ako.
"Oh. Sky? Ayos ka lang?" tanong ni Ilayda sabay hagod sa likod ko. Tumango na lang ako. Napahalakhak naman si Thunder.
"Eh kase tini--Aray!" bago niya pa natuloy ang sasabihin niya ay napadaing siya. Haha. Mukhang tinadyakan ni Ilayda. Sila kasi ang magkatapat ng upuan eh.
Alam kasi ni Thunder na may crush ako kay Cloud. Buti na nga lang hindi niya dinadaldal kay Cloud dahil wala ring preno ang bibig niyang si Thunder. Ewan ko nga ba kung alam na ni Cloud na may crush ako sa kanya. Imposible naman kasing hindi niya nahahalata yun kahit pinaparamdam ko na. O sadyang manhid lang siya? Hmm.
Well sabagay kahit alam niya naman nothing will change. Deadma pa rin siya. Hay buhay!