“Message me if there’s a problem, okay?” Tumango ako kay Dad bilang sagot. Kagigising ko lang dahil sinadya akong gisingin ni Dad para magpaalam. May business trip daw sila at aabutin ‘yon ng tatlong araw kaya naman panay bilin ang ginagawa sa akin ni Dad ngayon. Ganito siya sa tuwing may out of town ito, hindi nauubusan ng mga paalala sa akin. Dahil sa labis na pag-aalala, kulang na lang ay isama niya ako sa mga business trip niya pero hindi naman ‘yon p’wede kaya bubusugin na lang niya ako ng mga bilin at pagpapaalala sa mga hindi ko dapat gawin habang wala siya. “Dad, I won’t do anything na p’wede kong ikapahamak. So, just chill and focus on your business trip.” I gave an assurance to stop him from worrying. “Besides, nariyan naman si Manang Elisha para mag-alaga sa akin.

