bc

Marry Me, Engineer

book_age16+
1.7K
FOLLOW
5.2K
READ
decisive
comedy
sweet
bxg
witty
campus
school
love at the first sight
engineer
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Maria Brittany Sarmiento, also known as a ‘ghoster’ at their University. She was afraid of commitment, but all her fear, and hesitation in entering into a new relationship disappeared when she met Johann Caleb Vergara, an Engineering student at the same University. But unlike other boys that she ghosted, Caleb was a rude, snobby person, and has a cold personality.

Despite his rude attitude, Brittany still likes Caleb, so she keeps on pursuing him until Caleb can finally reciprocate her feelings. But when the day came that Caleb finally fell in love with Brittany, it was also the time that the two people from their past came back to their lives.

Will Brittany choose the present over the past?

Will she keep pursuing the man she wants to marry, even if her rival is the first love of Caleb?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Hoy, Keziah! Wait lang…” sigaw ko para mapigilan itong lumabas mula sa pinto ng classroom. “Sabing hintayin mo ako, eh!” Katatapos lang ng klase namin sa isang major subject at halos lahat ng mga kaklase ko, nagsisilabasan na. Nangunguna roon si Keziah, ang kaibigan ko. Basta usapang uwian, siya ang top one. Makikipag-unahan pa ‘yan sa paglabas. Akala mo talaga walang kaibigan na hihintayin. Kaya nga minsan ay ako na ang nag-a-adjust para hindi ako iwanan. Hinablot ko ang charger at cellphone ko sa gilid ng upuan. Buti na lang talaga at dito ako sa tabi ng saksakan nakaupo kaya p'wede akong mag-charge nang patago. Hindi na ako nagsayang pa ng oras na ilagay sa loob ng dala kong bag ang charger. Tumakbo na ako palabas habang hawak-hawak ang charger at cellphone ko. Naabutan ko sa labas ng pinto si Keziah. Buti naman at may awa pa siya para hintayin ako. "Gagi ka! Itago mo nga 'yang hawak mong charger. Mamaya ay may makakita sa 'yong instructor tapos mabuking ka pa na nagcha-charge ka." Lumingon-lingon pa ito para makasigurong walang instructor na nakarinig. "Alam mo namang bawal mag-charge, 'di ba? Gusto mo bang ma-guidance, ha?" Sa Univeristy kasi namin, ipinagbabawal na mag-charge ang mga estudiyante. Ang arte rin, eh. Kasama naman ‘yon sa miscellaneous fee na binabayaran namin. "Eh, bakit ikaw? Extension pa nga ang dala mo pero hindi naman ako nagreklamo,” bwelta ko sa kaniya. Mahina niyang hinampas ang balikat ko. "Ano ba, Bri! Manahimik ka nga. Baka may makarinig pa sa ‘yong ibang block, malagot pa ako." Imbes na charger, ang dinadala niya ay extension. Sa pinakalikod kasi siya nakaupo at malayo sa saksakan kaya naman kakailanganin ng extension para umabot sa kaniya. Swerte niya dahil magaling siyang magtago, hindi siya nahuhuli kahit instructor naming nasa loob ng classroom mismo. Magre-recruit pa 'yan ng iba naming kaklase para in case na magkahulihan, hindi lang siya mag-isa na ma-i-gu-guidance. Mautak, ‘di ba? Siyempre, damay-damay na. Sinunod ko naman ang sinabi niya. Takot din naman akong maipunta sa guidance lalo pa’t wala pa akong record doon. Ayokong mai-guidance dahil lang nagcha-charge ako sa loob ng room. Hinintay pa ako ni Keziah na itago ang charger ko sa loob ng bag. "Ang yaman-yaman, walang powerbank," bulong nito na sapat pa rin para marinig ko. Hindi ko na lang ito pinansin. Inaya ko na siyang maglakad na at magtungo sa cafeteria dahil nagugutom na ako. May 2 hours pa namang vacant time bago ang last subject namin na mamayang alas-dos pa ang start. Habang naglalakad, nahagip ng mga mata ko ang paparating na lalaking IT student. Ilang segundo ko rin itong tinitigan dahil pamilyar ito. Nang maalala at makilala ko na kung sino ito, agad akong nagtago sa likod ni Keziah. Malas naman! Makakasalubong ko pa siya. "Kez, itago mo ako," pakiusap ko sa kaniya. Sa ganitong sitwasyon, alam na ni Keziah ang nais kong ipahiwatig. Inayos niya ang bag niya para pantakip sa akin. "Don't tell me may ghinost ka na naman?" Patuloy lang ito sa paglalakad pero alam kong pagala-gala na ang kaniyang mga mata sa buong quadrangle para hanapin kung sino ang ghinost ko ngayong week na ito. "Hoy, Bri! 'Yon bang IT student na 'yon?" Wala na akong takas. Nadali na nga ng mga mata niya kung sino ang tinutukoy ko. "Paano mo nalaman?" "Pogi, eh. Lahat naman ng ghinoghost mo, may hitsura. Paano ba ang prayer routine mo? Share mo naman!" Habang papalapit nang papalapit, kinakabahan ako. Taimtim akong nagdadasal na sana hindi niya ako makita. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko kapag tinanong niya ako kung bakit hindi na ako nagreply sa last chat nito. Hindi ako komportable sa kaniya kahit nasa talking stage pa lang kami. Halos lahat naman ng nakakausap ko, hindi nag-le-level up. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na ayoko nang ipagpatuloy. I don’t know how to end a conversation, kaya nga sa ghosting humahantong.  Kailan ba kasi ako makakaalis sa letseng talking stage na 'yan? "Oh, ayan. Mang-ghost ka pa!" wika ni Keziah nang makalagpas na 'yong IT student na schoolmate ko. I heaved a deep sigh. Umalis na rin ako sa likuran ni Keziah. Sinabayan ko na siya sa paglalakad ngayon na parang wala akong tinaguan. Hindi ko na rin siya nilingon dahil baka may chance pa na daplisan niya ako ng tingin kaya diretso na lang ang tingin ko sa daan. Swerte ko pa rin dahil sa tuwing nakakasalubong ko ang mga nagho-ghost ko, natataguan ko sila. Jusko! Hindi ko talaga alam ang gagawin o sasabihin man lang kapag nagkataon na magkaharap kami sa personal. Ang hirap pala kapag same University kayo ng taong ghinost mo, ‘no? Humarot na lang kaya ako sa kabilang University? "Alam mo, ako ang kinakabahan sa 'yo." Napalingon ako sa sinaad niya habang naglalakad kami papunta sa forest, tambayan ng mga estudyante. Katatapos lang namin kumain sa cafeteria at sa forest naman kami tatambay ngayon kasama ang isa pa naming kaibigan na si Reign, nursing student. "Bakit ka naman kakabahan? Para saan?" ani ko pagkalapag ng bag sa lamesa. Nadatnan na namin doon si Reign na kasalukuyang gumagawa ng school activities. Hulaan ko, absent na naman ito kahapon kaya ito siya ngayon, naghahabol na naman. "Sa dami ba naman ng mga ghinost mo ay malamang sa malamang, makakarma ka!" Ito na naman tayo sa pangongonsensiya niya sa akin. Oo, makakarma ako pero sa huli pa naman ‘yon. "Tangina? May ghinost ka na naman, Bri?" sabat ni Reign. Tiningala niya ako habang hawak-hawak pa rin ang ballpen nito. Hindi ko ito sinagot. Parang hindi naman sila nasanay sa akin. Wala namang bago roon. Nilibot ko na lang ang paningin ko sa building na nasa tapat namin. Building ito ng mga Engineering and Architecture students. Isa 'yon sa dahilan kung bakit gustong-gusto kong tumambay rito. "Isang Engineering student lang talaga, hindi na ako mang-gho-ghost." Sabay pa nila akong pinandilatan ng mata. Hindi na sila naniniwala dahil marami na rin akong Engineering student na nakausap pero ni isa, wala akong nagustuhan. P'wede ba 'yong Engineering student na lang na umiigting ang panga? "Akala mo maniniwala pa kami? Sabi mo, gusto mo talaga ng Engineering student pero 'di mo naman ine-entertain 'yong mga nagpaparamdam sa 'yong soon to be Engineer," gigil na wika ni Reign. Eh, sabi ko nga sa sarili ko na magseseryoso na talaga ako sa next Engineering student na makikilala ko. "Legit na kasi this time. Nagsasawa na rin ako na 'di ako makaalis sa talking stage. Hindi na ako mang-gho-ghost, promise!" "How will you prove naman, aber?" Keziah asked. Tiningnan ko ang wristwatch ko. Saktong 1:30 na at labasan na ng mga Engineering students sa room U-87. Umayos ako ng pagkakaupo at pinukol ang atensiyon sa pintuan ng classroom na 'yon. Desidido na talaga ako. "Oh, sige... ganito..." Itinuro ko sa kanila ang room U-87 na sabay naman nilang tiningnan. "Kung sino ang unang lalabas diyan, 'yon ang aasawahin ko." Bumaling sila sa akin kasabay ng malakas na paghalakhak. Nagsitinginan tuloy ang ibang mga estudyante na nasa kabilang benches lang. ‘Yong tawa kasi ni Keziah, nakakaagaw ng atensiyon dahil sa sobrang lakas. "Jowa nga, hirap ka na magkaroon. Asawa pa kaya?" Tinatawanan lang ako nitong dalawa. Akala mo, 'di mga kaibigan, ah! Mga fake friends! "Ang pangit niyo ka-bonding!" reklamo ko. Matapos kasi nila akong tawanan ay nag-focus na sila sa kaniya-kaniyang ginagawa. Pero ako ay tutok pa rin ang atensiyon sa pinto ng room U-87 at hinihintay kung sino ang unang lalabas doon. Maya-maya pa'y natanaw ko mula sa bintana ng room na nagsitayuan na ang mga estudyante sa loob. Hindi ko mawari kung bakit nakaramdam ako ng kaba ngayon. Lord, sana naman po matino ang unang lalabas sa pinto na 'yan. Nakasalalay ang future ko sa kaniya. Ilang saglit lang ay may isang lalaking Engineering student na nga ang lumabas mula roon. Payat na matangkad. Gagi, ideal man! Pero bakit hindi siya familiar? Araw-araw akong nakatambay sa tapat ng Engineering building kaya halos lahat ng mga Engineering students ay namumukhaan ko na. Bakit ngayon ko lang nakita ang isang 'to? Huminto siya saglit sa gilid ng pinto at nilibot ang kaniyang paningin dito sa labas hanggang sa naligaw ang kaniyang paningin sa direksiyon ko. Umiwas ako agad ng tingin. Baka nahuli niya akong nakatingin sa kaniya, nakakahiya! Nang mag-alas-dos, pumasok na kami ni Keziah sa last subject namin. Sa buong klase, hindi mawala sa isipan ko ang Engineering student na 'yon. I want to know him. I want to get his name, especially his surname and add it to my name. Marami naman akong contacts na Engineering students kaya alam kong madali ko lang malalaman ang pangalan niya. Uuwi na ako agad ngayon para mai-chat ko na ang mga kakilala ko at simulan ko na ang 'oplan hanapin si future hubby'. Akmang tatawagan ko na sana si Manong Dante para sunduin ako nang makatanggap ako ng message galing sa Daddy ko. Kaya naman ito ang una kong ginawa, ang basahin ang message na 'yon. "Manong Dante can't drive you home. Hintayin mo na lang ako sa car park ng school niyo. I'm with your new driver." New driver? Umupo muna ako sa isang bench na naroon malapit sa car park para maghintay. Nang matanaw ko na ang sasakyan ni Dad, agad na akong tumayo. Naglakad na ako papunta roon para makauwi na. Binuksan ko ang passenger's seat. "Hi, Dad!" Hindi ko tiningnan ang Daddy ko na nasa tabi ko lang. Abala ako sa pag-aayos sa magulong laman ng bag ko. "Anak, I want you to meet your new driver." Tumingin ako sa driver's seat. Laking gulat ko dahil naka-school uniform ito, school uniform ng Engineering student sa University namin. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang tuluyan na itong lumingon sa akin. "Brittany, he's Johann Caleb Vergara." Hindi ko na pala kailangan alamin ang pangalan niya at makilala pa dahil kaharap ko na siya ngayon. Siya 'yong Engineering student kanina na unang lumabas sa pinto ng room U-87. Siya 'yong sinabihan kong future Engineer na mapapangasawa ko!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.8K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.9K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.2K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook