Inaantok akong bumangon mula sa pagkakahiga sa malambot kong kama. Hindi pa sana ako babangon kung hindi dahil sa pang-tatlong beses nang tumunog ang alarm sa phone ko na nakapatong sa 2-drawer dresser ko na nasa tabi ng kama. Kailangang tatlong beses pa ito tumunog bago ako magising nang tuluyan.
Kahit 9 hours na ang tulog ko, inaantok pa rin ako.
Dumiretso na ako sa banyo ng kwarto ko at naligo na. Nakahanda na rin ang uniform ko kaya nakapagbihis na ako agad at saka humarap sa whole body mirror na nasa tapat ng kama ko. Inayos ko na rin ang buhok kong natural na ang pagkacurly sa bandang tips nito. Naglagay na rin ako ng light make up.
Bago bumaba, pinasadahan ko muna ang cellphone ko. Nabasa ko roon ang mga flood messages ng mga lalaking naka-fling ko last week.
Ghinost ko na ang mga ito, ah? Bakit patuloy pa rin silang nagme-message?
"Bahala kayo riyan! Alam ko namang igho-ghost niyo rin ako, naunahan ko lang kayo," ani ko sabay off sa phone ko.
Nilagay ko na ito sa loob ng bag ko dahil walang bulsa ang school uniform namin. Color gray high waist pleated skirt lang ito na above the knee na tinernohan ng white long sleeve with yellow ribbon tie. The yellow ribbon tie will recognize us as an Accountancy student. Magkakaiba ang kulay ng ribbon tie sa uniform namin, depende sa kung anong course mo.
Hindi na ako nagtagal pa sa loob ng kwarto. Bumaba na ako para makapag-almusal na. Kanina pa tumutunog ang tiyan ko, gutom na talaga ako.
"Brittany, I already told you about Manong Dante's condition, right?" tanong ni Dad sa kalagitnaan ng pag-kain namin ng almusal.
Inalala ko na naman ang nangyari kahapon at nanlaki muli ang mga mata ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala!
Iyong lalaking nakita ko sa Engineering building na 'yon ay ang new driver ko!
"But Dad, siya na ba talaga ang magiging driver ko?" pag-confirm ko.
"Nag-usap na kami ni Caleb about that. Temporary lang ang pagiging driver niya. Kapag may nahanap na akong qualified and trustworthy driver, aalis na rin si Caleb."
Napabusangot ako. Sayang naman. Akala ko pa naman, lifetime na.
"Hindi na kaya ni Manong Dante na pagsilbihan pa tayo. 15 years of service is enough and now, he deserve to rest."
I realized how lucky we are for having Manong Dante for 15 years as our family driver. Napaka-dedicate niya sobra sa trabaho niya and we really trust him dahil sa loyalty niya sa pamilya namin. 5 years old pa lang ako noong nakuha siya bilang driver namin and until now na 20 years old na ako, hindi siya nag-quit sa trabaho niya. Pero tumatanda na rin sila at kamakailan lang ay isinugod siya sa hospital because of mild stroke. Nasa bahay nila siya ngayon at kasalukuyang nagre-recover.
"Nakisuyo lang si Manong Dante sa panganay niyang Anak para maging temporary driver mo habang wala pa akong nahahanap na pamalit sa kaniya."
Panganay na Anak pala ni Manong Dante si Caleb? Marahil ay siya rin ang madalas na ikuwento ni Manong Dante sa akin noon. Araw-araw niya akong kinukuwentuhan tungkol sa dalawang Anak nito.
Feeling ko tuloy, kilalang-kilala ko na si Caleb.
Mami-miss ko si Manong Dante, panigurado. Ngunit mas gugustuhin ko pa ring magpahinga na siya ngayon at maka-recover agad. Bibisitahin ko na lamang siya tuwing weekend.
"Oh, siya. I need to go." Ininom muna ni Dad ang tea niya bago tumayo.
Naglakad siya papunta sa akin para yakapin ako. "Bye, Dad."
"Mga ten minutes, nandito na si Caleb para sunduin ka. Be good to him, okay?"
Tumango naman ako.
Mabait naman ako at friendly pa kaya ako dapat ang humiling na sana maging mabait itong si Caleb sa akin lalo pa't ako ang mapapangasawa niya.
I don't know why pero I really like Caleb kahit pa kakakilala ko pa lang sa kaniya.
I want him.
Doon pa nga lang sa sign na hiningi ko, I knew that he's the one. Isa pa, he's the son of Manong Dante. Oh, 'di ba? Imposible namang coincidence lang 'yon at sadyang maliit lang ang mundo. Naniniwala akong si Destiny na mismo ang gumawa ng paraan para mapalapit kami sa isa't-isa.
"Bri, nasa labas na si Caleb," ani ni Manang Elisha.
Automatic akong napatayo at agad nagtanong kay Manang Elisha. "Manang, ayos lang po ba ang hitsura ko? Eh, 'yong mukha ko po? Sa tingin mo po ba mas okay kapag hindi light make up?" aligaga kong tanong.
Ngayon lang ako nagkaroon ng pakialam sa ayos ko. Hindi naman ako ganito noon. Basta alam kong presentable akong tingnan, okay na sa akin.
"Naku, iha. Ang ganda-ganda mo kahit wala kang make up. Kasing-ganda mo ang Mommy mo."
I pouted when I heard my Mom's name. Tila may humahaplos sa puso ko sa tuwing nababanggit ang pangalan ng Mommy kong yumao na. 10 years na kaming iniwan ni Mommy dahil sa breast cancer. Kapag si Mommy na ang pinag-uusapan, lumalambot ako.
I really miss her.
"Si Manang talaga, oh! Hayaan mo't may milk tea at pizza ka sa akin mamayang pag-uwi ko," wika ko habang nakangiti.
"Sinuhulan mo pa akong bata ka!" Napatawa na rin si Manang Elisha. "Pero gusto ko 'yan," habol pa niya.
Si Manang Elisha ang nagsilbing pangalawang Ina ko. Nasa 60's na sila at matagal na rin kaming sinisilbihan. Sa tagal ng pagsisilbi nila, hindi na sila nakapag-asawa. Tutok kasi ang buong atensiyon niya sa pag-aalaga kay Mom noon at ngayon, ako naman ang inaalagaan nila.
See, napakaswerte namin sa kanila. They are so loyal to us and that's the one thing that worth to flex.
"Lumabas ka na dahil baka ma-late ka pa." Inabot na ni Manang Elisha ang bag ko. Sinamahan niya akong maglakad hanggang sa pinto. "Nga pala, ang gwapong binata pala ng Anak ni Dante," dagdag nito.
Nilingon ko si Manang Elisha. "Sinabi mo pa, Manang!"
"Ikaw, ha." Sinundot nito ang beywang ko na ikinatawa ko. "Kaya pala nagtanong ka sa akin kanina kung maayos ang hitsura mo. Dahil pala may gwapong lalaki na naghihintay sa 'yo sa labas. Crush mo?"
Hindi ko na napigilang humalakhak sa tinuran ni Manang Elisha. Imagine, nasa 60's na sila at tinatanong ako ngayon kung crush ko ba itong si Caleb.
"Sa tingin mo, Manang, magugustuhan niya ako?"
"Oo naman! Ang bait at ang ganda kaya ng alaga ko," proud niyang sagot. "Hayaan mo, magse-search ako sa youtube kung paano ma-crushback tapos sasabihin ko sa 'yo."
"Manang!" suway ko sa kaniya. "Kaka-cellphone mo 'yan, eh."
Babad din kasi itong si Manang Elisha sa social media. Binilihan kasi ni Dad ng tig-iisang phone ang mga kasambahay namin para may paglibangan naman sila kapag oras ng pamamahinga at 'di na nila problema ang stable internet connection dahil nagpakabit si Dad ng Wi-Fi na para lang sa kanila.
"Hay nako, alam ko namang gusto mo rin. Huwag mo lang talaga igho-ghost itong si Caleb dahil sayang. Mukhang matinong bata pa naman 'yan."
Updated si Manang Elisha sa ghosting thingy ko. Komportable kasi akong kakuwentuhan siya dahil parang kaedad ko lang siya sa tuwing nakikipagchismisan kami. Hindi nga lang siya pabor sa pang-gho-ghosting ko dahil tulad ni Keziah, sinasabi rin ni Manang Elisha na baka raw makarma ako. Improve ko na lang ang prayer routine ko para 'di ako karmahin.
Open ako kay Manang Elisha kumpara sa Daddy ko. Napakastrikto kasi ni Dad to the point na ayaw pa niyang mag-boyfriend ako. Napakaover protective niya sa akin. Well, naiintindihan ko naman sila dahil only child lang ako.
"Sige na, lumabas ka na. Galingan mong humarot sa crush mo!" pag-cheer pa nito.
Nagpaalam na ako kay Manang Elisha at agad dumiretso sa kotseng kanina pa naghihintay sa akin.
Ilang segundo rin akong naghintay sa labas ng front seat, umaasa na pagbubuksan ako nito ng pinto pero wala akong nahintay. Kaya naman ako na mismo ang nagbukas para makapasok na.
Diretso lang ang paningin nito sa harap. Tila naiinip na kakahintay sa akin.
"Let's go?" tanong ko.
He didn't answer. Instead, he started the engine.
Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin siya nagsasalita. Tila wala siyang balak makipag-usap.
Hindi ko kaya na hindi magdaldal. Napakatahimik, nakakatuyo ng laway. Kaya
naman nag-isip ako ng p'wede naming maging topic.
"You're an Engineering student pala?" I started the conversation.
"Isn't obvious?" sarcastic niya akong sinagot ng isa ring tanong.
Sungit.
Pinasadahan ko siya ng tingin. Focus lang siya sa pagdri-drive. Ang seryoso ng mukha niya habang nagmamaneho. Kahit pa side view niya lang ang nakikita ko, hindi ko mapigilang magwapuhan sa kaniya.
Damn that chiseled jawline!
Umiwas ako ng tingin nang galawin niya nang marahan ang ulo niya. Lumunok ako at saka tinuon ang atensiyon sa tinatahak naming daan.
"Bakit parang ngayon lang kita nakita sa University?"
Third year college na ako at sa tatlong taon na 'yon, halos kabisado ko na ang master list ng mga Engineering students. Kilala ko na rin sila sa mukha kaya nagtataka ako na bakit tila nalagpasan ko yata ang pangalan nitong si Caleb noong gumawa ako ng research sa mga Engineering students na p'wede kong maging bebe.
"Transferee," tipid niyang sambit.
"Oh, kaya pala. Kailan pa?" Nagtanong ulit ako para hindi maputol ang usapan namin.
"Last Monday."
May limitaton ba ang paggamit niya ng mga salita? 1-2 word lang kasi ang sinasagot nito.
Hindi ba siya magtatanong about sa akin? Para naman mas humaba ang usapan namin at ma-feel kong interesado siya.
"You know what... nangarap din akong maging future Engineer noong bata pa ako kaso noong umulan ng talent sa pagdra-drawing, tulog ako."
'Yon ang ultimate course ko noon. Kaso kahit anong practice kong gumuhit, ayaw talaga. Kaya naman sa Accountancy program ako bumagsak.
Nilingon ko siya at seryoso pa rin ang mukha.
"Pero okay lang na hindi ko na-pursue ang Engineering course. Mag-aasawa na lang ako ng Engineer!" wika ko sabay halakhak.
Sinabi ko talaga noon na kung hindi man ako papalarin na maging Engineer someday, I will just marry an Engineer.
Nanatili pa rin itong walang imik. Napatigil ako sa pagtawa dahil ang awkward. Ako lang kasi ang tumawa. Wala man lang siyang kareak-reaksiyon!
Ano ba 'yan! Ang KJ naman nito.
Tumikhim ako. "Eh, ikaw? Kung mamimili ka ng aasawahin..." Tumigil muna ako saglit bago ituloy ang sasabihin. I gulped. "Bakit hindi na lang ako?"
And there, dinapuan niya ako ng tingin. Gusto ko na lang maging isang pagong para makapagtago agad sa sariling bahay sa sobrang kahihiyan.
"Charot!" pagbawi ko.
Ramdam kong pinagpapawisan na ako. Masyado yata akong mabilis.
Wrong move, Bri. Baka isipin niyang napakaharot ko kahit pa totoo naman.
Maharot ako pero hindi naman ako easy to get.
Pero kung siya? Aba! Sure... why not, 'di ba?
Hindi na ako muling umimik pa hanggang sa makarating na kami sa University. Pinakita lang namin ang ID namin sa guard at agad na niya kaming pinapasok para mai-park na ang kotse.
Puno na ang parking lot sa harap ng Engineering building kaya I suggested na sa building na lang namin. May vacant space pa roon at matapos makapag-park, sabay na kaming lumabas.
Hindi ko inaasahan na nakatambay pala ang ilang mga kaklase ko sa bench malapit dito kung saan kami nag-park.
"Omg! Ang gwapo, mare!" Rinig ko ang pagtili ng isa kong kaklase na si Jann.
Naagaw namin ang atensiyon nilang lahat. "Gagi, Bri! How to be you?" sigaw ni Xaela.
"May next na igho-ghost na naman si Bri," paglaglag sa akin ni Wendy, isa ko pang kaklase.
Pinandilatan ko silang lahat dahilan para tumahimik sila. Mabuti naman at marunong silang makiramdam.
"Oh, wait..." Hindi ko namalayang nakalapit na sa amin si Keziah at Reign. "I think, we know you," ani nito kay Caleb.
"How?" tanong naman sa akin ni Reign na pinandilatan pa ako ng mata.
Tinatanong sa akin ni Reign kung paano ko nakilala agad ang lalaking kakakita ko lang kahapon.
Ano ba naman itong mga kaibigan ko. Hindi man lang makapaghintay na makapunta kami sa classroom para makichismis. Sa harap-harapan pa talaga ni Caleb?
"Ano ang pangalan niya, Bri?"
Nang nilingon ko ito, nakita ko si Liane. Hindi na nakapagpigil ang isa kong kaklase na lumapit sa amin. May balak pa yata itong unahan ako sa panghaharot kay Caleb.
"Bakit ko naman sasabihin sa 'yo?" asar kong sambit.
"Cause I think... I have a crush on him," walang hiya niyang sagot.
Ginigigil ako nitong si Liane!
Dapat ang crush ko, crush ko lang. Hindi p'wedeng may kaparehas ako ng crush!
"Excuse me?" Tiningnan ko siya nang masama. "Respeto naman sa mapapangasawa niya," itinuro ko ang sarili ko.
Crush ko pa lang si Caleb pero may umaagaw na!