2

1966 Words
"So, ano nga? Alam kong maharot ka pero bakit ang bilis naman ng galawan mo? Kakakita mo lang 'yon kahapon, ah!" Wala pa ring tigil si Keziah sa katatanong sa akin pero hindi ko pa rin ito sinasagot. Nanatili lang akong walang imik habang naglalakad hanggang sa makapasok na kami sa loob ng classroom, sinundan pa rin niya ako at hindi tinigilan. "Eh, ano ba dapat? Bagalan ko? Doon din naman ang punta namin." Walang gana kong nilagay ang bag ko sa upuan. Naupo na rin siya sa tabi ko. "Ay, 'yan ang 'di mo sure. Malay mo, may bebe na pala 'yon." Binalingan ko siya at tinapunan ng masamang tingin. "Kez!" asar kong banggit sa pangalan nito. Nagdidilang anghel pa naman ang isang ito. Kinabahan ako dahil baka magkatotoo nga ang sinabi niya. "Bawiin mo 'yon, hoy!" Tinawanan lamang ako nito. At talagang hindi niya talaga babawiin? "Sana magka-jowa na si Sir Taxation tapos ikasal na ito next year." Sinadya kong lakasan ang bulong ko para marinig niya. "Gagi, Bri!" Hinampas niya ang kaliwang balikat ko. "Hindi ka naman mabiro, eh. Malakas naman ang pakiramdam kong madadali mo si Caleb sa harot skills mo." Tuwing dinadawit ko na ang crush niyang instructor, napapaurong ito agad. Takot niya lang talagang magka-girlfriend na si Sir Rafanan dahil for sure, mawawala na rin ang pag-asa niyang p'wedeng maging sila. Matatapos na rin ang pagda-daydream nito kapag nasa harap na si Sir habang nagdi-discuss. Kinuwento ko kay Keziah na temporary driver ko lang si Caleb dahil na-stroke si Manong Dante, ang Papa nito. Gaya ko, nagulat din siya dahil ang liit ng mundo naming dalawa. Imagine, 'yong taong gusto ko lang makilala kahapon, siya na mismo ang lumapit sa akin. Ni hindi man lang ako pinagpawisan na malaman ang pangalan niya. Wala akong ka-effort-effort na makilala siya. Lumipas ang oras na puro lang kami recitation at activities. Hindi yata lilipas ang araw na walang recitation sa isang law subject namin. Kulang na lang ay isaulo ko lahat ang articles na naroon para hindi ako magisa-gisa kapag ako na ang tinawag. Hindi ko lubos akalain na ganito pala kahirap ang Accountancy course. Sabi kasi nila noon, basic math lang ito. Tamang plus, minus, multiply and divide lang. Pero bakit ngayon? Pati piso na nawawala sa pag-balance, kailangan ko pang hanapin. "Bakit ayaw pa rin?" Halos maiyak na ako kaka-solve dahil kanina ko pa hinahanap kung saan ako nagkulang na amount. 550,623 ang debit side ko samantalang 550, 588 naman ang credit side ko. "Bri, nasaan ang 35 pesos?" tanong ni Kez. Pumunta pa siya rito sa upuan ko para lang i-check ako kung na-balance ko na ba ang binigay na problem sa amin. "Kainis! Kanina ko pa 'yan hinahanap." Bakas sa boses ko ang pagkapikon. Nakailang ulit na ako pero hindi ko pa rin naba-balance. Feeling ko tuloy, calculator ko na ang may problema. Palitan ko na kaya? Suko na ako. Iniwan lang kami saglit ni Sir at maya-maya ay narito na 'yon tapos hanggang ngayon, 'di ko pa rin naba-balance. Dahil sa inis, padabog kong inilabas ang wallet ko at kumuha ng 50 pesos mula roon. Tumingin ang mga kaklase ko sa akin, hinihintay ang susunod kong gagawin. I gulped. Inilapag ko ang 50 pesos bill ko sa sinasagutan kong papel. "Ayan! Diyan na lang kunin ni Sir ang nawawalang 35 pesos." Papahirapan pa ako nito, eh. May sukli pa 'yon. Gawin ko na lang pondo kapag nagkulang na naman ako sa balancing sa next activity. "Gagi, Bri!" sigaw nu'ng isa kong kaklase. Halos lahat sila ay tumawa sa ginawa ko at ito rin ang dahilan para umingay sa loob ng room namin. "Tres is waving," bulong ni Keziah. "Tangeks, joke lang! Magco-compute na ako." Natapos ang buong klase na naka-survive ako sa pagba-balance at madugong recitation. Tuwing natatapos ang klase, dumidiretso kami ni Keziah sa cafeteria para kumain. Sino ba namang hindi gugutumin sa hirap ng mga major subjects namin at ang dami pang pinapagawa. Palabas na kami ni Kez sa cafeteria nang mag-vibrate ang cellphone ko. Napansin kong kanina pa ito nagvi-vibrate kaya naman kinuha ko na 'yon mula sa bag. Nang in-on ko ito, sakto namang nag-end na ang call galing sa unknown number. 4 missed calls. Kumunot ang noo ko. Who the hell is this? Wala akong pinagbibigyan ng number ko except sa mga tao na nasa bahay at sa mga close friends ko. Lahat naman sila, naka-save sa contacts ko at ang isang ito lang ang hindi. I was about to message that unknown number nang nauna na akong nakatanggap ng text message galing dito. Where are you? I raised my eyebrow. Hindi ko gawain na mag-reply kapag hindi ko kilala. So, I ignored that message. Baka wrong sent lang ito. Akmang ibabalik ko na ulit sa bag ko nang mag-vibrate ulit ito. Hey! Let's go home. Nababaliw na ba ito? Habang naglalakad, nag-type na ako ng ire-reply. pinagsasabi mo? who's this ba, ha? Hindi kaya may nakakuha ng number ko at isa ito sa mga ka-fling ko? "Kez, may pinagbigyan ka ba ng number ko?" I asked. Nilingon ako nito na nagtataka. "Alam kong mapagkakakitaan ko ang pagbibigay ng number mo lalo na sa mga may gusto sa 'yo pero I'm not that kind of friend, 'no!" Oo o hindi lang naman ang sagot. Dami pang sinabi. Hinigit ko si Keziah sa gilid para tingnan sandali ang reply nu'ng unknown number. Marami na kasing estudiyante ang nagsisilabasan dahil dismissal na rin nila at siksikan na naman sa hallway. Nang buksan ko ang message niya, halos lumundag ako sa tuwa. Awtomatiko akong napangiti nang mabasa ang pangalan niya. "Sino raw?" usisa ni Keziah. Hindi ko siya nasagot agad dahil ilang minutes pa akong tumitig sa cellphone ko. Hindi na ito nakatiis kaya dumungaw na rin siya sa hawak kong cellphone. "C-Caleb?" basa nito. Nanlaki ang mga mata nito nang mapagtanto kung sino ang taong 'yon. "Ay, gagi! Ito 'yong crush mo, 'di ba?" I nodded. "So, mukhang hindi ka na makakasama sa amin ni Reign sa tambayan?" Balak kasi namin na tumambay ngayon sa Rocca na malapit lang dito sa University namin. Computer shop ang nasa first floor ng building na 'yon at ang second floor naman ay bar. Mga estudiyante sa iba't-ibang University ang tumatambay roon kaya naman kung gusto naming humarot, pumupunta kami roon. Maraming gwapo ang mabibingwit sa lugar na 'yon. "Kayo na lang muna ni Reign. Sinusundo na ako ng crush ko, eh." Sinundot ako nito sa tagiliran. "Maharot!" Nang makaalis si Keziah, agad kong tinawagan si Caleb. Nag-ring ito ng tatlong beses bago sinagot. "What?" iritado niyang bungad sa akin. Na-i-imagine kong nakakunot ang noo nito ngayon. "Sungit! Hindi ba p'wedeng mag-hello ka muna?" Narinig ko ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. "I'm fvcking waiting here for almost 2 hours!" Bakas sa boses nito ang pagkaasar kaya naman nagsimula na akong maglakad. Sinabihan pala siya ni Daddy kung anong oras ang dismissal ko at kanina pa kaming tambay sa cafeteria. Nawala siya sa isip ko. Nasanay kasi ako na hinihintay ako ni Manong Dante noon hanggang sa anong oras ko gustong umuwi. Si Caleb na pala ang driver ko ngayon. Ang sungit pa naman ng lalaking 'yon kaya panigurado, mas susungitan na naman niya ako dahil sa tagal ng paghihintay niya sa akin. "Nasaan ka ba?" I asked. "Greenhome 2," tipid niyang sagot. Tinahak ko ang daan papunta sa greenhome. Naglakad ako sa quadrangle dahil mas mabilis akong makakarating doon kumpara sa daan na nasa forest. "Okay, baby. I'm coming na." Hindi ko na narinig na nagsalita ito sa kabilang linya. Siguro ay pinatayan na ako nito. Hindi na ako nag-atubiling tingnan pa ang cellphone ko. Hawak-hawak ko na lamang ito habang naglalakad. "Pogi nga, ubod naman ng sungit!" panimula ko.Wala akong pakialam kung nagsasalita ako habang naglalakad. Mahina lang naman ang boses ko at 'di naman ako naririnig ng mga nakakasalubong ko. "Ang hirap-hirap pa harutin! Ang ganda ko naman para habulin siya. Ano siya? Gold?" Ang daming nagkakagusto sa akin pero sa kaniya lang ako tinamaan nang ganito. Swerte niya nga kung tutuusin, eh! Tapos 'di niya ako icru-crushback? Malapit na ako sa greenhome at tanaw ko na rin ang nakaupong si Caleb sa gilid nang may humarang sa dinadaanan ko. May tatlo pa siyang kasama at mukhang mga kaibigan niya ang mga ito. "Hi, Bri!" wika nito. Tiningnan ko ang mukha nito. Chinito! Nakasuot ito ng nursing uniform. Binaling ko ang paningin ko sa mukha nito. Inaalala ko kung kilala ko ba siya. Familiar naman siya pero hindi ko matandaan kung paano kami nagkakilala. "Excuse me? Do I know you?" Hindi ito nakatakas sa pang-aasar mula sa kaibigan niya. "Ouch, Fafa Louie! Hindi ka pala kilala, eh." Hindi pinansin nu'ng lalaking chinito ang pang-aasar ng mga kaibigan niya. Nakatitig lamang ito sa akin na nagbigay naman ng pagkailang sa akin. "You already forgot me, huh?" He chuckled. "We met in Rocca last month and after 3 days of talking, you ghosted me." Oh! I ghosted him. "S-Sorry?" tanging sambit ko. I heaved a sigh. "I don't want to trifle away this chance to invite you in a coffee date before you will go home. Don't worry, I will drive you home." Ha? I already ghosted him na nga, eh! It means that I don't want to be with him na. So, why he's still inviting me? Is he that numb? Hindi ko alam kung paano ako nito makakalusot. "Ah, kasi ano..." Luminga-linga ako at nagbabakasakaling nandito pa sina Keziah at Reign. Sila lagi ang nagliligtas sa akin kapag may ganitong sitwasyon pero ni anino man lang nila, hindi ko makita. Napunta ang paningin ko sa greenhome 2. Natanaw ko si Caleb na nakatayo na roon malapit sa amin. Alam niyang narito na ako dahil nakatingin siya sa direksiyon namin. May naisip akong ipapalusot pero hindi ko alam kung gagana dahil kakailanganin ko ang tulong ni Caleb. Hindi nito sasakyan ang palusot na sasabihin ko. Caleb is too dainteous. Bahala na nga! "Bri?" pagkuha nu'ng lalaki sa atensiyon ko. Hinihintay nito ang sasabihin ko pati na rin ang mga kasama niya. "I already have a boyfriend." Pinagsasabi mo ba, Brittany? Ito lang ang alam kong paraan para tigilan ako ng isang ito. "Tangina, sakit nu'n!" ani ng isang kaibigan niya. Narinig ko ang asar na tawa ng lalaki. "You have a boyfriend, huh? Really? I did a research on you, Bri. Hindi ikaw ang tipo ng babaeng naglalagay ng label sa isang relasiyon. Hindi ako naniniwala." Inirapan ko ito. Ganoon na ba kalakas ang tama niya sa akin at talaga nga namang pinaimbestigahan pa niya ako? Nadaplisan ng paningin ko ang papalapit na si Caleb. "Nandiyan na pala ang boyfriend ko." Nagsitinginan silang apat sa kanilang likuran. Walang reaksiyon ang mukha ni Caleb na huminto sa tapat ko. Kinuha ko ang kamay ni Caleb at pinagtiklop ang mga kamay namin. I need to act that he's my boyfriend para tigilan na ako ng kupal na ito! Kinakabahan ako sa ginagawa ko. Baka hindi sumakay itong si Caleb at mapahiya pa ako. Nang mapagtiklop ko na ang mga kamay namin, palihim kong pinisil ang palad niya to give him a sign na 'wag siyang tumanggi at sumakay na lang. "Meet Caleb, my boyfriend." I smiled. Ramdam kong malapit na akong pagpawisan dahil sa kaba. Hindi umimik ang katabi ko. Pinasadahan lang ni Caleb ang apat na lalaking nasa harap namin bago ito tumingin sa akin. Our eyes met. Wala pa ring emosiyon ang mga mata niya. Hindi ko mabasa kung anong reaksiyon niya matapos kong sabihin na boyfriend ko siya. Kinuha niya ang sling bag ko at isinuot ito sa kabilang braso niya. "Let's go, baby." Gulantang niya akong hinigit paalis sa harap ng apat na lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD