“Anong oras mag-start mamaya, Bri?” Nagsilapitan na ang mga kaklase ko sa akin nang matapos ang last subject namin. Tinatanong nila sa akin ngayon kung anong oras magsisimula ang birthday party ko. Mamayang gabi na iyon at halos lahat sa kanila ay excited na lalo na ang mga kababaihan. Malamang ay dahil inimbitahan ko ang mga kakilala kong estudiyante mula sa kabilang school, school exclusive for boys only. Kaya tuwang-tuwa ang mga ito lalo na si Kez at Reign, may pagpapansinan na naman sila mamayang gabi. “8:00 ang start and it’s okay to be late. Magpapapasok pa rin naman ang guard ng village namin dahil in-inform na sila ni Dad. Just give this invitation to the guard as a proof that you’re invited.” Kinuha ko ang bag ko at inilabas doon ang invitation cards. 30 pieces ‘yon lahat

