bc

Above Heavens

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
drama
twisted
no-couple
mystery
genius
coming of age
soul-swap
special ability
like
intro-logo
Blurb

In a parallel universe, are you the same person or not?

Would you like it if you will meet you?

If heaven is real, then what lies above it?

Join Vaughn and Candary, as they follow the omens given by their future selves, and avert the threads that will distort their futures.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Vaughn please! Nagmamakaawa ako oh!" Kasabay ng paghabol ko sa kanya ay ang paghabol ko rin sa hininga ko dahil sa malalaki niyang hakbang at mabilis na paglalakad. "Vaughn! Buhay ni mama ang nakataya rito! Sana naman magkaroon ka kahit konting konsensya man lang!" Halos nakikisabay ang mga busina ng sasakyan sa pagsasalita ko kaya nilakasan ko pa ang boses ko. Wala na akong pakialam kung mamaos ako pagkatapos nito. Napapagod na akong suyuin ang ganitong klase ng tao. Pero kapag tumigil ako, para ko na ring sinuko ang buhay ni mama. "f**k! Candary!" Huminto siya sa paglalakad at sa wakas ay humarap na rin sa akin. Bahagya pa akong nagulat. Nasa gilid kami ngayon ng overpass, kaya agaw atensyon ang eksena namin dito. Maraming mga tao ang dumaraan dito ngayon. Mga estudyante na nagsisiuwian na mula sa kalapit na school. Nakabibingi. Ang daming sasakyang dumaraan sa ilalim. Dinig na dinig ang mga busina mula rito sa itaas. "Vaughn, kumalma ka naman. Isipin mo lahat ng sinabi ng sarili mo. Tatlo na ang namamatay!" Sinubukan kong alugin siya sa balikat gamit ang dalawa kong mga kamay pero agad niya ring tinanggal 'yon. "Naniniwala ka pa rin doon? For God's sake Candary! Nasa 21st century na tayo!" Napakamot na lang siya sa ulo niya. Pero 'di ako titigil hangga't hindi siya napapapayag na tulungan ako. "Alam kong naniniwala ka naman. Pero ayaw mong tanggapin 'yon sa sarili mo!" Pinilit ko pa ring magsalita nang buong lakas. Pakiramdam ko ay nagbabadya nang tumulo ang mga luha ko. Lumapit siyang bahagya sa akin. "Dalawang taon na ang nakalipas!" Aniya na wala talagang pakialam sa pangungimbinsi ko. "Sige sabihin mong lahat ng nakita't narinig natin nang araw na 'yon ay walang katotohanan! Sabihin mong nababaliw lang tayo noon!" Kailangang kaming dalawa ang pumigil sa mangyayari. Mamamatay si mama at siya ang magiging dahilan nito. Masisira ang mga buhay namin dahil sa isa't-isa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

A Night With My Professor

read
534.1K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.8K
bc

My Master and I

read
136.3K
bc

Debt Exchange (Tagalog)

read
972.8K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
548.5K
bc

Taz Ezra Westaria

read
110.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook