Fifteenth Glitch

1777 Words
C A N D A R Y Matapos ang araw na 'yon, parang lumipas lang ang mga sumunod. Sa dami ng kailangang unahin sa acads, hindi na kami nakapag-usap ni Vaughn maging pagkatapos ng klase sa Big History. Siguro nga ang hirap pa mag-sink in ang mga naiwang tanong na hindi nasagot. Kagaya no'ng sino ang nakita namin na matandang Vil? Nagbigay nga sila ng detalye pero malabo. Kung sa bagay kaysa wala, 'yong tipong as in zero basis talaga kami ni Vaughn. Mas mahirap 'yon. Pagkauwing-pagkauwi ko no'n ay inulit ko 'yong mga na-jot down kong impormasyon mula sa mga taga-Foxtrot. Inayos ko ang pagkakasulat. Literal na future reference. Wala akong ibang napagsabihan nito pati si mama at Teffy. Baka isipin pa nilang nababaliw ako! Bilib na bilib ako sa nakita namin pero may halong takot. Akalain mong posible pala 'yong mangyari sa totoong buhay. Siguro kung Netflix series 'to, kami ni Vaughn ang bida ahahahaha! Ayan, Candary, daanin mo pa sa biro. “Anak tapos ka na ba?” Narinig kong tanong ni mama mula sa ibaba. Nandito pa rin ako sa kwarto ko sa taas at nagpapatuyo ng buhok sa electric fan. Ang tanga kasi ng blower pumutok hmmp! “Sandali na lang po ma.” “Sige antayin na lang kita rito sa labas ng gate. Baka parating na tricycle ni Kuya Fred.” Sabado ngayon. Alas otso palang pero maaga kaming gumayak ni mama dahil pupunta kami sa karatig lalawigan. Dalawang beses palang ako napunta roon at halos lagpas isang oras ang byahe. Makikipag-usap si mama roon sa bago nilang supplier ng harina at asukal dahil 'yong dati naming supplier ay titira na raw sa Canada. Ang sabi ni mama, roon daw kami pupunta sa mismong factory. Ang bait talaga ni mama at kami pa talaga ang pupunta para makipag-transaksyon. Nanatiling bukas ang bakery dahil nandito naman sina Ate Rina, at Aling Lourdes. Ayoko talagang nagde-dress pero dahil binilhan ako ni mama noong napunta siya sa mall, ito ang gusto niyang suotin ko ngayon. Nakakainis! Kung hindi lang kita mahal mama! Kulay yellow ito na hanggang taas ng tuhod at may manggas. Cotton ang tela at simpleng mapapayat na nakaburdang linya lang ang design. May bulsa rin ito sa kanang bahagi kaya 'di na ako nagdala ng sling bag. Cellphone lang naman ang dadalhin ko. Okay na rin. Pinarisan ko ito ng puting converse. Naalala ko tuloy noong unang gig ko, naka-dress din ako. Cringe! Naglagay na rin ako ng kaunting liptint para naman 'di ako maputla. “Aba! Ang ganda-ganda talaga ng anak ko!” Bungad ni mama sa akin paglabas ko ng gate. Sakto naman dumating ang tricycle ni Kuya Fred na siyang maghahatid sa amin sa terminal. “Mama naman!” Ayoko talagang nasasabihang maganda. Mana pa cute. Parang 'di ko masyadong deserve 'yong adjective na 'yon. Matawa-tawa tuloy si Kuya Fred sa reaksyon ko. Wala pang masyadong tao sa terminal dahil maaga pa at Sabado. Maliban sa mga estudyanteng may pasok. Buti na lang tapos na ako sa NSTP na 'yan. Walang pila kaya agad naman kaming nakasakay ni mama sa bus. Ang pinakanakakainis sa lahat ay ang makalimutan mo ang earphones sa mahabang byahe! Dibale sana kung 20 minutes lang eh huhuhu. Si mama naman nakapikit agad dahil galing pa siya sa birthday noong kumare niya kagabi kaya puyat. Wala na akong nagawa kundi ipako ang paningin ko sa mga puno, at daang dumuduwang sa bintanang nilalampasan ng bus. Masarap sa paninging makakita ng mga puno at halaman. Tumatama ang malamig na hangin sa mukha at buhok ko kaya naman napilitan akong  ipunin sa kamay ang buhok ko. Probinsyang-probinsya ang dating. Pero mas okay sana kung may music! Para nakakapag-imagine ako na nasa music video ako ahahaha! Pero kumusta na kaya si Vaughn? Pagkatapos ng weekend kakausapin ko siya. Hindi ko pa rin mawari kung sino sa Ethics class namin ang babawian ng buhay.  O 'yong kakilala namin. 'Wag naman sana. Lagpas alas nuebe na nang makarating kami rito. Hindi talaga masyadong pamilyar ang lugar na 'to sa akin. Ang alam ko lang 'yong bar kung saan kami rumaket nina Tryvsky, Yahnee, at ng iba ko pang mga kabanda noon. Hays ang tagal na rin. High school pa kami noon. Kumusta na kaya sila? Hindi na active ang group chat namin at tamang friends ko na lang sila sa f*******:. 15 years old palang yata ako noon. Hanggang sa nag-solo na lang ako sa gigs. May masaklap akong ala-ala sa pagbabanda. Madalang na nga lang akong kumanta at tumugtog eh. Hays bakit ba ang drama ko? Itinext ng may ari ng factory ang address kay mama. Agad naman kaming nakarating doon dahil nasa bungad lang ng bayan at kilala ng mga tricycle driver ang lugar. Hindi gaya ng mga tagong factory, ang sabi nila, ito raw ang landmark na nasa bayan ka na. May magarbong disenyo ang nakapalibot na gate. Aakalain mong mansyon ang nasa loob, wow. “Nak, kung gusto mong pagkain bili ka muna. Kape lang inalmusal mo diba?” Kinuha ni mama ang wallet niya at naglabas ng pera. Oo nga pala kape lang baka mamaya atakihin na naman ako ng acidity. Malayo pa naman 'to sa amin. “Sige po ma bili ako.” Tumunog ang cellphone ni mama at kausap niya na ngayon ang ka-transaksyon. Natawa pa sila pareho nang lumabas mula sa factory ang babaeng nasa edad kuwarenta siguro. Naglakad ito papunta sa amin na hindi pa rin binababa ang tawag. Parang mga ewan. Nagpigil tuloy ako ng tawa. Pumasok sila doon sa parang garaheng parte ng pagawaan ng harina. Malaki ang lugar dahil nagpo-produce din sila ng asukal. May mga nadatnan pa nga kaming truck ng tubo. Nilagay ko na lang ang cellphone sa bulsa ko at nilinga ang mga mata ko kung may convenience store ba malapit. Hindi naman ako nagkamali. Lalakad lang ng kaunti mula sa factory tapos sa tawid-daan, doon nakapwesto ang convenience store. “Sensya na brad napaaga shift mo kailangan ko lang talagang umuwi walang magbabantay sa kapatid ko may lagnat. May trabaho lang si mama ngayon. Nagpaalam na rin ako kay boss. Maiiwan  ka nga lang rito mag-isa brad.” Hindi ko sinasadyang marinig 'yung staff na nasa may counter at inaayos ang mukhang kasusuot lang na t-shirt. Nagtitingin ako ng asado siopao sa may tapat nila. “Okay lang no worries brad. Kayang-kaya ko 'to haha.” Sagot naman ng isa pang lalaking mukhang kaedad ko lang na nakasuot ng uniform na may logo ng convenience store at name plate. Lumabas naman na 'yung isang staff na nagnamadali. Ano ba 'yan bola-bola flavor lang pala ang mayroon! Naisip kong mag-footlong na lang. 'Yon nga lang ang hirap buksan ng lagayan. Nakakahiya! Lagi na lang akong ganito. Kung ako tagabukas ng bottled water ni Teffy, siya naman tagabukas ko ng mga ganito! Pinwersa ko pa 'to ulit pero mukhang ayaw talaga patalo. Dapat pala energy drink ininom ko 'di kape. Narinig ko naman 'yong yabag ng naiwang staff mula sa likod ko. “Miss tulungan na po kita.” Sambit niya sa malambing na boses. Para tuloy akong nanlamig. Binuksan niya ang salaming lalagyan at kinuha ang tong. Walang mangyayari kung hindi ako papayag kaya umatras ako bahagya at at nakita siya ng malapitan. Nakasuot siya ng sumbrelo na kasama sa uniform ng mga nagtatrabaho rito. Matangkad din siya na may tamang pangangatawan. Hanggang balikat niya nga lang yata ako. Halatang-halata ang pagka-brown ng mga mata niya parang nakasuot ng contact lense. Mahahaba ang mga pilikmata, maliit na matangos ang ilong, maninipis ang may kahabaang labi. Para siyang babae! Sobrang amo naman yata ng mukha niya  para sa isang lalaki. “Miss ito lang po ba bibilhin ninyo?” May ngiti niyang tanong habang naglalagay na siya ng mahabang tinapay sa plastik. Nabasa ko ang pangalaang naka-print sa name plate niya. 'Kaia'. Pambabae? Paano pronunciation no'n? “Ah hindi meron pa. A-ako na po. Thank you.” Nahiya ko itong kinuha sa kanya pati 'yong tong. “Sige po.” Tsaka siya bumalik sa counter. Ako naman ay kumuha pa ng chocolate drink. Kumuha rin ako ng tubig at mamon para kay mama. Matapos ay nagtungo na rin ako sa counter. Ako lang ba talaga ang customer sa ganitong oras? Nakakahiya tuloy at kami lang dalawa rito ni kuyang staff. Mahina rin ang tugtog na mula sa speaker. “Thank you po!” Nginitian niya akong malawak at halos mawala na ang mga mata niya. Base sa mga galaw at boses niya ay masayahin siya at magalak sa customers. “Thank you din!” Ngumiti ako pabalik, kinuha ang mga pinamili ko at saka umalis. Nahirapan pa akong tumawid sa pedestrian lane dahil ako pa mismo nagbibigay ng way. Nakakainis ang ugaling 'to ng mga Pinoy! Halos marindi na tuloy ako sa mga busina. “Miss sandali!” Nakatawid na ako sa daan nang marinig ko ulit 'yong boses ng staff sa convenience store na pinagbilhan ko. Si Kaia. Huminto ako sa paglalakad at nilingon siya. Sakto namang nasa gilid na kami ng highway. “Po?” Mukhang hinabol niya nga ako at bahagya siyang hinihingal. “Yu-‘yung cellphone mo po nahulog mo.” Iniabot niya ito gamit ang kanang braso. Kinuha ko ito na nagtataka. Cellphone? Nahulog 'to? Sa bulsa ko? Bakit hindi ko naramdaman man lang o narinig na mahulog sa sahig? Weird. “Sa-salamat-“ Napahinto ako sa pagsasalita nang makarinig ng kakaibang tunog. Tunog ng parang pumutok na gulong? O may sumabog na kung ano? Napakalakas. Tinungo ko ang ulo ko sa direksyon na nilalakaran ko bago ako tawagin ng staff na si Kaia, na katabi ko na ngayon. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko! Nagkatinginan pa kami ni Kaia na ganoon din ang reaksyon. Isang malaking truck na may label na 'flammable' ang sumalpok sa poste ng kuryente ilang pulgada lang ang layo mula sa amin! Bahagya na itong may apoy sa bandang likuran! Napahawak ako sa dibdib ko at halos maiyak na nang makita ang lalaking nahagip ng sasakyan. Lalaki base sa kanyang suot na damit. Duguan siyang nakahandusay sa kalsada. Nagkalat ang mga piraso ng laman niya at, at durog na ang kanyang ulo! Ang kanyang mga dugo ay umaagos tungo sa kinatatayuan namin! Shit. Ngayon ko lang napagtanto na sobrang lapit niya pala sa amin. Totoo ba 'to? Ramdam ko ang panlalambot ng tuhod ko at panginginig ng mga kamay. Konti na lang at mabibitawan ko na ang mga hawak ko. “Mi-Miss?” Napakapit ako sa balikat ng staff na si Kaia dahil sa sobrang nerbyos sa nasaksihan. Halos matumba na ako habang nahihilo. Nakita kong nag-aalala ang mukha niya. Hindi yata ako makahinga. Hindi ko masikmura ang nakikita ko. Ngayon lang ako nakakita ng gan'tong aksidente. Nakakapanlumo. Naramdaman ko ang unti-unting pagbagsak ko ngunit agad akong nasalo ng mga braso ni Kaia. Nabitawan ko na rin ang hawak-hawak kong pinamili at cellphone. Unti-unting bumigat ang mga talukap ng mga mata ko at halos wala akong hangin na nalalanghap. "Miss?" Tinapik-tapik niya ang kaliwang pisngi ko. Mukha na siyang natataranta. Hindi ko na alam pa ang mga sumunod na nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD