Chapter Four

1644 Words
Iana's Point of View "Yes, I smoked weed last night habang umiinom. Gustong gusto ko kasi makatulog agad kagabi pero wala di ako tinamaan ng antok at oo ginagawa ko na 'yon matagal na though I already stopped siguro nanibago ulit kaya super wasted ko." Daredaretsong pagpapaliwanag ko kay El habang patuloy pa din ako sa pag eencode, na nasa harap ko, kanina ko pa kasi napapansin na hindi siya mapakali, bigla siyang titigil sa pagche-check, ibaba niya 'yung ballpen niya tapos titingin sa'kin. Syempre I know that behaviour, ganyan siya if there's something bothering him and pag may gusto siyang malaman. I stopped encoding then I smiled at him, mukha siyang nagulat. "Is there something you want to know pa about the incident last night?" Tanong ko as I emphasized the phrase 'about the incident last night', uhmm iyon pa lang ang kaya kong sabihin or ikwento sa kanya, hindi pa ko gano'n kahanda sa pagkukwento about what happened before. Nakatitig pa din siya sa'kin at hindi pa din siya nagsasalita. "El, naisip ko kasi na we have to set aside what happened to us, I know we didn't have a proper closure and etc. pero kasi hindi na naman natin maiiwasan 'yung isa't isa lalo na ako ang student assistant ni Ma'am Lopez. Magkikita at magkikita talaga tayo, we need to work with each other so let's be comfortable na lang ulit." Ngumiti lang ulit ako, gusto kong tawanan 'yung sarili ko. Like, talaga Iana? Kaya mong i-set aside 'yung past niyong dalawa ni El? Gusto kong sabihin sa sarili ko na, "Clown ka, girl?" He pinched the bridge of his nose as he closed his eyes and let out a sigh, this time ako naman 'yung nakatitig sa kanya. Hindi ko na naman siya pwedeng iwasan dahil tulad ngayon, inutusan siya ni Ma'am Lopez na tulungan ako na check-an 'yung quiz nila dito sa office nito, though siya na lang 'yung nag check dahil ang complicated masyado at wala akong maintindihan kaya taga-encode na lang ako ng score. "Okay, fine. You're right, may kanya kanya na rin naman tayong buhay. Okay lang sa'kin, okay lang sa'yo?" Syempre hindi okay sa'kin but do I have a choice? "Syempre okay lang sa'kin, wag kang mahiya if there's something you want to ask about kagabi." Sagot ko at tsaka muling bumalik sa pag eencode, parang hindi ko na kaya na tumingin sa kanya nang gano'n katagal. "Why don't you want to see a therapist?" He asked, daretso pa din ako sa pag eencode. Hindi naman ako nagulat sa tanong niya, actually expected ko pa nga, knowing na nakita niya pala kung gaano ako ka-wasted kagabi. Hindi ko alam na nandoon siya pati sila Trudis, hindi ko na rin matandaan kung anong nangyari, nagulat na lang ako pagkagising ko kaninang umaga nandoon si Artemis at Trudis. They told me everything and I apologized for doing the same s**t again. Alam ko rin may alam na si El kahit papaano tungkol sa'kin, Quia told me this afternoon na nakwento niya kay El 'yung tungkol sa pag iinom ko at weeds, she also mentioned that he called her after that. "I don't think it's necessarily needed, kaya ko pa naman tulungan ang sarili ko. Siguro may times lang talaga na nahihirapan ako matulog because I think a lot, tsaka nandyan naman sila Quia whenever I don't feel okay or I feel alone." I don't know but I still feel comfortable telling these things to him, siguro dahil we used to be like this. But it felt strange that we're still talking like this though we have unfinished business. "If you feel alone tell us, I mean kami nila Apollo, wala na sa kanila 'yon naiintindihan ka naman nila." This time napatigil ako at napatingin sa kanya na parang nagtatanong, how? I know na alam niya na I'm very fond of kuya Apollo because he's very funny, kuya ni Artemis. Uhmm, obvious naman because of their names. How do I explain this ba? Uhmmm, so kami ang squad ni Artemis; Quia, Trudis and I. We're friends since Junior High pero actually si Trudis naging kaibigan lang naming noong Grade 8, she's a transferee. We used to hang out at their house and coincidentally doon din laging nag hahangout ang squad ni kuya Apollo; kuya Red, Kuya Uno and El so we became friends with them na rin. "Quia mentioned it to me last night." Ohhh–kay, minsan kasi kapag may lakad sila hindi ako sumasama siguro dahil naisip ko rin na parang gano'n na lang? Bigla na lang din akong magpapakita sa kanila after ko silang taguan? Nahihiya ako kaya hangga't kaya ko tinataguan ko silang apat, maliban sa tatlo kong kaibigan dahil alam ko na naiintindihan naman nila ako. "Ahhh, alam na nila?" Tanong ko, luckily sobrang laki ng university kaya hindi ko sila nakikita unless sasadyain ko talaga. Pero itong sa'min, siguro tadhana na rin ang may gusto? Hindi naman kasi pwede na habang buhay ko na lang silang tataguan lalo na siya. "Yes, since first day of school. Matagal na rin pala nilang alam na nandito ka, hindi lang pala talaga nila binabanggit sa'kin, actually si Red ang unang nakakita sa'yo sa labas ng condo ni Quia. I just found out last night when I told them that you're back." Nagulat ako, wow, they already know pala but they nevel tell a word to him, ang bait nilang kaibigan for his sake. "Natakot din ako na baka galit sila or baka isipin nila ang kapal ng mukha ko." Pag eexplain ko sa kanya, tumawa lang siya ng mahina. Napatitig lang ako sa kanya and my heart skipped a beat seeing him doing that, the wall has been broken. I realized that I missed that laugh, I missed him. And it made me feel sad because no matter how I miss him we can never go back to how we used to be. "Ano ka ba Ian– uh is it okay to still call you Ian?" Another loud beat, Ian. He's the only one who calls me that before. People usually call me Ia (Iya) or Yana. I smiled, "Oo naman, kung doon ka ba comfortable eh." He smiled too. "Anyways, they understand you because they know that you have your reason kung bakit mo sila iniiwasan. At isa pa ikaw lang rin naman ang hinihintay nilang mag approach so if you miss them wag kang mahiya." He looked so comfortable with me na rin so I couldn't help myself but smile though it's still making me feel sad. "Thank you." Sabi ko without thinking, I suddenly felt like crying but I managed to stop myself. "For?" Tanong niya, I didn't want to look at him kaya pinagpatuloy ko na lang ang pag eencode habang sumasagot sa tanong niya. "Wala lang, for understanding me though I betrayed you, lahat kayo." At alam ko din na nasaktan ko siya ng sobra. "Tulad nga ng sinabi nila, you have your reason why. I know you, hindi ka aalis nang dahil wala lang, sigurado ako na may malalim kang dahilan." Hindi ko ulit napigilan mapatingin sa kanya he smiled as if he's telling me it's okay and that I shouldn't worry about it, ang sakit lang. Bakit ang bait niya pa rin kahit sobrang unfair nung ginawa ko sa kanya? Bakit nakuha niya pa ring intindihin ako? "Next time na may lakad kayo, sasama na ako." Sabi ko tsaka ako tumawa to lighten the mood, he laughed as well. "Namimiss ka na rin daw nila." I badly missed them too. Inabot niya sa'kin ang last set ng quiz na chineckan niya, quiz ng ibang section. "Lalo naman ako 'no." Sabi ko habang ineencode 'yung mga score. Napansin ko na napatingin siya sa relo niya kaya napatingin din ako sa oras sa laptop ko, 8:49PM. "Labas lang ako ha." I nodded, he smiled then went out of the room. Siguro may dapat pa siyang puntahan, medyo nakaramdam ako ng hiya kasi nag cacause ako ng delay. Almost 7 PM na siguro kami nag start, 6:30 PM kasi natapos 'yung last class ko kasi nag overtime 'yung Prof. ko kaya nag hintay pa siya sa'kin, nasa akin kasi 'yung susi ng office. Binilisan ko na lang 'yung pag eencode, saglit lang rin naman dahil hindi naman gano'n kadami 'tong section na 'to. After few minutes natapos na ko pero hindi pa rin bumabalik si El kaya inayos ko na lang 'yung mga papel at isinalansan ng maayos sa table ni Ma'am Lopez, inilagay ko din sa drawer 'yung flashdrive na pinag-save-an ko ng class record niya. Nilalagay ko na sa bag ko 'yung laptop nang biglang dumating si El. Hingal na hingal siya kaya napa-kunot 'yung noo ko habang nakatingin sa kanya. "Uy?" Naguguluhang sabi ko sa kanya. Huminga muna siya ng malalim bago pinunasan 'yung pawis sa noo niya at inabot sa'kin 'yung paper bag ng 7/11. Tiningnan ko siya na parang naguguluhan pero hindi siya sumagot, kinuha lang niya 'yung bag niya. Binuksan ko naman 'yung paper bag at sinilip 'yung laman, isang box ng chamomile tea. Napatingin ulit ako sa kanya, nakatingin pala siya sa'kin, "Drink it one hour before your bed time, it will help you fall asleep." If I do not know him, iisipin ko na he loves me still but I know him, he's normally sweet and caring to everyone around him. Okay here we go again, ang sakit because I can't have him anymore. I genuinely smiled at him, "Thank you." "Wala 'yan, let's go. Hatid na kita anong oras na rin kasi." Lumabas na kami ng office. I wasn't surprised with how he's treating me now because I know that Quia talked to him, hindi na rin ako magugulat if Quia asked him na intindihin ako at itrato ako ng maayos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD