Chapter Three

2467 Words
"Pre, napasa mo na ba kay Ma'am Lopez 'yung output? Nasama ko yata 'yung para kay Sir Ram." Napatigil si El sa pag gawa ng take home activity niya sa isang major subject nila, napatingin muna siya sa screen ng phone niya bago niya in-off ang speaker mode at inilapit sa tainga niya. "Sigurado ka ba?" Tanong niya dito. Inayos lang niya ang pagkakasalansan ng mga outputs kanina pero hindi niya ito nacheck isa-isa, kaya pilit niyang iniisip kung may napansin ba siyang naligaw na output. "Oo pre, kasi alam ko magkasama lang 'yon tsaka wala dito sa gamit ko. Pre, pasuyo pakitingin naman dyan hindi ako mapakali, hindi ko kayang ulitin 'yon ngayon." Hindi talaga, kahit siya mismo hindi niya kayang ulitin 'yung output niya lalo na at bukas na agad ng umaga ang pasahan. "Sige, pre. Tawagan kita pag nakita ko." Pinutol na niya ang tawag, napapikit muna siya at napasandal sa upuan bago hinanap sa contacts niya si Quia, his friend and also one of Iana's close friends. He immediately pressed the call button, after three rings Quia answered. "Yes?" Bungad agad nito sa kanya. "How can I contact Iana?" Daretsong sagot niya which made Quia stopped and thought for a while. Siguro ay iniisip nito na gusto niya itong makausap about personal things, isa pa after so many months ngayon lang niya ulit binanggit ang pangalan nito sa kanila. And the thing that he asked how to contact her may have already given her the idea na alam na niya na nandito itong si Ia. Hindi na rin naman nagulat si El kung may communication ang mga ito kay Iana, they are her close friends. At ngayong alam niya na nasa isang university sila hindi malabong nagkakausap at nagkikita muli ang mga ito. "I've met her this afternoon, she's the student assistant of my professor. May kailangan lang akong kunin." He explained and cleared it to her para hindi na ito mag isip pa ng kung ano ano. "A-aah, okay. I'll forward it to you but------ uhh in case you cannot contact her tell me." Nag aalangang sabi nito, medyo naguluhan pa siya pero hinayaan na lamang niya at in-end na ang tawag. After few seconds ay finorward na nga ni Quia ang number ni Ia. Napatitig muna ulit siya ng ilang minuto sa screen ng phone niya, actually he's having a second thought if tatawagan ba niya ito or what but he had no choice, nakakaawa naman ang kaibigan niya lalo na at masyado pa namang strikto si Sir Ram. Napabuga pa siya ng hangin bago niya pindutin ang number nito at ang call button, in-on na lamang niya ang speaker at ipinatong ang phone sa table niya. Nakatitig lang siya rito habang nagriring, hindi naman siya kinakabahan pero parang awkward. Naka-ilang ring na ito pero hindi pa rin nito sinasagot ang tawag hanggang sa nag-'subscriber cannot be reached' na ito. Napaisip siya ng ilang segundo kung tatawagan ba niya muli ito, naisip niya na maaring umiiwas ito at baka tulad ng naisip ni Quia ang naiisip ni Iana pero ang imposible naman na alam ni Iana ang number niya. Pero noong naisip niya ang pakay niya ay muli niya itong tinawagan ngunit tulad noong una ay hindi ulit ito iyon sinagot ni Ia. After few minutes, naisip naman niya bigla ang sinabi ni Quia. Baka there's something wrong with Ia? 'Yung tono pa ng boses ni Quia noong sinabi niya 'yon ay parang nag aalala. Medyo nakaramdam tuloy siya ng pag aalala. Mabilis naman niyang tinawagan si Quia, hindi pa natatapos ang unang ring ay sinagot na agad nito iyon. And that's it--- there's really something wrong with her. "She did not answer the call?" Tanong muli ang binungad nito sa kanya. "Yes." Matipid na sagot niya habang nilalaro ang ballpen niya. "Can you pick me up? If it's okay with you." Napatigil siya sa paglalaro ng ballpen. Nasa isip na agad niya na pupuntahan nila si Ia pero nagdadalawang isip ulit siya, hindi siya makasagot dito. "Uhmm sige ako na la---" But there's a part of him na may gusting malaman kaya pinutol niya agad si Quia, "Okay, I'll be there in five minutes." Sabi niya rito. That was one year ago, they all moved on na, sa tingin niya dapat na ring iwan ang lahat ng unnecessary feelings sa past like, hate, awkwardness and etc. Maybe it's okay if they'll be friends since hindi na naman maiiwasan na magkita at magkausap silang muli, sa tingin niya? Pwede ba 'yon? Kaya kaya niya? He didn't wait for Quia's response, mabilis siyang kumuha ng jacket sa cabinet niya, kinuha ang susi niya sa bedside table at lumabas ng condo. Sa parking lot na siya dumeretso to get his car and went straight in front of Quia's building. Halos magkatabi lang ang building ng condominium na inuuwian nila ni Quia kaya mabilis lamang siyang nakarating doon. Nakita naman agad niya si Quia sa waiting shed, binusinahan niya agad ito na mukhang hindi mapakali, nang nakita siya nito mabilis itong sumakay. Sinabi rin nito agad ang exact address ng pupuntahan nila. It's fifteen minutes away from them. Napapatingin siya kay Quia habang nagmamaneho siya, busy ito sa pag tetext at tulad kanina ay mukha pa rin itong nag aalala. "Turn left and then stop sa ikatlong bahay." Utos ni Quia, so he followed. Napansin niya na may familiar na itim na sasakyan na sa tapat noon kaya sa likod na lamang siya nito nag park, sasakyan iyon ni Artemis kaya lalo siyang nakaramdam ng pag aalala. Hindi na naman siguro mawawala 'yung pag aalala kahit gaano pa siya nasaktan sa ginawang pang iiwan ni Iana? Dahil minsan niya na rin itong minahal. Mabilis na bumaba si Quia kaya sumunod lang siya dito. Nandoon nga si Artemis at Trudis, hindi na nagulat ang mga ito na nandoon siya, siguro ay nasabi na ni Quia sa kanila. "Hindi niya binubuksan 'yung pinto, hindi rin siya sumasagot sa tawag." Sabi ni Trudis, lahat ng mga ito ay mukhang nag aalala kaya nacucurious siya lalo. Lumapit agad si Quia sa pinto at binuksan ito gamit ang susi na kanina pa nito hawak mula noong sumakay ito sa sasakyan niya. Nagmamadali silang pumasok, sumunod lamang siya sa kanila. Nakapatay ang ilaw sa living room kaya sinindi ito ni Artemis then he looked around and studied the whole area, hindi iyon gano'n kalaki sakto lamang ito para sa dalawang tao. The walls are painted white with black linings then all the furniture and fixtures are either white or black, sa isang side ng wall may mga nakasabit na paintings. Dumeretso sila sa hagdan sa kanan, of course sumunod lang ulit siya. May dalawang kwarto sa ikalawang palapag, nakabukas ang pinto ng isa at ang isa ay nakasara. Ang mga kasama niya ay dumeretso sa kwarto na nakasara ang pinto, hindi na kumatok si Quia sa pinto.Tulad ng ginawa nito kanina sa main door, binuksan niya na lang ito gamit ang susi at nagmamadaling pumasok ang tatlo habang siya ay nanatili sa labas at mas piniling manatili na lamang sa tapat ng pinto habang nakatingin sa sahig. Hindi niya alam pero parang hindi siya handa o baka hindi niya kaya na makita si Iana sa kung ano mang sitwasyon na kinalalagyan nito ngayon. It seemed like he froze where he was standing dahil kung ano mang meron or nangyayari there's just one thing he's so sure, there's something wrong with Iana. "Ia-----Ia." Paulit ulit na sabi ni Quia habang naririnig ni El na parang tinatapik tapik ito, her voice appeared calm pero halata pa rin 'yung pag aalala nito. He felt kinda weird again, something unexplainable. "Ia." Si Trudis naman ang tumawag dito, habang si Artemis ay nagmamadaling lumabas ng kwarto at bumaba na parang hindi man lang siya napansin noong dumaan ito sa harap niya. Then he heard Ia groaned, that's when he looked up and shifted his sight to them. Ia was lying on the floor, she looked like she's lost and didn't know what's happening around her as the two ladies were sitting around her. Bigla na lang itong uungot while Trudis was trying to fix her hair and Quia's trying to talk to her. "Ia, okay ka lang?" Napansin niya ang nakakalat na pakete ng sigarilyo, lighter at ilang canned beer na nakakalat sa tabi nito, she looked wasted at itanggi man niya o hindi pero nakaramdam siya ng kirot sa puso niya. What happened to her? Why did she become like that? Gusto niyang lumapit at tanungin ang mga 'yon but he couldn't move nor open his mouth. Different thoughts were running through his mind habang nakatingin siya sa kawalan when Trudis called his name. "El, patulong." Napatunghay ulit siya, nakatiting lang siya kay Trudis for few seconds habang parehas pa na nakatingin sa kanya ang dalawang babae. "Pabuhat si Ia." Dugtong nito, na nakatingin pa rin sa kanya at mukhang naghihintay ng sagot niya, do'n lang siya parang natauhan at doon lang rin nag sink in sa utak niya ang sinabi nito kaya naman mabilis siyang lumapit sa mga ito. Nang makalapit siya dito, napatitig muna ulit siya ng ilang segundo kay Ia na naka-pikit pa rin pero mukhang hindi okay ang lagay. His heart beat stronger than usual as he tried to pick her up. Hindi ito magaan pero hindi rin naman ito sobrang bigat, weird pero he felt at ease noong binuhat niya ito at hindi ito magaan, siguro dahil ibig sabihin no'n ay kumakain ito ng maayos. Pakiramdam pa nga niya ay nanlalambot ang tuhod niya pero syempre sinubukan niyang tatagan. Marahan niya itong ibinaba sa kama nito, saktong dating naman ni Artemis na may bitbit na planggana na may tubig na puro ice cubes, ibinaba nito iyon sa side table at dumeretso sa drawer ni Iana para humanap ng bimpo habang si Trudis at Quia ay inaayos ang pagkakahiga ni Iana. Nang makakita si Theia ng bimpo ay mabilis itong lumapit sa kanila at umupo sa tabi ni Iana at pinunasan ito, tulad kanina ay umuungot ungot ito. Muli niya lang itong tinitigan habang umiikot ang mga katanungan sa isip niya. He also realized na hindi ito ang unang pagkakataon na nagyari ito, dahil kung mapapansin eh tila alam na ng tatlo ang gagawin nila. Quia's Point of View "Uhhh— El, I hope you're not judging her." sabi ko sa kanya when the traffic light turned red. He looked at me as if he's asking me why. Not, 'why not judge her?' but 'why is she like that?'. "We're not in the right position to judge her. Plus, you know half of her story, El because you were there beside her that time. She's been through a lot, different traumas—" I stopped then looked at him, he looked more confused. I wanted to tell him the whole story but again I have no right. Si Ia lang ang makakapagsabi ng buong kwento kay El. "Hindi ko maintindihan." Sabi niya as the light turned orange to green, then he started driving again. "You will, you have the right to know the whole story. Though I don't know if you're interested to know since may kanya kanya na kayong buhay. Pero if I were you, I would still like to know. Siguro naman kahit konti nagwowonder ka rin. But do not judge Ia kung bakit siya ganyan ngayon, that's her way so she could sleep properly at night." I told him na hindi tumitingin sa kanya as I remembered those times we've seen her smoking we*d so she could sleep, before. Tinutulungan namin siya para tumigil siya sa pag gamit no'n. We always check her, sometimes if she's really having trouble sleeping tulad ngayon isa sa'min or if kaya lahat kami doon natutulog sa apartment niya so she would not feel alone and she could sleep properly. Napagusapan na namin na kapag ganito sasabihin niya sa'min, it's actually been three months mula nung tumigil siya. She started drinking and smoking noong April, days after makaalis ni tita Cyresh, Iana's Mom. Alam na namin na nag iinom siya but nalaman lang namin na nags-smoke siya month of May then we helped her, she stopped smoking nung June. Ngayon lang ulit niya 'to ginawa, ngayong nameet niya ulit si El. Hindi namin siya masisisi, siguro bumalik lahat ng sakit. "Have you tried stopping her? And aren't she's supposed to seek help from psychiatrist?" Tumingin ulit ako sa kanya habang nagmamaneho siya. "Of course, we suggested that already to her but it's not that easy El, lalo na if si Ia mismo ang may ayaw. And we're helping her though hindi niya talaga mapigilan ang pag iinom but she already stopped smoking, ngayon lang niya ulit ginawa 'yan." Sabi ko then I forced a half smile, I know na nakikita niya ko through his peripheral vision. "Hindi ko pa rin maintindihan." Mahinang sagot niya, which I understand. "Maiintindihan mo rin when she's ready to tell you na." She owe her an explanation, she will tell it to him naman eh since 'yon 'yung lagi niyang sinasabi. Na kahit hindi na sila ni El if may chance sasabihin niya kay El, dahil karapatan ni El malaman ang lahat. "Out of so many people, bakit ako lang 'yung may hindi alam? I was with her the whole time." He said na para bang nagrereklamo o nagdaramdam. "And you know her very well, El. You would understand her why she didn't tell you." Kung may mas makakaintindi kay Iana, si El 'yon. At maiintindihan niya kung bakit mas pinili ni Iana ang lumayo at itago sa kanya ang lahat. He just looked at me as he stopped the car in front of the condominium building kung saan ako nakatira. He looked sad, confused and curious. Gusto niyang maintindihan lahat. "But El, no matter what happens kapag nalaman mo na at kung kailangan mong mamili, choose what's giving you peace and happiness. And if you're worrying about Iana now, don't. Nandoon naman si Trudis and Artemis, hindi nila papabayaan si Ia." I don't know if he has already moved on. Pero sa nakikita naman kasi namin mahal niya si Pen, so I guess he has moved on na? I tapped his shoulder bago ako bumaba habang nakatitig lang ito sa folder na may laman daw na output ng kaklase niya sa ibabaw ng dashboard, hinanap pa namin iyon sa mga gamit ni Ia bago kami umalis doon. Buti na lang at naiwan ang output na 'yon dahil kung hindi we wouldn't know what happened to Ia. After few seconds narinig ko na lang na pinaandar na ulit niya ang sasakyan niya. I don't know but I think it's unfair kung pipiliin ka lang out of awa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD