“How are you feeling?” Hindi ko alam kung ilang beses na niya iyan naitatanong sa akin. Hindi sa naririndi ako pero nakakasawa ang paulit-ulit! Ala-una na ng hapon ngunit para na akong pasyente na hindi pinakikilos dito sa bahay. Sobrang exaggerated niya gayong palusot ko lang naman ang sakit ng ulo na ‘to. Ano pa nga bang magagawa ko? Kaysa aminin ang totoo, mahirap at baka magka-trust issue ito. Paninindigan ko na lang at magkukunwaring may sakit talaga. “Okay lang po,” inaantok kong sabi nang napapapikit-pikit. Nakahiga ako ngayon sa sofa habang siya ay nanonood ng TV. Kanina pa kami nakatapos ng tanghalian. May nakahanda pang basin, tubig, at basang bimpo sa gilid para raw kung sakaling tumaas ang temperatura ko, nakahanda na agad ang ipampupunas niya sa akin. Ngayon ko

