Isang linggo pa ang lumipas mula nang umalis si Ate Dahlia. Malaki ang pagbabago na naganap sa bahay. Ako na ang gumagawa ng mga gawin na ginagawa ni Ate Dahlia. Sa unang mga araw na sinusubukan kong maglaba ng mga kasuotan ni Kuya Alet, may mga pagkakataon na nalilito ako kung saan ko iyon ilalagay at ipupwesto. Nabigla ako sa mga pangyayari ngunit kalaunan, unti-unti ko na ring nasanay ang sarili ko. Ilang buwan na lang ang hihintayin ko bago magsimula ang pag-aaral. Gayunpaman, tinatyaga ko na lang dahil inaasikaso pa raw ni Kuya ang mga papeles at dokumento na aking kakailanganin. Wala kasing natira mula sa sunog. Abo na lang yata ang mababalikan sa isla. Sa bawat araw na nagdaan, hinihintay ko ring magparamdam si Dok Galileo. Minsan nang sinabi sa akin ni Kuya Alet na si D

