“Totoo ba ang nalaman ko, Diana?” Tigmak na ang luha ko sa mukha. Anumang pilit ko upang pigilin ang hagulhol, nananatiling masakit ang lahat. She’s pregnant and my boyfriend is the father. Gaano kasakit ‘yong babalik ako rito mula sa gulo at ito ang malalaman? I never would have thought that she’ll come back bringing their child. Paano nangyari iyon? Nanatili akong nakayuko dahil hindi makatingin sa kaniya. Naghahalo-halo na ang emosyon ko at wala ng alam gawin kundi umiyak. Gusto ko na umalis, magpakalayo-layo at hayaan na lang sila rito. Kahit hindi ko alam kung saan ako pupulutin, wala akong pakialam. “Sagutin mo ako Diana!” nanggigigil niyang sigaw sa harap ko. Mas lumapit pa siya at hinuli ang palapulsuhan ko, mahigpit na hinawakan at mistulang pinilipit. Sasabihin ko na ba? Kun

