“Mom! You didn’t told me about her!” Panay ang sigaw ni Carlo kay Ate Mossa nang kumalas na kami sa yakap at makapasok na sa kainan. Nakaupo na kami ngayon at naghihintay na lang ng ni-order na goto at aroz caldo. Iyon lang kasi ang lutong meron dito. “I wished I did told you pero wala na akong magagawa anak. Just please behave, nakakahiya sa Tita Diana mo oh?” Nanahimik si Carlo sa kaniyang tabi, humalukipkip, at sumimangot. Kung may namana man si Carlo sa kaniyang tatay, walang iba ‘yon kundi ang mukha at ugali. Their resemblance are really that evident, mapagkakamalan talagang si Kuya Kaloy ito sa oras na lumaki at magbinata. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang may naiwan palang anak si Kuya kay Ate Mossa. Ni hindi ko alam na may namagitan na pala sa kanila! Eleven years

