“Will you be my girlfriend?” Right to this moment, hindi ko na alam kung anong salita pa ang makakapagpaliwanag sa damdamin ko. Literal na naghalo ang saya at pananabik.. ang luha at pag-ibig. Nanggilid ang luha ko. Sinubukan kong damhin ang mga buhangin sa aking kamay ngunit masyado na akong namanhid ng sayang ito. Sa saliw ng naglalagablab na apoy, nasaksihan ko ang intensidad ng pagnanais sa kaniyang mga mata. Am I dreaming?Kung ilusyon man ito ng tadhana, pakiusap, ayaw ko munang magising. “S-seryoso ka ba?” nanginginig kong tanong habang ang paligid ay pinupunan ng nakabibinging ingay ng gangis at alon. His lips are on the verge of trembling, almost making me drool to kiss it forbiddenly. Umalon ang kaniyang lalamunan. Kapansin-pansin din ang pagtaas-baba ng kaniyang d

