“L-let me e-explain!” Hinabol ako ni Yuri matapos kong makapagpaalam. Pasado alas diyes na ng gabi at dalawang oras na kaming namamalagi rito nang walang ibang ginagawa kundi makipagkwentuhan kay Inna. Kanina ko pa siya hindi kinikibo, ni hindi rin pinapansin. Paano ko magagawa iyon kung wala namang katotohanan ang sinabi niya at pinaniwala niya ang tatlo sa kasinungalingang iyon? Nakaka-apat na hakbang pa lang ako paglabas ng pintuan ngunit naabot na niya ang kamay ko. Sa bilis niya ay tila awtomatiko niya akong napaharap sa kaniya. Huminga ako nang malalim nang makita ang namumungay niyang mga mata. His lips portruded as I searched for his sort of explanation. “Diana, p-please.” “Dapat lang Yuri. Anong nililigawan? Ultimong pagkagusto mo ‘kuno’ sa’kin ay pinangalandakan m

