Hindi hassle ang biyahe. Nakarating kami ng Isla Capghan gamit ang dalawang transportasyon: isang eroplano at isang bangka. Sa buong biyahe, wala akong ibang naramdaman kundi pananabik at saya. Pananabik dahil sa wakas makikita ko na ang mga kaibigan ko rito sa Capgahan. At saya dahil hindi ko mapigilang isipin na magsisilbi itong regalo ni Arlet para sa akin. Ganoon nga ba talaga siya kasinsero upang patunayan ang paulit-ulit niyang sinasabi? Gusto niya ako nang higit pa kay Ate Dahlia. Gusto niya ako nang higit pa kahit kanino. Gusto niya ako kahit ilihim pa ito. Pero hanggang ganito na nga lang ba kami? Hanggang sikreto at walang kasiguraduhan kung ano ba talaga ang aming relasyon? Sa nakaraang mga buwan, nagawa kong makilala kung sino at ano ba talaga siya bilang isang indibidw

