DESTEEN'S POV: Mabigat at masama ang pakiramdam ni Desteen ng gumising siya. Hindi niya alam na nakatulog pala siya kaka-iyak kanina. Bigla naman sumidhi ang kirot sa puso niya ng maalala ang binata. Huminga siya ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Kailangan iwasan ang stress dahil hindi yun makakabuti sa kanyang dinadala. Ang anak nalang niya ang huling alaala ng mahal niyang lalaki kaya kailangan niya iyong alagaan at ingatan. Matapos niyang pakalmahin ang sarili ay bumaba siya at tinungo ang kusina. Doon niya nadatnan ang ama at si Liam na nag-uusap. Hindi pa siya gaanong nakakadating sa b****a ng kusina ay rinig niya ang usapan ng dalawa. ".....I'll visit him after three months or so..." iyon ang naabutan niya na turan ng kanyang ama habang nagluluto ito. Si Liam naman ay na

